Set Twenty Three: Brett's Truth

2172 Words
Harvey POV Few months ago, El Nido, Palawan Nang masiguro ko namg malayo na ako kay Nicolo ay agad kong tinawagan ang taong kanina pa na ngungulit sa akin. Hindi ko naman maiwanan si Nicolo "Oh, bakit?" Sinadya kong ipahalatang inis ako. Sa dami naman kasi ng pwedeng bwisitin ay ako pa talaga. Alam naman niyang mainit ang dugo ni Nicolo sa kanya. Tiyak madadamay ako sa galit noon kapag nalamang tni-entertain ko pa ang taong nang-iwan sa amin sa ere. "Wala akong kasama dito, puntahan mo ako." Hala, lasing na ba siya? Pero bakit ang ingay? "Hoy, Brett! Nasaan ka?" Hindi ko mapigilang itanong. Nang sagutin niya ako sa tanong ko ay lakad takbo kong tinungo ang lugar. Umusbong ang pag-aalala ko sa kanya. Hindi ang tipo ni Brett ang naglalasing. Masyadong maingat siya sa katawan. Lagi niyang sinasabi na ang athlete ay kailangang malusog at malakas dahil ang katawan nila ang kanilang puhunan. Pero sa nakikita ko ngayon, ewan ko kung maniniwala pa ako. Nakakailang bote na ba siya ng alak at halos hindi na siya makatayo sa kalasingan? Napailing ako habang nilalapitsn siya. "Kelan ka pa natutung maglasing?" Agad kong tanong nang makalapit na ako sa kanya.  Sa ayos niya ngayon ay hindi mo aakalaining siya si Brett. "Harvey, my friend! Tara inum pa tayo!" Alok niya sabay kuha ng isang bote na mukhang hindi pa nababawasan. Bago pa man maiangat ni Brett ang bote ay agad ko na itong pinigilan. "Tama na yan. Lasing ka na." Saway ko sa kanya. Hindi ko talaga kayang tignan siya ng ganito. "Harvey, para kang si Nicolo." Aniya ngunit na tigilan siya nang banggitin niya ang pangalan ng taong dahilan ng lahat ng ito. Yes, pagdating kay Nicolo humihina si Brett. Palaging nasusunod ang gusto ng nauna at ang huli ay walang kontra. Nang una ay hindi ko maintindihan pero unti unti ay naunawaan ko din ang dahilan. And it hurts. Agad kong tinawag ang waited at binayaran ang bill ni Brett. Muli akong napatingin sa kanya. Napabuntong hininga ako. Kung ako si Nicolo, magkakaganito ka din ba? Kung ako ba siya, Brett will you also fall for me? "Umalis na tayo rito. May laro pa tayo bukas nakuha mo pang maglasing." Mabilis ko siyang inalalayang makatayo. Dahil hindi naman pwedeng ihatid kaagad si Brett sa hotel na tinutuluyan niya kaya sa isang mamihan ko siya dinala. Umurder ako ng dalawang serve ng mami. Hindi ko alam kung totoo, pero sabi kasi ay nakakatanggal daw ng lasing yung mainit na sabaw. Well hope tama sila. "Brett, anu ba talaga ang nangyari?" Namimasmasan na ang loko. Kaya heto kami naglakad lakad sa dalampasigan. "My Dad happened." Deretsong sagot niya. "Wait, yung tatay mo? Akala ko ba matagal mo nang hindi nakikita ang tatay mo?" Natatandaan ko noong high school kami. Laging niyang sinasabi na gusto niyang hanapin ang tatay niya. "You mean, nakita mo na ang tatay mo?" Tumango lang siya sa pagkakataong iyon. Lalo akong naguluhan. Anung kinalaman ng tatay niya sa pagsali sa Titan? At bakit parang hindi siya masaya? "You met your father, edi dapat masaya ka. Bakit parang natalo yang mukha mo? Hindi ba't palagi mong sinasabi na gusto mong makita ang tatay mo? Sabi mo hahanapin mo ang tatay mo para makasama nyo na siya ng mommy mo." Gusto kong matuwa sa nangyari pero nakikita kong nahihirapan si Brett. "Tama ka, dapat masaya ako. It was my dream. To meet my father. Yung mabuo ang pamilya namin. Pero hindi ko inaasahan to Harvey. That I have to make a choice. Kung ang pangarap ko ba at ng mommy ko o ang taong mahal ko." Doon na nagdimulang tumulo ang luha ni Brett. Maging ako ay hindi mapigilang mapaluha. May isang parte ng isip ko na nagsasabing umiiyak ako dahil sa nakikita ko siyang nahihirapan ngunit iba ang sinisigaw ng puso ko. Mas nananaig ang sakit dulot ng lantarang pag-amin niya na mahal niya si Nicolo. Pero nasa lugar ba ako para masaktan? "Naguguluhan ako, Brett." Nasabi ko. Anu pa ba ang dapat sabihin? Alangan naman sabihin kong ako na lang, Brett. "I'm Brandon Tejares' son, Harvey. Anak ako ng coach ng Titan Knights." Literally na paawang ang baba ko sa na dinig ko. Hindi maprocess ng utak ko ang nadinig ko. Yung totoo! Seryoso ba siya sa sinabi niya? "Nang gabi bago ang araw ng try-out natin sa Warriors, pinakilala siya ni mommy. Siya daw ang dad ko. Hindi rin ako makapaniwala nang una pero ipinaliwanag sa akin ni mommy ang lahat. Nang sumunod na araw, bumalik siya dala-dala ang scholarship ng Titan Knights. Kailangan ko daw iyon. Ayaw ko sana pero naging mapilit si mommy. Gusto nya daw kaming makita ng tatay ko na magkasama sa iisang team. Naglalaro ng sports na pareho naming gusto. And I have no choice but to say yes." Wala akong mabigay na reaction sa kanya. Ang bagal ng processing ng utak ko. Information overload yata sa palagay ko. Basta ang alam ko lang nasasaktan siya at nasasaktan ako. Hindi ko maiwasang magtanong kung bakit nangyayari ito.   *** I have to make a choice. Kung ang pangarap ko ba at ng mommy ko o ang taong mahal ko. I have to make a choice. Kung ang pangarap ko ba at ng mommy ko o ang taong mahal ko. I have to make a choice. Kung ang pangarap ko ba at ng mommy ko o ang taong mahal ko. Parang sirang plaka iyong paulit ulit kong naririnig sa isip ko. Naguguluhan na nga ako. Buti na lang at na-distruct ako ng laro namin. Ngunit hindi pala lahat ng panalo masaya lalo na kung nakita mong hindi ikaw ang nakikita ng taong pinangarap mo kundi ang taong mahal niya. Ang best friend ko. Natahimik nalamang ako. Hindi ko naman kakayaning makipagkompetensya. Nicolo is way different from me. That day, I decided na tanggalin ang sarili ko sa kanyang anino. That day I stop talking to him.   ***   Present day: Elimination round ng NCUSL ngunit hindi ako pumunta. Idinahilan ko na lamang na masama ang pakiramdam ko. Mula pa kanina ay nakahiga lamang ako. Iniisip kung anu nga ba ang gusto kong gawin. Kung pagpapatuloy pa ba ako gayong hindi na rin naman kami nag-uusap ni Nicolo. Si Sam na ang palagi niyang kasama. Hindi din ito nag-attempt na kausapin ako. Parang pakiramdam ko ay di niya ako kailangan.  Nasa ganoong ayos ako nang mag-ring ang phone ko. Napabuntong hininga ako nang makita kung sino ang tumawag. "Saan ka?" Tanong nito. "Sa bahay, bakit?" Walang ganang sagot ko. "Oh, di ka naglaro? Tapang ha. Di mo naman’ yan gawain dati ah?" Malamang dahil sa iyo kaya nagagawa ko na ngayon. Gusto ko sanang sabihin ‘yun pero batid ko namang wala siyang kasalanan. "Gala tayo. Sunduin mo ako rito sa Great Manila. Tapos na laro namin." Palagay ko ay biglang nagliwanag ang paligid nang yayain nuya ako. Unang pagkakataon iyon. Babangon na sana ako nang maalala kong iisang venue lang ang paglalaruan namin.   "Sa likod na area ka nalang dumaan para walang makakita sayo." Dugtong niya na tila ba alam niya ang iniisip ko. Sinunod ko naman ang mungkahi niya. Basta pagdating sa kanya ata ay hindi ako makalatanggi. Kung sana ay nakikita niya iyon. Kung sana lang... Nang dumating ako sa Great Manila ay agad ko siyang tinawagan. Sinagot naman niya iyon at sinabing papunta na siya. Malamang ay tatakas lang ito kaya hirap maka alis kung nasaan man siya. "Sorry natagalan, kumain ka na ba? Tara bili muna tayo. May masarap na shawarma doon. Paborito mo yun diba?" Hihindi pa ba ako? Minsan lang mangyari ang tagpong ito. Kaya dapat ay sulitin ko na malay natin ma-develop. Medyo madaming mga taong bumibili pero hindi ko alintana iyon. Kasama ko naman siya. Kumpyansa akong hindi ako makikita ng mga kateam ko. "So, bakit ‘di ka naglaro?" Tanong niya. Kita sa itsura nito ang pagtataka niya. Never ko kasing ginawa iyo. Kahit nga siguro masama ang pakiramdam ko ay go pa din ako. "Wala naman. Gusto ko lang maging rebel paminsan minsan." Agad kong sagot. "Wow, bago yun. Anu kayang masasabi ng leon pagnalaman niya to." Natatawang wika niya. Natawa na din ako dahil nakakahawa kasi talaga ang tawa niya. Pakiramdam ko ay musika ang tunog ng tawa nito. "Who cares. Hindi na ako matatakot sa kanya. Besides I decided not to be on his shadow anymore." Naging seryoso ang boses ko sa tagpong iyon. Hindi ko alam kung saan ko nakukuha ang lakas ng loob  ko ngayon para masabi iyon. "You are not serious on that are you?" Naging seryoso na ang mukha niya sa tanong niyang iyon. Gusto kong isipin na nag-aalala siya sa akin. Pero alam kong mas higit niyang iniisip si Nicolo. "All my life, Brett naging anino niya ako. Anung napala ko?" Hindi ko maiwasang isagot. Bigla kasing bumalik nanaman ako sa mga alaala ng nakaraan. Mula pa noon naging magkaibigan kami lagi na lang siya ang napapansin. Siya ang sikat at matalino. Ako, naiwan sa dilim at naging anino na lamang niya. Palagi akong nakakatyawan ng mga schoolmates namin pero siya hindi man lang magalaw galaw ng mga bully sa school. Ngayon, nagdecide akong humiwalay na sa kanya. Hindi ko na siya kailangan pa dahil kaya ko na siyang balewalain. "You know hindi iyan ang totoo. Pero hindi kita pipilitin pang makinig sa akin. Anong plano mo?" Tanong niya.   "Wala. Kung pwede ngang lumipat nalang sa inyo gagawin ko na ngayon. Feeling ko nagsisi ako na sumunod ako sa kanya sa Warriors." Mabilis kong sagot. Sumasama nanaman ang loob ko. "Kung kausapin ko nalang kaya ang papa mo, tutal naman coach nyo din naman siya diba?" "So do it now." Napalingon ako sa nagsalita mula sa likod namin. Nanlaki ang mga mata ko ng makita si Nicolo sa likuran namin. Maging si Brett ay mukhang nabigla din sa kanya. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Walang emosyon ang mukha ni Nicolo. At yun ang nakalatakot. Ikinuyom ko ang aking kamay dahil parang nanginginig ang mga iyon. Isiniksik ko ang sarili sa likog ni Brett. "Bat parang nakakita ka ng multo ,Harvey? Kanina ang tapang ng dating mo nang nagkukuda ka diyan bakut parang nakagat mo ata ang dila mo?" Litanya niya. Nagsimula na akong kabahan. Nakita kong tinipa ang niya ang phone niya at doon mas lalo akong nanghina. Nirecord niya ang sinabi ko.   "All my life, Brett naging anino niya ako. Anung napala ko? "You know hindi iyan ang totoo. Pero hindi kita pipilitin pang makinig sa akin. Anong plano mo?" "Wala. Kung pwede ngang lumipat nalang sa inyo gagawin ko na ngayon. Feeling ko nagsisi ako na sumunod ako sa kanya sa Warriors. Kung kausapin ko nalang kaya ang papa mo, tutal naman coach nyo din naman siya diba?" "Nicolo, please don't make a scene here. We are still your friend." Si Brett. "I'm not making a scene, Mr. Martinez. You are no longer my friend ka wag kang makisali sa usapang hindi ka kasali." My diing sagot pabalik ni Nikolo. Gumuhit sa mukha ni Brett ang sakit dahil sa sinabi ni Nicolo. "Anu, Harvey, bat di ka makaimik?" Nagsisimula ko nang maramdaman ang galit ni Nicolo. Maging ang boses niya'y hindi na katono ng kanina. "Na-narinig mo din na-man d-diba." Utal kong wika. Nagsisimula na kaming maka kuha ng atensyon. "Oo, narinig ko,. Recorded pa nga diba? Kaya lang gusto kong ulitin mo sa harap ko. Nang nakaharap ako." Lumapit ito sa akin kung kaya bigla akong napaatras. He was never like this before. Ito ang una kong nakitang ganito siya ka galit. Nakikita ko sa mata niya gusto niyang manakit. "Nicolo, leave him..." Hindi na natapos pa ang sinasabi ni Brett dahil dumapo na ang palad ni Nicolo sa pisngi niya. Napasinghap ako dahil doon. "Sabi ko wag kang makisali sa usapang hindi ka kasali." Galit na wika ni Nicolo. Hindi iyon pasigaw pero ang diin ay parang pupunit sa pandinig mo. Kita sa mata niya ang tindi ng galit niya. Si Brett naman ay walang nagawa man lang.   "Nicolo, wag dito." Halos hindi ko madinig ang boses ko dahil sa kaba na nararamdaman ko. Hindi ko tuloy alam ang dapat kong gawin. "Saan mo gusto? Nahihiya ka ba? Nahihiya ka bang malaman ng mga tao kung gaano ka ka traidor?" Umismid sina at tumingala. Pinipigilan niya ang sarili niya. Akmang tatalikod na ito at bigla nalamang umarap ulit at na pasinghap muli ako sa ginawa niya. "Para sa pagtatago ng katotohanan na kailan man ay hindi kiya tinuring na anino ko. Pinakitunguhan kita sa alam kong kaya ko. Kung naramdaman mo iyon ay hindi ko iyon kasalanan dahil ikaw mismo ang nagdisisyong ikategorya ang sarili mo bilang anino." Aniya sabay sampal muli sa kabila kong pisngi. "Para sa pagtatapos ng pagkakaibigan natin." Mula sa pagkakayuko ay bigla akong nakaangat. "Ako na ang tatapos para hindi naman nakakahiya sayo." Dagdag niya sabay talikod at naglakad palayo. Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD