Nicolo POV
Muli kong hinampas ng malakas ang bola pabalik sa dingding. Sa mga panahong gusto ko magrelease ng stress ay walling ang mabisang solution para sa akin.
Five AM pa lang ay nandito na ako kahit sinabing seven AM ang call time. Wala eh, sadyang masyado akong apektado. Ayaw ko man aminin.
Harvey is a great friend. Wala akong masasabi doon. Hindi man ako showy na tao alam ko sa sarili kong pinakita ko na kaibigan ako sa kanya. Sabihin mang tupakin ako.
Una kong nakilala siya noong elementary ako. Pinagtutulungan siyang tuksuin ng mga bully sa school. Bago pa lang siya noon sa school kaya wala siyang masyadong kaibigan. Umawat ako at pinagbantaan ang mga bully. Takot lang nila sa akin. Promise dati pa akong leon kung magalit. Pero ganoon pa man ay hindi ko tinu- tolerate ang mga bully dahil alam kong hindi iyon maganda. Mula noon lagi ko na siyang kasama. Ako din ang nagconvince sa kanyang sumali sa volleyball team dahil magaling naman talaga siyang maglaro lalo na sa pag defend ng bola.
Sabihin mang malayo ang agwat ng pamumuhay meron kaming dalawa ay hindi ko binigyan pansin. I always make sure na kasama niya ako kahit nga dumating si Brett sa buhay namin .
Si Harvey ang dahilan kung bakit nilayo ko ang loob ko kay Brett. Dati kasi ay lagi kong sinasabayan ang kaswetan ni Brett. Na issue na may romantic relationship kami ay nginitian ko lang yun. Hanggang sa may bagay akong natuklasan. Simula noon ay sinubukan kong umiwas kay Brett. Kahit na masakit tiniis ko hanggang sa masanay na ako at nagfocus na lang sa volleyball. Harvey likes Brett. Yun ang katotohanang hindi niya matatago. At kaya niya akong traidorin para lang kay Brett.
"Hi, kanina ka pa?" Natigilan ako sa paghahampas ng bola at nilingon ang nagsalita. It was Sam with his funny accent. He is wearing his practice jersey and short yet nakamedyas lang ito with sleepers. Napangiti ako sa get up niya.
"Medyo." Tipid kong sagot. Bumalik ako sa ginagawa ko at hinayaan ko muna siyang mag ayos.
"Hey, Nico did you run already?" Napaisip ako sa itinanong niya. Hindi pa pala ako nagwa-warm-up. Tumigil na lang ako sa ginagawa ko at nagdisisyong sumabay kay Sam since mukhang wala pa kasi si Xander.
"Ok team, water break muna after that groupings tayo." Sigaw ni Coach Kiko. Katatapos lang ng warm up exercise namin.
"Hey, are you ok?" Si Xander. Halatang napansin akong wala sa kondisyon. "I heard yung nangyari kahapon. Sana tinawagan mo ako." May himig ng paaalala sa boses niya.
As expected, hindi maitatago ang nangyari kahapon. Nasa public area kami. Hindi ko sure kung pinag-usapan din ito sa social media world since I put my phone on airplane mode. Buti nga hindi demanding itong isang ito. Hindi rin ito needy. Pero sa palagay ko ay hindi naman naging issue.
Ngumiti lang ako bilang tugon. Tinitigan lang naman niya ako na tila naghihintay ng tugon ko.
"Sorry, Xander ayoko munang pag-usapan." Knowing him, hindi niya ako titigilan.
Thankfully ay di rin ako pinilit nito. Inilapit nalamang niya ang ulo ko sa ulo niya at hinalikan ako sa noo. Buti walang nakapansin. Mahirap na din kasi.
Tahimik lang ang lahat habang nagpapahinga. Walang gustong magsalita. Kala mo may lamay ang dating.
"Sorry Coach I'm late!" Hingal na wika ng taong ayaw ko sanang makita. "Ngayon lang po ako na inform na ngayon ang practice." Napaismid nalang ako. Gagawa lang ng palusot e yung obvious pang gawa gawa. Gusto ko tuloy siyang paglamayan gasgas na kasi ang palusot.
Naramdaman kong lumapit si Xander sa tabi ko at bumulong.
"Take it easy on him, ok." As expected sa team captain.” He is still your friend.
Nakita kong masinsinang kinausap ni coach Kiko ang taong yun. Ramdam ko naman ang mga matang biglang tingin sa akin.
“Oh, bat kayo nakatingin sa akin? Bago n’yo planuhing magkampi-kampihan siguraduhin ninyo muna kung kaninong team talaga gustong sumama.” Hindi ko na pigilan ang sarili kung kaya nagsalita na din ako. Natahimik naman sila. Marahil hindi naman talaga nila alam ang buong nangyari.
"Let's buy something to drink." Pag-aya ni Sam sa akin. Nakaramdam siguro. Ako naman ay pumayag na din nang makalayo.
Tahimik lang kaming naglakad patungong canteen. Buti at bukas na ang ibang kiosk doon.
"So, what happened?" Biglang tanong ni Sam.
Tinongga ko ang biniling Gatorade apple. Tumingin ako sa malayo.
"It's already in the social media. Why do you have to ask?" Sagot ko sa kanya.
"Maybe because I'm your friend. Friends don't rely on things at the social media. They talk." Aniya. May ganito pa talaga siyang nalalaman. Naku Sam lumelevel up ka na. “Pasalamat ka may boyfriend ako.” Hindi ko maiwasang masabi.
"What if my story is a one-sided kind of story? I don't want you to be disappointed in me." Ako.
"I’m not here to judge. I'm here to listen and be a friend you need." Tumingin ako sa kanya sa pagkakataong iyon. Kahit papano ay may masasabi akong hindi ako nag-iisa.
Ikinuwento ko ang nangyari kay Sam hanggang makabalik kami. Hindi siya nagcomment ni minsan. Nakinig lamang siya. Maging ang saloobin ko ay hindi ko mapigilang sambitin.
"Now I know what happened." Wika niya after kong matapos magkwento. "I told you I wouldn't judge." Kumindat pa ito sa akin. Talaga nga naman itong lalaking ito.
Nagsisimula na ang group match nang dumating kami. Busy na si Coach Kiko kaya di na niya kami napansin. Tanging assistant Coach lang ang nagpa-facilitate ng game.
Xander's group laban sa graduating group. Sa group ni Xander kasali ang traidor kong friend. Hindi ko mapigilang mabanas. Muling naaalala ko ang mga pinagsasabi nya kahapon.
Maya-maya ay tinawag ako ni Coach Rey. Pinapasok niya ako kapalit doon sa isa sa kagroup ng graduating team. Tumango kaagad ako sa pwesto at nag handa. Ang traidor kong kaibigan ang nagse-serve. Una't pangalawang service ay hindi na pigilan. Tuwang tuwa naman ang kabila sa nangyari. Kaya kumilos na ako kaagad nang makabawi. Hindi naman ako nabigo dahil naibalik ang service sa amin. Nagkataon na ako ang susunod na magse-serve.
Agad kong tinungo ang service line. Pinunasan ko ang mga kamay ko upang maging maayos ang paghawak ko na bola. Tumingin ako sa kabilang grupo. Agad kong pinalo ang bola pa punta doon.
Si Harvey ang nakatanggap ng bola. Humawa pa ito ng ingay na tila nagpapakita ng kayabangan niya. Muli akong napaismid. Bakas naman sa kabila ang pagkabigla sa pag-reach ni Harvey. Ganoon pa man ay sumablay ang bola kaya puntos iyon sa amin.
Sa ikalawang pagkakataon ay pinili ni Harvey na kunin ang bolang isinerve ko. Hindi ko maiwasang uminit ang ulo sa ginagawa niya. Anung gusto niyang palabasin? Nakakainis ha.
Kaya sa ikatlong pagkakataon ay nagdilim na ang paningin ko. Lalo pa't hindi pa humuhupa ang galit ko sa kanya. Tutal gusto niya ang serve ko papakain ko sa kanya ang bola.
Muli akong lumayo sa service line. Huminga ng malalim at mula sa kinatatayuan ko ay umatras ako ng anim na step. Tinignan ko ang pupuntahan ng bola. Alam kong alam niya ang uri ng service na gagawin ko kaya naghanda siya. Nagtaka ang ilan dahil hindi iyon ang kadalasang service ko. Sorry na lang dahil pagbibigyan kita.
Gamit ang saktong lakas ay hinagis ko ang bola forward pataas sabay takbo sa linya. Tumalon ako bago pa umabot sa linya at buong lakas na hinataw ang bola patunta sa taong kinaiinisan ko ngayon. Nakita ko sa gilid ng aking mata ang paghanda niya ngunit sa bilis ng bola ay hindi niya na anticipate na sa mukha na niya bumagsak ang bola.
Nagulat ang lahat sa nangyari. Maging si Coach Rey ay agad bumaba ng referee's post nang makitang bumulagta si Harvey. Next thing they know ay dumugo na ang ilong at bibig niya.
"What was that, Michaelson?" Sigaw ni Xander. Bakas sa mukha ang galit at pag-aalala.
"What do you mean, Lim?" Maang kong sagot. Hindi ako umalis sa kinatatayuan ko. Nakita kong tumawid ng court si Xander patungo sa akin. Puta galit talaga. Parang umuusok yung ilong eh.
"Nagmamaang maangan ka pa? I know sinadya mo yun!" Natawa ako sa sinabi niya. Galing niya manghula. Pero hindi ako titiklop.
"Do you have evidence, Lim?" Tinignan lamang ako nito. Akala niya pinagsisisihan ko yung nangyari, well sorry siya. “Nakita mo ang nangyari. Kung sinagya ko yun, hindi nay an makakapaglaro.
"Stop that Lim. Samahan mo nalang itong si Harvey sa clinic!" Utos ni coach Kiko. Naroroon na pala siya. "Nicolo, sumunod ka sa akin."
No choice ako kaya sumunod ako kay coach habang ang Ilan sa amin ay hindi maialis ang tingin sa akin.
"Alam kong sinadya mo ang service na iyon, ‘wag mong itanggi dahil kilalang kilala na kita. Gawain mo yan kapag napo-provoke ka." Tahimik lang akong nakaupo. Ayaw kong sabayan ang pagsesermon ni coach Kiko. Nasa office niya ako ngayon.
"Look, Nicolo, magkaibigan kayo ni Harvey dati pa. Hindi mo dapat ginawa yun." Tumaas ang kilay ko sa sinabi ni coach. "Hindi lang kay Harvey kundi sa lahat. Anu mang inis mo dapat controlado mo pa din. Manlalaro ka, Nicolo. At ang man lalaro ay dapat honest sa bawat game na nilalaro niya."
"Please, whatever misunderstanding you have with Harvey, let it pass for now. We are in the middle of a season. Focus." Napahinga ito ng malalim.
"Now, go somewhere else. Wala ka sa wisyo kaya ka ganyan. Bukas ka na ulit magpractise with them. And Nicolo, I’ll be filling this report to disciplinary committee." Pagkasabi noon ay agad siyang tumayo lumapit ito sa akin at bahagyang ginulo ang buhok ko. "I don't want to see that dark magician technic of yours, understand?"
"Yes coach." Balik angel mode na ako. Huhuhu.
Like coach Kiko said hindi na nga ako bumalik sa training. Buti nalang at dinala ko na ang gamit ko.
Palabas ako ng campus ng biglang may humila sa akin. Naningkit ang mata ko nang makita kung sino ang taong yun.
"Ganoon ka ba ka galit na pati si Harvey nagawa mong saktan? Sa akin ka may galit diba ako ang saktan mo!" Sigaw nito. Nakapagsumbong na kaagad si Harvey. Galing. Bilib ako sa traidor na iyon.
"Mr. Martinez, may I remind you that whatever problem I had with Harvey is not your concern." May diin kong sagot sa lalaking kaharap ko sabay hila ng kamay ko.
" Anu bang nangyayari sayo, Nicolo? Hindi na ikaw ito. Bakit ba ganyan nalang ang galit mo?" Sinubukan niya akong hawakan pero hindi ko hinayaang mangyari yun.
"Look, mind your own business. Wag mo akong pakealaman. Remember this, hindi na kita kaibigan. I’ll cut all the ties that we had. Now if concern ka with Harvey, that the way to the clinic." Tinuro ko naman ang daan."Pakisabi na din dalian niyang magprocess ng transfer paper niya dahil sobra pa doon ang aabutin niya oras na magkaharap kami!" Hindi ko na siya binigyan ng pagkakataon na makapagsalita pa. Agad akong umalis dahil naghahalo na ang nararamdaman ko. Narinig ko pang tinawag nito ang pangalan ko pero wala na akong pakealaman. Magsama sila. Hindi ko sila kailangan.
Naglibot-libot ako sa isang mall malapit sa school. Nilunod ko ang sarili sa pagbili ng mga damit, sapstos, bag at kung anu pa maisipan ko. Dumaan din ako ng grocery store at bumili ng sangkatutak na junk food. Hanggang sa maisipan ko nang umuwi. Magbibigay binge watching nalang ako. Sayang din kasi ang Netflix.
Vampire Diaries is life. Binge watching mode via Netflix
Yun ang post ko sa IG at sss ko with picture of my wide screen at yung nakakalat na mga junk foods bago ko simulan ang panunood.
Kakatapos lang ng isang episode nang magring ang doorbell. Ayaw ko sanang pagbuksan kung sino iyon pero nakakahiya sa katabing unit.
Tumampad sa akin si Xander. Nakatingin lang ito sa akin. Hindi ako umimik. Pumasok naman siya at dimeretso sa sofa kung saan nakakalat pa din ang mga pinamili ko. Inayos niya iyon ng walang sinasabi. Kumuha ako ng extra glass at sinalinan ng softdrinks. Inilapag ko yon sa mesang malapit sa sofa. Siya naman ay nakaupo na doon.
Wala sa loob kong umupo sa tabi niya. Idina dal ko ang ulo ko sa kanyang balikat. Maya maya pa ay gumalaw siya at inayos ang pakakaupo niya kasabay ng pagkulong sa akin sa bisig niya nang di inaalis sa tv ang tingin. Hindi ko alam kung gaano kami katagal sa ganoong ayos. Walang usap, tanging dialogues lang ng mga bida sa tv ang nagsasalita. Pero Isa lang ang naramdaman ko sa pagkakataong iyon. I feel at ease. Safe in his arms.
Problems come, problems go but my love for you will never go. In darkness, in silence, I will always keep you safe in my loving arms.