Announcer POV
Good morning Philippines!!! This is the much-awaited league that everyone is talking about. This is the National Colleges & Universities Sports League!!!
Sa araw na ito magsisimula ang tapatan ng mga magagaling sa larangan ng Sports.
Kaninong bandila ang magtatagumpay sa season na ito? Kaninong kupunan ang aarangkada at maiuuwi ang mga tropeyo’t madalya. Totok lang mga kaibigan dahil ihahatid ng buong pwersa ng Philippine Sports Channel ang mga kaganapan sa bawat laro dito sa NCUSP. My name is Erich Valdevieso your main respondent. When we return we will give you the hottest news in NCUSL Volleyball Men Category, so don't go away.
Xander POV
Nasa loob na kami ng Grand Manila Sports Arena (Wag po ninyong hanapin ito sa mapa dahil gawa gawa ko lang ulit ito). Opening ngayon ng NCUSL. Tahimik lang ang mga kateam ko na nakaupo sa tabi. Maging ang mga school mates kong kasama sa ibat ibang sports. Kanya kanyang masid sa mga kupunan na kabilang sa ibang school. Palagay ko ay kinakabahan ako at the same time ay excited. Pangatlong taon ko na sa competition na to pero ngayon ko lang talaga nararamdaman ang magkahalong feelings.
"Guys, bakit ganyan ang mga mukha nyo?" Puna ni Coach Kiko. May ilan kasing mga nakabusangot ang mukha. "Can you be happy naman. Wala pa kayong laban pero parang natalo na kayo. Umayos kayo."
"Anu po bang problema?" Si Nicolo. Kararating lang niya. Gaya namin ay suot suot niya ang training jacket na binili niya noong naglaro siya sa UK.
"Where have you been?" Hindi ko maiwasang mapataas ang boses ko. Kanina ko pa siya hinihintay.
"Traffic po kasi saka maaga pa naman ah." Sagot niya. Nakangiti pa ito habang nagsasalita. Naku paano ka naman magagalit sa kanya nito kung sa ngiti pa lang ay matutunaw ka na. Lumapit siya sa akin at bumulong.
"Ang aga-aga nakakunot na yang noo mo. Hindi bagay, Xander." Pakiramdam ko ay biglang nanayo ang mga balahibo ko sa sinabi niya. Ramdam ko ang kakaibang boltahe na nanalaytay sa akin. Hindi ko tuloy naiwasang yakapin siya kahit na madami pang tao sa paligid.
"Next time, pagsinabi kong susunduin kita wag ka nang tumutol pa ok. Di ako mapalagay kanina alam mob a yon." Bulong ko sa kanya habang yakap yakap siya.
Muling nagsimulang magbulungan ang paligid. Gaya ng nakasanayan naming gawin ni Nicolo ay deadma nalang kami.
"Hey, this is not a park so enough of that." Biglang wika ni Sam sabay hila kay Nicolo palayo sa yakap ko. Oo, balik na sa pamamakod si Sam sa taong mahal na mahal ko. Minsan gusto kong kutusan pero no choice. Si Sam lang kasi ngayon ang masasabing naiintindihan siya. Nakakausap na rin naman kami ng iba kahit papano pero may awkwardness. Pero sabi ni Nicolo hayaan nalang namin muna seryoso naman sila sa ensayo. Ang mahalaga ay pinakikitunguan kami nila ng maayos.
About sa pagitan nila ni Harvey ay tila nagkalamat na ang pagkakaibigan nila. Pero alam ko may kinalaman si Brett doon. Kahit hindi sabihin ng Nicolo may malalim siyang pinaghuhugutan. Kung anu man iyon ay sana malaman niyang naririto ako handang making.
"Andito na ang Titan." Balita ni Jim mula sa likuran ko. Nang lingunin ko ay nakatuon ang attention niya sa entrance. Agad kong sinundan ang tingin niya upang makita ang papasok na mga miembro ng Titan Knights Volleyball Men. Suot nila ang green shirt with Silver lettering na "We Protect our Crown".
"Nevermind them, they are not worth of our time. Let’s sit down." Boses iyon ni Nicolo. Nag-iba ang aura nito. Papunta ito sa bakanteng upuan kasama si Sam.
Hanggang ngayon ay pala isipan pa din sa akin kung bakit tila nag-iinit ang ulo ni Nicolo sa kupunan ng Titan. Hindi ko matanong tanong sa kanya ang dahilan. Pero napapaisip talaga ako.
Ipinagkibit balikat ko na lamang ang iniisip ay sumunod na lamang sa kanya. Bumalik na rin din si Jim sa kinauupuan kanina.
Mula sa kinauupuan ay tinanaw ko muli ang mga miembro ng Titan.
Ilang beses na kaming nabigo. Ngunit sa pagkakataong ito ay hindi na kami papayag na hindi makuha ang korona. Warriors never surrender. Ang today is the start of our victory.
***
Announcer POV
Nagbabalik tayo sa coverage ng opening ceremonies of NCUSL. Ang this season is the 50th season and balita ko ay nadagdagan ang mga school na kasali sa league na ito.
As I said kanina ay ihahatid ko ang mga balita hinggil sa Volleyball men sports category. So ayun sa nakalap natin ay dalawang bracket po ang na buo. Ang top 4 ng bracket A ay magko-crossover sa top 4 ng B pagdating ng Quarter Finals. Ang papalaring mananalo sa quarter ay maghahap sa semis at ang mananalo naman dito sa semis at maghaharap sa finals.
Lahat ng kalahok sa volleyball men ay naririto na. Kanina ay napansin natin na ang defending champion ang huling dumating sa area.
Natatandaan na ang mga Titan Knight ay nag walk-out noong nakaraang face-off nila with Warriors. Pero ngayon kaya ay mauulit iyon knowing na may posibilidad na muling magkakaharap sila ng Warriors.
Speaking of Warriors, I've already seen them sitting on the bleacher. And I can't help my eyes looking to Xander Lim at Nicolo Mickelson. This two become trending when Xander kissed Nicolo nang mae-announce ang kanilang panalo during face-off. They become instant celebrities and become the talk of the town for months.
On the other hand, Aside from the Titan Knights and Warriors, the Pirates and the Hunters are also here. These two teams are the runner-ups of the last season and I was able to confirm that they level up their training just to prove that they also have the power to win the championship.
All teams want to win but walang makalapagsabi kung sino ang papalarin. Kayo tutok lang maigi dahil sama sama nating aalamin kung sina ang magwawari sa taong ito.
***
Brett POV
Hindi ko mapigilang mapatingin sa bahagi kung saan nakaupo ang mga Warriors. I can see them wearing their orange and yellow training jacket with their famous line "Born to be Warriors”. Kung hindi ako nagkakamali, sa itsura nito ay pinasadya ito sa Game Field Technology.
Napako ang tingin ko sa isang tao nang mahagip siya ng aking paningin. He is talking to their team captain. Bakas sa mukha niyang nagkakamabutihan na nga sila.
Nang mabasa ko ang tungkol sa kanila ay halos hindi ako makapaniwala. Pakiramdam ko ay may kirot sa aking kalooban. Pero anung gagawin ko? Matagal ko nang gustong makilala ang papa ko. At ngayon na nagkaroon kami ng oras ay hindi ko na papalampasin. Ito ang gusto kong ipaluwanag ngunit hindi ko alam kung papano ko siya lalapitan at kakausapin.
Nicolo hates treason. Wala sa ugali niya ang basta basta makakalimot. He might looks like an angel but he is the cruellest angel you might see when he gets angry.
That is why he doesn’t have many friends. He chooses carefully.
I remembered when we talked about his father. His father left them for another woman. I can see how sad he was when he talked about how his mother suffer because of that. He also said that he will never forgive his father. Kitang kita ang galit niya sa mata niya nang sabihin niya iyon. And yun ang kinatatakutan ko. Ang baka hindi mapatawad ni Nicolo.
I miss him already. And it really drives me crazy that he is now dating Xander Lim.
Sa kabilang banda ay naroroon naman si Samuel Kingsman. Siya ang kumopya ng signature attack ko.
Siya ang paniguradong als ng Warriors. Kaya dapat siya paghandaan.
Binalik ko ang tingin ko sa mga kasamahan ko. Sa nakalipas na buwan ay dumaan kami sa masinsing training. Hindi ko man sila lubusang nakikilala pa pero alam kong hindi nila papayagang makuha sa kanila ang Kampyonado. Maging ako ay hindi rin papahuli. At gaya nang sinabi ko noon pa. Maglalaro ako dahil kailangan kong maglaro at hindi ko bibiguin ang mga kasama ko at ang Papa ko, dahil alam kong ikakasaya ito ng Mama ko.
***
Live here at the Great Manila Sports Arena this is National Colleges and Universities Sports League!
Yesterday, we open this event together will all competing schools. Although some solo and dual events are started yesterday, today is a different story because as we speak, team sports is about to begin.
All group events are placed in different venues but here in Great Manila Arena, we will witness an elimination round for volleyball for both men and women.
This elimination round will be ladderize form until we name the top four per bracket.
Luckily, Titan Knight and Warriors will not be on the same bracket however Pirates and Hunters are also in different brackets. Meaning to say there are possibilities that any of them will face in the finals.
And we already have the match list and there are 8 teams on each bracket. Mukhang marami raming game ang magaganap ngayong araw. And of course at the end of the day ay malalaman na natin ang aabante sa ikalawang level ng elimination.
***
Nicolo POV
Ang elimination round ang masasabing pinakanakakabang parte ng league. Sa parteng ito ay hindi mo alam kung sino ang malalakas hanggat hindi mi nakakaban.
Simple lang ang rules sa elimenation round. Kailangn mong makapanalo ng tatlong game upang makapaglevel up ka. Okay lang naman kung may talo ngunit hindi dapat lalampas ng dalawa.
Sa totoo lang ang gulo na elimination round. Pero marahil ay dahil sa 16 teams ang maglalaban laban. Kaya sa halip na single round robin ay personalize ladderize method ang ginawa.
Unang kalaban namin ay ang team ng Sharks na mula sa Muntinlupa. Sa tingin ko ay may abilidad din ang mga to. Pero hindi naman sa physical looks at aura ang basehan ng laban kundi pag naglaban na ang mga team ninyo. Well to cut the story short, naipanalo namin ang laban. Straight set. Kawawa lang si Blake kasi siya lang ang libero. Hindi kasi umattend si Harvey. Nakaramdam ako ng hindi maganda dahil hindi ang tipo ni Harvey ang nagkakasakit lalo pa at may game. Pakiramdam ko ay nagdadrama nanaman ang taong iyon. Pero malalaman ko din naman ang totoo kaya mag-ingat na lamang siya.
Hindi ko na muna inisip si Harvey. Pag natapos ito ay ilalagay ko siya sa dapat niyang kalagyan. I really hate traitors, alam na alam nilang dalawa iyon.
May 2nd game pa kami mamayang hapon at kung mapapanalo namin iyon ay pasok kami sa sunod na level ng elimination. Kaya hindi ko dapat pag-aksayahan ng oras ang taong nasa ibang tao ang loyalty. Matagal ko na rin naman nararamdaman iyon pero binalewala ko dahil inisip ko na ako lang siguro ang nag-iisip noon.
Buti nalang talaga mukhang nasa mood ang mga kasamahan ko. Kahit iilan lang ang kaayos ko dito ay okey na din dahil ang mahalaga ay naipanalo namin ang laban.
Marahil ay sa subrang tension ay hindi masyadong nakakain ang mga kasama ko. Nakontento na nga lang si Sam sa energy bars at drinks. Sinaway ko ito at pinilit kumain nga kanin. Iba parin kasi kung kanin ang kinain.
Dumating ang hapon. Hindi na muna ako naglaro. Maging ang ibang kateam ko ay ibinugay muna ang pagkakataong makalaro. Ito lang kasi ang pakonswelo namin sa hindi madalas napapasama sa first six. Alam ko kasing naghirap din sila. Lalo pa ang iba ay graduating na. Buti na lang at pareho kamin ng iniisip ni Coach Kiko. At naipanalo nila ang second game.
Nasa allotted room kami ngayon. Katatapos lang ang game. Gaya ng inaasahan ay pasok na kami sa next level ng elimination bukas. Pinayagan naman kami ni Coach na manuod ng mga natitirang game.
Marahil ay naging maswerte kami ngayong araw dahil parehong mahina ang mga nakalaban ng team. Hindi sa minamaliit ko sila, it happen that napakadali nilang matalo.
Bago pa man pumunta sa loob ng arena ay nagpaalam muna akong magsi-CR. Naiihi na din kasi ako. Ngunit natigilan ako sa kinatatayuan ko nang makita ang hindi inaasahang tao. Si Harvey, kasama niya si Brett at nakapila sa isang food stand.