Set Twenty One: Start of the New Chapter

2239 Words
Xander POV Ang sarap sa pakiramdam na muling makausap ang mga malalapit mong kaibigan. Ang akala ko nga ay hindi na nila ako kikibuin pagklatapos ng issue sa El Nido pero heto kami ngayon at nagtatawanan na para bang walang nangyari kasama ang taong bumihag sa puso ko. “Hey, Dalian nyo na d’yan at malelate nap o kayo.” Pagpapaalala ni Nicolo. Nagmadali naman kami at inyos ang aming bag. “I’ll see you in the gym okay.” Hinalikan ko sa pisngi si Nicolo at lumakad na palayo kasama nina Blake, Jim, at Leopold. “Wala bang class si Nicolo?” Tanong ni Jim. “Modular siya, bro. May aasikasuhin lang kaya maagang pumunta.” Explain ko. “So, sigurado ka na bang pangangatawan mo yung relasyon ninyong dalawa?” Tanong naman ni Leopold. “Sa tingin ko wala namang masama kung susubukan naming ni Nicolo. Gusto ko siya at gusto din niya ako. Yun naman ang mahalaga. Hindi ko dapat pa pakinggan ang sasabihin ng iba lalo pa kung hindi naman importante. “Basta, bro, support kami sa inyo.” Si Blake. “Saka sorry nga pala kung naging strangers kami. Syempre hindi naming inaasahan yung ganoon.”   “Wag nyo na isipin yun. Nauunawaan ko naman na hindi madali ito for you. Kung sa akin nga nakakapanibago sa inyo pa kaya na all of your life alam ninyong babae ang gusto ko.” Pinagpasalamat kong naintindihan ako nga mga kaibigan ko. Umabot man ng dalawang buwan ang importante, naging bukas ang mga isip nila at tinanggap kami. Kung sana lang ay ganoon din ang iba. Narating naming ang class room na pagdarausan ng klase naming ngayon.  Nagsiupuan na kami at hindi binigyang pansin ang mga mapanuring mata ng ng mga kaklase namin.   Nicolo POV Pag alis ni Xander ay saka naman lumapit si Sam sa akin. Mukhang nahihiya pa magsalita ang isang to. “Let’s not talk about it anymore.” Inunahan ko na sila. “You don’t need to say sorry kasi alam ko nabigla lang kayo.” “Still, I should have said something.” Ani ni Sam. “Harvey  told me that you might need to be alone. Kaya hindi na muna kita kausapin baka kasi mas magalit ka. Hindi ko naisip na it adds up the alienation. I’m sorry. It is my fault. “ Sam explained. Talagang sinubukan niyang magsalita ng Pilipino. “Sam we’re good. Let’s move forward.” Nginitian ko upang maging panatag na siya. Inabot ko naman ang back pack na dala ko. Nagtaka pa kanina si Xander kung bakit daw ang laki ng bag na dala ko e, wala naman akong pasok. “By the way, I brought you something.” Pagbukas ko ng bag ay inilabas ko ang dalawang plastic bags kung saan naroroon ang pangalan niya. Inabot ko iyon sa kanya. Nanlaki naman ang mata niya nang makita ang laman nito.  “Wait, this is the limited edition shaker bottle right?” tanong ni Sam habang nilalabas ang mga laman ng plastic bag. Bukod kasi sa Game Field Apparels, kasama sa completion ang mga sister company nila maging mga allied company. Ang mga ito ay naglabas ng mga limited edition products para ibenta sa buong duration ng competition. Isa sa mga iyon ay ang shaker battle na binili ko for them. Actually lahat sila binilhan ko. Pero yung sa kanila lang ang dala ko dahil the rest kasama ng ilan pang gamit ay ipapadala ngayon. Iyon talaga ang dahilan kung bakit ako maaga ngayon. “I love this MOISTURE-ABSORBING training jacket. Thank you.” Dagdag pa niya. All in all hindi naman ganoon karami ang binigay ko sa kanya. Aside sa Shaker bottle at orange yellow training jacket na pinasadya ko ang design, may micro fiber towels din at cute design face mask at iba pang abubot. Nakakatuwa nga siyang panuurin habang iniisa-isa ang laman ng plastic bag na bigay ko. Nangsabihin kong may gagawin ako ay  hindi na lang daw siya papasok sa mga klase upang  sasamahan ako. Wala naman akong nagawa. Isinama ko nalang siya sa Sports Office. Doon kasi ipapadala ang mga items na pamimigay ko. Hindi naman sa nagwawaldas ako ng pera at kung anu pa man. I just want to share. Base kasi sa contrata ko ay fourty percent ng talent fee ko ay in kind or products so I grab the opportunity. Sa dami nang gamit ko ay hindi ko mauubos iyon. Nang dumating kami doon ay naroroon na nga ang tatlong balik bayan box na nakapangalan sa