Present Day
Nicolo POV
Pagkauwi ko ay nagbihis lamang ako at nagpahinga. Ni hindi na nga ako nakakain. Nang magising ako ay umaga na ng sumunod na araw. Pakiramdam ko kasi ay ngayon lang nagsink in lahat ng pagod ko sa katatapos lang na Game Field Sports Competition ng Game Field. Dalawang buwan din akong nawala.
Buti na lang at modular ang kinuha kong curriculum kaya kahit na ako dito sa pilipinas an nagagawa ko pa din ang responsibility bilang Student ng Colegio de San Luis.
Nang maramdaman kong sapat na ang tulog ko ay agad akong kumilos. Sa dalawang buwan na wala ako ay napaka dami kong kailangang ayusin. Isa na dito ang mga gamit kong dala pauwi. Binuksan ko ang closet ko at pinagmasdan ang laman nito.
“Mukhang kailangan ko ulit magbawas ng damit.” Bulong ko sabay kuha ang airpods ko at nagplay ng music.
Lumabas ako sa kwarto ko. At tinunga ang lagayan ng mga cleaning materials at nagsimulang maglinis. Binuksan ko muna ang kurtina upang pumasok ang liwanag. Inupon ko ang mga labahan at pinalitan ang bed sheet ng kama ko. Ilang sandali pa ay naging tuloy tuloy na ako sa paglinis. Pagkatapos ng dalawa o tatlong oras ay natapos ko din ang paglilinis. Dumeretso ako ng banyo upang maligi. Nang matapos ako ay nagdesisyon ako na kakain na lang sa labas.
Habang hinihintay ko ang elevator na bumukas ay naalala ko ang katatapos na volleyball competition. Sa dami ng mga nasaksihan ko doon ay tiyak na magagamit ko iyon para sa paghahanda sa National Colleges and Universities Sports League.
Natigilan ako sa naisip. Naalala ko nanaman ang nangyari. Sa kilos nila kanina kahapon ay tila hindi pa sila maka get over. Dama ko yung awkwardness sa pagitan namin. Ni hindi ko na nagawang batiin sina Harvey at Sam. Well wala naman akong magagawa doon. Kung alam lang sana nila…
Tinignan ko ang wall clock na nakasabit sa dingding ng elevator. Alas-10 na ng umaga ayun dito. Nakakaramdam na ako ng gutom. Feeling ko ay isang araw ata akong hindi kumakain.
Hindi pa man ako nakakalabas ng elevator ay agad akong naka tanggap ng text from Xander. Napakunot ako ng noo nang mabasa ko ang twext message niya. Pagbukas ng elevator ay agad akong nagmadaling lumabas. Anung ginagawa niya rito? Natanong ko ang sarili.
Agad kong nakita ang mamahaling kotse ni Xander. Nakasandal siya doon na para bang alam na bababa ako. Nang makita niya ako ay agad itong lumapit ito sa akin.
Kahit kailan Xander's way of clothing always blow not only my mind but also my heart. Pakiramdam ko ay palaging may photoshoot ito na pupuntahan.
"Hi." Bati niya sabay ngiti sa akin.
"Hi. Anung ginagawa mo dito?" Agad kong tanong. Tanging ngiti lamang ang isinagot nito sa akin. Siniyasat ko ang nararamdaman ko. Tama, may kiliting hatid ang presensya ni Xander. Lalo atang pumugi si loko nang dahil sa ngiti niya.
"Kumain ka na ba?" Anu daw? Tinanong ko siya rapos tanong din ang isasagot niya?
"Paalis ako para kumain." Sinaway ko ang sarili ko dahil sa nararamdaman ko.
"Tamang tama, hindi pa din kasi ako kumain. Sabay na tayo." Well tinignan ko siya. Halata niyang seryoso naman ito. Nakibit balikat na lamang ako. Boring din kasing mag-isang kumain.
Agad naman niya akong giniya sa kanyang sasakya. Pinagbiksan niya ako nang pintuan. Feeling ko tuloy ay babae ako. Lihim akong napangiti.
Agad naman kaming nakarating sa malapit na mall. Dahil kakabukas palang ng Mall ay kakaunti pa lang ang mga tao dito. Tahimik lang kaming naglakad lakad.
"Saan mo gusto kumain?" Pagbasag niya ng katahimikan.
"Kahit saan, hindi naman ako mapili sa pagkain." Sagot ko sa kanya. Totoo naman kasi na di ako mapili. I eat a lot. Luckily I don't get fat.
We end up eating in Max's Resturant. While are eating we manage to talk of things. Sa una ay kapwa kami nakakaramdam ng awkwardness but later on ay mukhang naging comfortable na kami sa isa't isa.
Nang ihatid ng waiter ang order namin ay agad naman kaming kumain. Kapwa kami nagtatawanan ng lapitan kami ng isang grupo ng kabataan.
"Hi. Kayo sina Xander Lim at Nicoli Mickelson diba po?" May excitement sa boses ng batang lalaki na sa tantya ko ay junior high school palang. Kumikinang ang mga mata nito habang nagsasalita.
"Idol po kasi namin kayong dalawa. Pwede po bang magpapicture?" Singit agad ng isa.
Napangiti nalang kami ni Xander dahil hindi namin inaasahan yun. Pumayag naman kaming dalawa. Wala namang masama sa pagpapapicture.
"Grabe!!! Kinikilig ako sa inyo. Bagay talaga po kayo." Nahiya naman ako doon sa sinabi ng isa pa nilang kasama.
"Susubaybayan po namin ang laban ninyo sa NCUVL. Galingan nyo po." At sa wakaa ay nagpaalam na din sila. Nakakahiya man sa mga taong naririto na tila naging curious kung sino kami pero sino ba naman kami para tanggihan ang mga kabataang nag-iidolo sa amin.
Nagpatuloy kaming kumain ngunit parang nahirapan na akong kumain dahil nagsimula nang magbulungan ang ibang naririto.
"So, talaga palang nagde-date silang dalawa. Akala ko palabas lang nila." Rinig kong bulong ng isa sa bandang likod namin.
"Akala ko ba eh si Clarisse ang gf ni Xander?" Yung totoo nagbubulungan ba talaga sila? Nakakarindi ha.
"Ang cute nilang dalawa no!" Nagkatinginan kami ni Xander.
"I think we are done eating." Salamat naman at naisipan na niya iyon.
"Magbabayad na lang ako." Akmang tatayo na sana ako para kunin ang bill nang pigilan niya ako.
"Ako na magbabayad, hintayin mo nalang ako dito." Prisinta niya.
Siya nga ang nagbayad. After that ay lumabas na kami sa restaurant nang hindi nag-iimikan. Naglakad lakad pa kami sa mall. Nang mapadaan kami sa mga boutique ng damit panlalaki ay nagsimula naman kaming magsalita. Maya maya pa ay namimili na kami ng damit na babagay sa kung kanino sa aming dalawa. Sa totoo lang para kaming ewan. Tatahimik tapos biglang mag-uusap. Magtatawanan ulit magkakatitigsn at another awkward moments ulit. Haist!
Pagkatapos makabili ng ilang pirasong damit ay nakaramdam ako ng gutom. Malamang di kasi ako nakakain ng maayos. Kaya heto kami ngayon sa Burger King.Nilantakan ko ang dalawang buger, large fries at orange juice.
After naming kumain sa burger king ay napadpad kami sa fountain area ng mall. Medyo tahimik doon at may mangilanngilan na mga tao.
"Magpapractise ka na ba bukas?" Tanong niya sa akin.
"Siguro. Kailangan na eh." Sagot ko sa kanya. Tumingin ako sa malayo at saka tinanong siya tungkol sa team.
“How the team na pala?”
Gaya nga ng inaasahan ko ay hindi pa daw nakakaget over ang mga kasama namin sa nangyari. Pagpractice, nagpapractice naman daw sila pero after that ay parang hindi daw ulit nila kilala si Xander. Yun ang dahlia kung bakit dala niya ang sasakyan niya dahil uwian na siya.
"Anu ba kasi ang nakain mo at naisipan mong halikan ako?" Hindi ko mapigilang tanong. Matagal na katanungan iyon na gusto kong mabigyan ng sagot. Marahil ay ito na ang pagkakataon.
"Ang totoo hindi ko din alam. Parang may kung anu sa loob ko na gustong kumawala sa tuwing nakikuta kita. Wierd yon alam ko pero yun ang nararamdaman ko. Yung tipong gusto ng sarili kong mapalapit sa iyo."
"Nang araw na yun, hindi ko na alam ang iisipin. Naghahalo na ang lahat sa utak ko. Pero hindi ko pinagsisisihan ang ginawa ko." Aniya.
Tumingin lamang ako sa kanya habang nagsasalita siya. Hindi ako nagsalita pa dahil pakiramdam ko ay may tambol sa loob ko sa lakas ng kabog ng dibdib ko.
"Kung bibigyan akong ibalik ang tagpong iyon, ay hindi ako magdadalawang isip na ulitin ulit iyon. Kasi na realise ko na gusto kita, Nicolo." Napaubo ako bigla sa na dinig ko. May parte sa puso ko na nagbubunyi sa sinabi ni Xander. Pero dapat ko na bang panghawakan yung salita niya?
"Seryoso k aba dyan sa sinasabi mo? Baka nabibigla ka lang." Tanong ko sa kanya. “At saka, paano si Clarisse?”
"Wala na kami. Nakipaghiwalay na siya sa akin." Tinitigan niya ako muli. Bakit feeling ko ay natutunaw ako sa kanyang mga titig. Hindi tuloy ako makapagsalita.
"Nicolo, if ever I decided to fall for you, will you catch me?" Wait anu daw yun? Catch ba kamo? E nahulog na nga ako sa kanya diba!
"Di ba dapat ako ang magtanong niyan?" Di ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob para masabi ang tanong na yun.
Napangiti nalamang siya sa tinanong ko. Maging ako ay napangiti na din. Nyeta kinikilig ako.
"Sige, ibang tanong na lang. Kung sakaling ligawan kita, may pag-asa ba ako?" Sumeryoso siya ng ayos. Kita ko sa mata niya ang walang halong biro.
Mag-iinarte pa ba ako? Eh nahulog na nga ako sa kanya. Tinanggap ko ang alok na maglaro sa Thailand para hindi ko na muna siya maisip. Nagbakasakali akong matatabunan ng pagod at excitement ang nararamdaman ko. Sana nga nakalimutan ko na lang ang halik niyang nagpaklaro ng isip ko. At ngayong nasatapat ko na siya at sinasabing manliligaw, aarte pa ba ako?
"I kiss you back right. Do you think I will kiss back kung wala akong nararamdaman for you?" Napatingin ako sa malayo. "Xander, I like you, even before." Pag-amin ko. Wala na rin namang sense na itago pa.
"So if that's the case, can we be on a relationship? Let’s skip courting already." Nakangising wika nito. May himig ng panunukso sa kanyang mga boses.
"Hala s'ya!" Natatawa ko na ding sagot. Hindi ko na kasi sure kung anu ang isasagot ko.
"Bakit?"
"Ihatid mo na ako sa condo at gumagabi na. Maaga pa ako bukas." Wala na. Kailangan ko nang madivert ang usapan dahil mangingisay na ata ako sa kilig ngayon. Pakiramdam ko pulang pula na ako.
Hindi naman niya ako tinukso pa at hinawakan na lamang niya ang kamay ko at naglakad patungong parking lot.
Sa byahe ay muli naman nabuksan ang usapin ng pagkawala ko ng halos dalawang buwan. Nag-explain naman ako sa kanya.
"Alam mo bang hindi ako mapakali dito dahil lagi kitang iniisip. Nilibot ko buong school para hanapin ka." Aniya.
Natahimik na lamang ako at nakinig sa mga reklamo niya hanggang makarating kami sa building ng condo.
"So, anu na? Are we in a relationship now? Boyfriend mo na ba ako?" Heto nanaman tayo sa banat niya.
Napailing na lamang ako at binuksan ang pinto ng kotse at bumaba. Bago ko isara ang pinto ay nagsalita ako.
"Try mo kaya munang manligaw." At sinara ko na ang pinto at naglakad papasok sa building. Hindi ko mapigilang mapangiti. Napatingin ako sa phone ko nang may nagmessage sa akin.
Ok, gusto mong ligawan kita, Sige liligawan kita. Ihanda mo sarili mo baka di mo kayanin ang kilig!
PS: Susunduin kita bukas.
I can't wait Xander...
***
Kinaumagahan ay sinundo nga ako ni Xander. Naka-school uniform ito at ang linis niyang tignan. Kahit siguro isama mo siya sa lahat ng student ng CSL(Colegio de San Luis) ay lulutang ang lalaking ito.
Sa canteen kami dumeretso pagdating namin sa school dahil hindi pa kami nag-aalmusal.
"Hanap ka na lang ng upuan natin ako na bibili." Mungkahi nito na siyang sinunod ko nalang. Alam nya na din naman ang gusto kong kainin kasi sa sasakyan palang ay pagkain na kaagad ang pinag-usapan namin.
Habang naghahanap ako ng upuan ay ramdam ko ang mga matang nakatutuk sa akin. Di rin nakaligtas ang mga bulungan. Hindi ko nalang iyon binigyan ng atensyon. Masyado akong gutom para pahakagahan ko ang opinion nila.
"Like what you said earlier tapsilog with extra rice at orange juice." Wika ni Xander nang makarating sa mesa namin. Inilapag niya ang food sa mesa. Napansin kong apple salad lang ang sa kanya at fruit shake.
"Yung totoo, mabubusog ka nyan?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi kasi ako sanay kumain ng heavy meal pag-umaga." He explain. Well wala na din naman akong magagawa kung yun ang nakasanayan niya. Kaya pala noong nasa El Nido ay tinapay o cereal ok na sa kanya.
Nagsimula na lang akong kumain at maging siya ay kumain na din. Habang kumakain ay napansin kong nasa linya ng kainan ang ibang mga volleyball varsity.
"Don't mind them. Lalapit din ang mga yan kung OK na sila. Kumain ka na at baka mahuli ka pa sa class mo." Nakita nya pala akong nakamasid sa kateam namin.
"You miss them." Maikli kong sagot kahit wala namang tanong. Hindi naman kasi maitatanging kaibigan nya ang mga yun.
"Babe, lets just eat." Aniya habang nakangiting nakatingin sa akin. Muntik na akong mabulunan sa endearment na ginamit niya. Wait, kami na ba?
Nagpatuloy na lamang kami sa pagkain. Maya maya pa ay kapwa kami natigilan ni Xander. Isa isang nag-upuan kasi ang mga kateam namin sa table namin.
"Oh, ayaw nyo na bang kumain?" Puna ni Jim.
"Wow, apple salad! Namiss ko to. Akin nalang kung ayaw mo na, Xander." Wika naman ni Blake na nakaupo sa kanyang gilid. Tinangka pa niyang kunin ang pagkain ni Xander. Agad naman niyang tinapik ang kamay ni Blake.
"Aray! Grabe ka, nagkaboy friend ka lang ganyan ka na." Kunyaring nagtatampong wika ni Blake.
"Here, kuya Blake." Alok ko ng tapa. Lumuwanag naman ang mukha niya at sinabing paborito nya daw ang tapa.
"Lahat naman ata paborito mo. Basta libre. Style mo, Blake bulok." Tukso ni Kuya Leopold na katabi ni Jim.
Hindi ko mapigilang matawa doon. Pero ang kaharap ko naman ay di mapinta ang mukha.
"Masarap ba yang apple salad?" Tanong ko sa kanya. Ngumuti ito at tumango. Gamit ang kursara niya ay kumuha siya at akmang isusubo sa akin.
"Tikman mo na." Aniya.
"Ako na ang kukuha." Sagot ko. Hindi naman siya pumayag at sinabing kainin ko nalang daw ang isusubo niya. Sa huli kahit hiyang hiya ay pinagbigyan ko na lang. Nagsisisigaw naman ang tatlong kasama namin.
Mukhang unti unti ay nakakarecover na ang team. Kita ko na parang nabawasan ng alalahanin si Xander ngayong kinakausap na siya ng tatlo.
Natutuwa ako sa samahan nilang apat. Yung tipong parang walang nangyari.
Muli kong nabalingan ang mga ibang member ng team na nakaupo sa ibang mesa. Tahimik lang sila doon. Napansin kong nasa ibang mesa ang ibang baguhan. Saka ko naramdamang na mimiss ko din sila.