akin. Agad kaming nagpatulong upang ilipat iyon sa Volleyball Room kung saan naroroon din ang office ng mga Coaches. “Ito na ba yon?” Bungad ni Coach Kiko sa amin. “Yes, it is. We’ll pack it so it will be easy for us to distribute sa mga players.” Yun na nga ang nangyari. Pinaghiwa hiwalay namin ang laman. Nang mapaghiwa hiwalay na ay isa-isa na naming nilagay sa mga gym bag at pinangalanan kung kanino mapupunta iyon. Kasama na ang Shakers na katulad ng binigay kay Sam. Iniwan ko saglit ang dalawa upang pumunta sa table ni Coach Kiko. “Tapos na ba?” Tanong niya. Nakangiti itong tumingin sa akin. “Patapos na po. Yung para sa team B nalang natitira.” Sagot ko. Inabot ko sa kanya ang isang back pack. Official Game Field Philippines back pack iyon. Sa loob noon ay ilan din sa mga pinamili ko for him. Hindi ko siya nakasama this year kaya nagpasya na lang akong pasalubungan siya. “Nagsayang ka nanaman ng pera. Sabi ko kahit wag na diba? Yung pamimigay natin alam ko  parte iyon ng talent fee mo.” “Kunin mo na lang kasi kuya. Yung pera madaling kitain. Pero yung mga taong susuporta sa iyo mahirap hanapin iyon. So take this.” Bigla nitong ginulo ang buhok ko bago kuhanin ang bitbit kong bag. Nang matapos na ang lahat ay agad kong niyaya si Sam na tumungo ng canteen para kumain ng lunch. Ginutom ako sa ginawa naming pagpapack. Dahil four o’clock pa ang training ay nagpasya kaming mag-gala sa pinaka malapit na mall. Pinangatawan talaga niya ang pag-absent ng buong araw. Buti nalang at nakinig ako sa suggestion ni  Kuya Kiko to take a Modular Curriculum. Mula nang magsimula akong maglaro sa Game Field ay si Kuya Kiko na ang tumayong manager ko. May basbas iyon ng mama ko kaya ang siste ay legal guardian ko na din siya. Exclusive ang contract namin sa Game Field.  Five years ang duration ng contract pero yearly ay may amendment na ginagawa. Yearly din ang talent fee. Dahil malawak ang sakop ng Game Field ay nakukuha din akong model ng mga products ng sister companies nila gaya na lamang ng “Forward” isang protein shake company. Sila din ang pay gawa ng shaker bottle na binigay ko kina Harvey at Sam. Katunayan nga ay may photoshoot ako sa weekend para sa promotion nila. Kaya nga sinasabihan ko si Mama na wag na akong padalhan dahil may pera pa naman ako. Pero makulit lang talaga ang mama ko.      In between classes ay nagti-text si Xander na agad ko namang nirereplayan. Habang nag-ikot ikot kami ay hindi ina asahang makakasalubong naming si Clarisse. Napatigil ako sa paglalakad dahil nakatingin siya sa akin. Hindi ko sure kung anu ba dapat ang maramdaman ko. Alam kong wala na sila ni Xander. Pero somehow ay hindi ko mapigilang maguilty din. She seems to be a good person. We only started in a wrong foot. Sinalubong ko ang kanyang tingin ng may ngiti. Ramdam ko ang kalabit ni Sam. Kahit hindi ito umiimik ay alam kong panaaalahanan niya ako to behave.   Umismid lang si Clarisse at nagpatuloy sa paglalakad. “Halatang bitter si Ate.” Mahina kong komento. “I heard she broke up with Xander.” “Hayaan na lang natin siya Sam. Kung kayang intindihin, intindihin nalang natin.” Muli ko siyang nginitian. Pailing iling na lang ang sinagot niya sa akin. Nagpatuloy nalang kami sa pag lilibot. Maya-maya pa ay tumambay kami sa isang coffee shop. Habang naka-upo doon ay napa dako ang tingin ko kay Sam na mukhang ka chat ata yung girlfriend. Kinuha ko ang phone ko ay kinalabit siya. Pinakita ko sa kanya ang mga move ng mga nakalaban ng team ko sa UK. Pareho kaming detailed observant nitong si Sam. Pero magkaiba kami ng gamit. Ginagamit niya kasi ang pagiging observant niya upang makopya ang isang atake o galaw. Samantalang ako ay ginagamit koi yon upang maka hanap ng butas at maaccess kung sino ang higit na makakapag bigay puntos. Matamang pinanuod naman ni Sam ang mga video. Dinigyan ko din siya ng hint para mas matadali ang atake. Nakinig lang naman siya sa bawat detalye. Ito ang mas nagustohan k okay Sam. Hindfi ito nagrereklamo kahit noon pa mang nagsisimula kami sa Warriors. Lahat ng mga bilin at sasabihin ko ay ginagawa niya. Madali niya rin ma pick up ang gusto kong mangyari tulad na lang ng pag gaya niya sa atakeng ginawa ni Brett. Alam kong nabigla ang mga ‘yon pero alam ko din na paghahandaan kami ni Brandon Tejares/ Pero sisiguraduhin kong hindi sapat ang paghahanda niya dahil bago pa man sila makalipad ay dudurugin ko na ang pakpak nila. Nang makabalik kami sa school ay agad naming kinuha ang aming gamit sa Volleyball  room at tinahak ang daan nagpunta sa locker room upang magbihis. Nilabas naman ni Sam ang shaker at training jacket na bigay ko. Gagamitin na daw niya iyon. Dinukot ko naman ang anim na pakete ng Forward Protien shake na sari-sari ang flavour at inabot sa kanya. Nang makapagbihis ay agad kaming lumabas. Sakyong dumating ang ibang panaming kasama. May mga bumati at may roon din namang walang pake lalo na si Harvey. Well, hindi ko kawalan ang pag-snob niya sa akin. “Hey are those new training jacket?” It was Wendel. Isa sa mga bagong may potential din. “You’ll have yours later.” Sagot ko sa kanya. “Woowww! Seryoso yan?” Napangiti ako sa reaction niya. “Yes, naman. Mukha ba akong nagbibiro.”  “Ang mahal kasi ng ganyan.”  Aniya. “Magbihis ka na muna doon.” Hindi naman nagdalawang isip na sumunod si Wendel. Nauna kaming lumabas. Nakasalubong pa namin si Xander kasama sina Kuya Jim, Kuya Blake at Kuya Alponse. Mukhang pagod na pagod ang mga ito. “What happen?” Tanong ko.  Kinuha ko yung towel ko na nakasukbit sa bulsa ko ay pinunasan an gang mukha nito. “Inutusan kami ni coach na dalhin yung pamimigay mo daw. Ang dami pala.” Aniya. “Oh, baka langgamin tayo rito. Itigil na at nang magbiibihis pa tayo.” Nagmamadaling wika ni Kuya Blake sabay hila kay Xander. Yung dalawa naman ay tinulak siya nang hindi na makapag. *****   Nang makumpleto na ay nagsimula nang magdiscuss si coach Kiko. Nasa likod niya ang tatlong key person na mangangalaga sa amin. Nasa gilid naman ay si Coach Rey, ang bagong asst. coach Isa-isang pinakilala ni coach Kiko ang mga bagong personnel na makakasama namin. Ang mangangasiwa sa body conditioning and recovery namin ay si Coach Shard. Si Coach Rupert naman ang magiging fitness Coach namin. He will evaluate all of us para malaman kung anung work-out program ang ipapagawa niya sa bawat isa. Lastly ay si Sir Dave. Sita ang magiging Team Manager. Nang maipakilala ni Coach Kiko sa amin ang lahat ng makakasama  naming ay saka naman niya ipinakita ang bagong Training program. Sani ni Coach Rupert ay angkop day iyon sa aming lahat since we are making sure na may stamina at strength kami kahit na tumagal pa ang laro. Nagsimula na kaming mag warm-up. Si Xander ang naglead. Walang imikang nangyayari. Concentrate lahat sa ginagawa. After ng warm up ay nagsimula na ang iba pang mga exercises.  Divided ang exercise sa Strengthening, Jump, Agility, Acceleration & Speed, at Ladder exercises.  Hindi na bago sa akin ang routine dahil sa ilang taon ko nang paglalaro ay nasanay na ang katawan ko. Nang matapos ang exercises ay sumunod ang ball exercises. Lahat ng manlalaro maliban kay Harvey, Blake at isa pang Libero ng team B ay kailangan pumalo ng bola. Sina Kuya Jim at at setter ng Team B naman ang mag se-set ng bola. Habang nangyayari iyon ay Nag-uusap naman kami ni coach Kiko kasama ang assistant coach na si Coach Rey sa mga possible play. Base na din sa mga nakaharap naming during Game Field Volleyball Cup. Binigyan kami ng fifteen minute break. Doon na pinamigay ang mga gym bag na laman laman ng training jacket at shakers. Nagpasalamat naman naman yung ilan sa mga kasamahan ko. Mostly mga new members dahil ang group lang naman ni Xander ang umiimik sa akin. Well hindi ko na siguro problema iyo. Nang sumunod na araw ay naging abala na kami sa training, body conditioning, at practise. During free time ay  nag-iintruduce ako ng mga play na pwedeng gamiting atake. Thankful kahit hindi kami close ng iba ay sumusunod naman sila. Hiniwalay na din anng training ng official line up sa team B. Mas intense na kasi ang training naming kumpara sa team B. Mainam din kasi iyon nang maminimise na ang tao at matutukan ang bawat kilos lalo pat palapit nan g palapit ang National College and Universities Sports League. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD