Brett's POV
Narating namin ang boarding house ni Harvey. Inalalayan ko siyang makababa ng sasakyan. Wala din itong imik mula kanina. Gusto ko siyang tanungin ng nangyari pero alam kong di rin ito magsasalita.
Nang matanggap ko ang text niya kanina saying he was brought to the clinic. Agad akong sumugod sa University nila. Mabuti at nasa mall lang ako na malapit sa school nila. Balak ko kasi siyang hintayin. After kasi ng nangyari kahapon ay alam kong hindi siya magiging okay. Tama nga ang hula ko.
Awang awa ako sa hitsura niya kanina habang ginagamot ng school nurse ang dumudugong ilong nitoat nagkasugat ang labi nito. Agad kong tinanong ang mga kasama nito, ay tila nanlumo ako nang sabihin nilang natamaan siya ng service ni Nicolo.
Wala sa loob kong lumabas ng clinic at hinanap si Nicolo. Hindi pa man ako nakakalayo nang napansin ko siya. Lakadtakbo ko siyang nilapitan at biglang hinila pa harap sa akin. Sinubukan kong kausapin siya pero wala ding nangyari. Mas lalo lang akong nasaktan sa mga sinabi niya.
Kahit itanggi pa niya ay alam kong sinadya niya iyon. Sakit lang isipin na nagawa niyang saktan ang kaibigan niya dahil lang sa galit niya sa akin. Oo, alam kong ako ang nagsimula ng lahat ng ito. Pero sana ay bigyan naman niya ako ng pagkakataon na magpaliwanag. Hindi ko na siya talaga maintindihan. Saan ba nanggagaling yung galit niya?
"Kakausapin ko ang Papa ko." Pagbasag ko sa katahimikan. "Papatulong ako para makapagtransfer ka."
"Wag Na." Sagot niya. Mahina lang pero dinig ko.
"What do you mean?" Taka kong tanong.
"Ayaw ko nang magtransfer ng school."
"What? Seryoso ka?" Hindi mapigilang itanong. "Nakita mo ba ang itsura mo sa salimin? Hindi lang yan ang aabutin mo kung mananatili ka sa team na iyon."
Ngumiti lamang siya sa naging reaction ko. Minsan hindi ko din siya maintindihan.
"Tell me what's the reason?" Ako.
"Same reason kung bakit ako pumayag dati." Aniya.
Si Nicolo ang rason niya noon. Kung ganoon ay si Nicolo pa din ang rason niya ngayon? Nababaliw na talaga siya.
"Siguro nga, sa mata n’yo ibang Nicolo ang nakikita nyo. Oo minsan ‘yun din ang nakikita ko. Ang totoo, galit lang ako sa kanya kaya nasabi ko lahat ng yun kahapon. Pero kung titignan, he's hurting right now. Kung aalis ako, wala nang makakaintindi sa kanya. Maiiwan siyang mag-isa." Tumutulo na ang luha niya.
"Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Nakalimutan mo bang siya ang may gawa niyan sayo." Tinuro ko ang mukha nito. "Harvey, nilalamon na ng galit ang kaibigan natin. Hindi na siya ang dating Nicolo na nakilala natin."
"Kung siya lang sana ang pinili mo, hindi ganito ang mangyayari. Masaya sana tayong pareho." Natigilan na ako sa binitiwang salita ni Harvey. "Brett, this is your fault. Kung tinuloy mo na lang sana ang planu."
“Sinabi ko na sayo ang dahilan ko, Harvey.”
“At naiintindihan ko yung dahilan mo. Kaya intindihin mo din ang dahilan ko.
Hindi ako nakasagot pabalik. Anu ba ang sasabihin ko? Namalayan ko nalang pumasok na si Harvey sa loob ng boarding house. Naiwan akong lutang dito sa labas.
***
Nicolo POV
"Sam, the ball!" Sigaw kong malakas. Mabilis namang tumalon sa Sam at pinalo ang bola. Pumunta naman ito sa kabila ngunit mahina lang ang impact. Nakita kong nagkamot ng ulo si Sam dahil marahil sa resulta ng spike na yun.
Eksaktong tatlong araw na ang lumipas mula mangyari ang tinawag nilang "black magician incident". Hindi pa din iyon nagsisink in sa iba lalo na sa mga seniors. Tahimik lang naman si Xander dahil ayaw niyang masabihang may kinikilingan.
Hindi ako sinasama ni coach Kiko sa groupings, kaya inisip ko na lamang magsarili ng practice. Buti at dalawang court ang meron dito sa gym.
Buti at hindi nakapaglaro si Sam kaya siya ang pinagdiskitahan ko kasama si Wendel (Ispin). Yung taga serve naman ay isa sa limang reserved. Si Clint Barayoga. He had the best service reception.
"Hey it's ok. Just be fast next time." Pagbibigay ko ng comment sa kanya. "Wendel, just know your way para hindi kayo magbanggaan." Nagsimula naman ng ayos si Wendel.
Sinubukan uli naming gawin ang play. Pinagserve ko si Clint ng overhead. Agad na nirecieve ni Wendel ang bola paitaas. Agad nakumilos ang dalawa papunta sa sinabing pupuntahan. Mula sa outside ng court ay parehong kumilos ang dalawa. Sabay ang kanilang galaw, maging ang bwelo at lundag. Si Wendel sa back line at si Sam ay front.
Agad ko namang iginump set ang bola papunta kay Sam na ready nang pumalo ng bola. Sa isang iglap lumagapak ang bola sa kabilang side.
"Yes!" Sigaw nilang pareho ni Wendel.
Hindi ko na pansin na tapos na pala ang laro sa kabila at pinanunuod na nila kami. Nakita ko namang bahagyang naiba ang mood ng team. Pero hindi na muna ako umaasang babalik na sa dati ang lahat.
Breakfast. Dahil tapos na ang morning session ay naririto kami sa canteen ng ibang mga ka team ko. Yung ibang seniors kasi ay sa dorm dumeretso. Isa na doon si Xander na halatang idinidistansya ang sarili.
"Thanks for sharing that moves." Si Sam. Nasa isang table lang kami.
"No worries, I just thinking about it a while ago. Since you're not in the group might as well to materialize it. And thanks to you and Wendel we able to perfect it." I explained. Tissue please.
Naging madaldal buong breakfast si Sam. Idagdag pa ng ilang mga baguhan na may sarili ding bidang kwento. Nakinig lamang ako ng tahimik habang hinihintay ang oras ng class.
I was about to go to the gym when I saw the seniors. Nakaupo ang mga ito at tila nag-uusap. Hindi ko na dapat pang alalahanin dahil kahit daanan ko sila ay di nila ako makikita. Bukod kasi sa mga mayabong halamang ay dumidilim na din ang paligid.
"Grabe bro, kakatamad magtraining kung ganoon kasama mo. Ang arte niya promise!" Nadinig kong sabi ng isa.
"Magaling nga sana kaso may attitude problem pala. Turn off." Sagot pa ng isa.
Ayokong isipin na ako ang pinag-uusapan nila kaya lang ay may pumipilit sa akin na makinig sa kanila.
"Dapat kasi, Xander kausapin mo si Coach. Wag munang paglaruin yang mayabang mong jowa." So kasama pala si Xander. Naisip Kong hintayin ang isasagot niya.
"Dikit sa Coach Kiko eh. Takot akong pagsabihan baka matulad pa ako sa kaibigan niya." Kumpirmado kay Xander boses yun.
"Anu ba kayo, malaking tulong din naman sa atin si Nicolo. Moody lang pero kailangan lang pakisamahan." Si Kuya Jim “Kahit ganoon ang ugali niya nagagawa niyang pasunurin ang mga bagong members. “
"Itot mo. Wag kang paandar kung di ko lang alam." At nagtawanan ang mga loko.
Hindi ko na itinuloy ang pakikinig. Mabilis akong umalis sa kinalalagyan ko. Dumeretso akong locker room at muling inalala ang mga narinig ko. Naramdaman ko nalang na tumutulo na pala ang mga luha ko. Buti wala pa ang mga kasama ko. Kaya bago pa ang mga ito makarating ay agad akong naghilamos at nagbihis.
Warm up pero ramdam ko ang pagiging unease sa mga kasamahan ko. Pinilit kong balewalain pero nagdulot lang ito ng paninikip ng dibdib ko. Walang sabi sabi ay tumakbo ako ng banyo. Hindi ko alam kung anung reaction meron sila pero wala na akong pakealaman.
Pagdating ng CR ay agad akong nagkulong sa isang cubecle. Habol hinga ako habang hinahagod ko ang sariling dibdib. Maya maya ay naiyak na ako ng impit. Ayaw kong makita ako ng iba na ganito kaya pinilit kong pakalmahin ang sarili.
Dinukot ko ang cellphone sa aking bulsa at hinanap ang taong makakatulong sa akin. Pagkatapos ng ilang beses na ring ay sinagot nito ang tawag ko.
"H-hello." Mahina niyang sagot.
"I'm having panic attack." Mabilis kong sambit kahit nahihirapan na akong huminga.
"s**t! Be right there."
***
Xander POV
Evening session ng training. Kanina ko pa napansin na hindi pa bumabalik si Nicolo. Bigla na itong umalis at hindi nagpasabi kung saan pupunta.
Gusto ko siyang kausapin after ng practice ngayon. Mahirap man dahil magnobyo kami pero dapat ko na siyang kausapin bilang captain ng team. Hindi na kasi maganda ang nakikita ng ibang seniors sa kanya.
Kalagitnaan ng mga drills ay natigil kami ng biglang pumasok si Harvey sa gym. Nagmamadali ito na parang may hinahabol. Bakas pa sa mukha nito ang pasa at maga dulot ng pangyayari nakaraang.
"Hey, you shouldn't be here. You need to rest." Wika ko.
"Sorry, captain. Emergency." Sagot niya na ikinakunot ng noo ko.
Lumapit ito Kay coach at may ibinulong. Nag-iba ang expression ni Coach Kiko.
Nakita ko namang pumunta ito sa lagayan ng mga gamit namin. Kinuha nito ang bag ni Nicolo at tila may hinanap.
Hindi ko na hinintay pang matapos ang drill. Nilapitan ko si Harvey.
"What is happening?" Tanong ko sa kanya.
"Ha? Ah eh..." Halatang may nangyayari pero ayaw niyang sabihin.
"Lim!" Tawag ni Coach.
"Tawag ka don, Captain." Aniya sabay alis. Hindi naman nakatakas sa paningin ko ang isang tila latang casa na kinuha ni Harvey mula sa bag ni Nicolo.
Nagpatuloy ang drills ngunit hindi ako makaconcentrate. Bumabagabag sa akin kung anung nangyayari. Harvey and Nicolo had a fight. Hindi iyon actually basta away lang, where in fact nagkasakitan. Tapos Harvey is here getting things for Nicolo. Ang gulo.
Tinanaw ko si Coach Kiko. Hindi ito mapakali. Marahil talagang tama ang kutob ko. There is something wrong. At involve nanaman si Nicolo.
Harvey POV
Nagulat ako nang biglang tumawag si Nicolo sa akin. Hindi ko sana iyon sasagutin. Kaso malakas talaga siya sa akin kahit pa may sama ako ng loob sa kanya.
"I'm having panic attack." Nang marinig ko ang tila hirap humingang si Nicolo ay agad akong bumalikwas at nagbihis.
Hindi ko na ininda ang kunting kirot ng mukha ko. Kailangan kong puntahan si Nicolo.
Mabilis naman akong nakarating sa University. Dali dali kong tinungo ang gym. Agad din naman akong nakita ni Xander pero hindi ko pwedeng sabihin. Sekretong malupit kasi iyon.
Dumeretso ako kay Coach Kiko. Ibinulong ko sa kanya ang nangyayari kay Nicolo. Nagulat din ito kaya sinabi nitong ako na ang bahala kay Nicolo. Ayaw niya kasing malaman ng kateam namin. Mahirap na.
Agad kong kinuha sa bag niya ang inhaler case niya. Lumapit si Xander na tila nang-uusisa. Buti nalang to the rescue si Coach Kiko.
Umalis kaagad ako at tinungo ang kinaroroonan niya. Usually nagkukulong sa cubicle si Nicolo pag-inaatake.
Bata pa lang siya ay may ganitong drama na si Nicolo. Ayaw naman niyang sabihin ang nagtitriger noon. Kahit paminsan minsan lang siya atakihin ay nakakatakot pa din. Ako at si Brett lang ang may alam ng ganito.
"Nicolo!" Sigaw ko nang marating ko ang pinakamalapit na CR. Agad namang bukas ang isang pintuan ng cubicle. Mabilis kong tinungo iyon habang binubuksan ang case ng inhaler.
Nanlumo ako nang makita ang sitwasyon niyang tila mauubusan ng hininga idagdag pa ang panginginig nito. Nakaupo lang ito sa sahig.
"Here, take this. Hurry" abot ko ng inhaler.
Agad niya iyon inabot. Maya maya pa ay ginamit niya iyon. Lumapit naman ako upang alalayan.
"Can you bring me somewhere?" Aniya nang mahimasmasan.
"Wala akong sasakyan. Ok lang bang tawagan ko siya?" Well, kilala na niya ang tinutukoy ko. In times like this he needs the two of us. Galit man siya ay wala siyang choice. Hindi ako nagpapaka b***h ha. Kilala ko lang talaga siya.
"As long as he wouldn't talk to me." Oh diba. Kaya tinawagan ko na si Brett.
"Hey, sunduin mo kami."
"Kami? May training ako." Si Brett. Nsgtataray ang loko.
"I'm with Nicolo, inatake siya ng panic attack niya." Mabilis kong litanya.
"What? Why? Damn. Be right there." Aarte pa kasi eh.
***
If ever there's a place na magiging ok si Nicolo yun ay ang playground malapit sa school. Kaya doon kami pumunta.
Nang makarating kami doon ay agad na bumaba si Nicolo. Walang imik. Maging sa sasakyan ay pakiramdaman ko ay mapapanisan ako ng laway. Itong driver namin ay tinignan ako ng makahulugan. Di ko na nga lang pinansin.
Nakita kong umupo siya sa swing. Bakas sa mukha niya ang lungkot. Lungkot na hindi basta basta.
"Bakit ba sinumpong yan?" Tanong ni Brett. Akala niya ay madadaan niya sa inis inisan niya yung totoo na nag-aalala siya kay Nicolo.
"Hindi ko alam, Brett." Inis kong sagot.
"Tignan mo to. Ginawa nyo na nga akong driver nyo tapos tatarayan mo pa ako. Anu effect ba yan ng tama ng bola sayo? Nicolo ikaw bayan?" Napapikit ako sa tinuran ng isang ito.
"Pwede ba! Wala din akong alam." May diin kong saway. Hindi pwede sigaw kasi may nagmomoment.
Bumaba ako upang samahan siya. Alam ko kasing kailangan niya ng kasama.
"Wag kang aalis ha!" Bilin ko kay Brett na nagmake face pa bilang tugon.
Umupo ako sa kabilang swing. Naabutan ko pa siyang nilalaro ang buhangin gamit ang paa niya.
Mahabang katahimikan ang namayani. Tanging huni ng kuliglig ang background music ng pasesenti namin. Idamay ko na sarili ko dahil gawain ko din ito. Bestfriend kami diba.
" Grade 3." Natigilan ako nang magsalita siya. "Grade 3 ako nang sinubukan akong ipakilala ni mama sa Papa ko. Ang sabi niya magaling daw na volleyball player ang Papa. Naexcite naman ako. Naging dahilan nga iyon kung bakit lalo akong nahilig sa volleyball para pagdating ng araw na magkita kami ay may something in common kasi. Pero hanggang TV lang pala yung sinabi niyang ipapakilala. So pinilit ko ang mama ko. Sabi ko, gusto ko nang makilala ang papa ko ng personal. Kaya gumawa siya ng paraan. Dumating yung araw nayun. Championship ata ng Papa ko iyon. Hinintay namin siya. Hanggang sa lumabas siya kasama ng kateam niya. Tinawag siya ni mama. Lumapit naman siya pero sa halip na matuwa, galit itong humarap kay mama. Hindi panagsasalita si mama at hinila niya palayo sa madaming tao. Madami siyang sinabing masakit na salita kay mama. Sa huli sinabi ni mama "gusto ka lang naman makilala ng anak mo." Pero sinampal niya si mama dahil ang ingay daw nito. Isa pa wala daw siyang anak kay mama. Makati daw ang mama ko kaya marahil ay sa anak daw ako ni mama sa ibang lalaki. Tinulak niya si mama sanay Iwan dito. Lumapit ako at tinawag si Papa. Hinawakan niya ang braso ko na akala mo ay diring diri sa akin. Tinignan niya ako ng masama sabay sabing, "hindi mo ako Papa." Umiyak ako nang umiyak. Kahit yakap na ako ni mama."
Nakinig lang ako. All of this hurtings ay naramdaman ko. Lahat ng pinapakita niyang tapang ay pagkukunwari para matakpan yung sugat na ayaw maghilom hiloms. Hindi niya iyon kinuwento kahit kailan. Ngayon lang. Pahid lang siya ng pahid ng luha niya habang magsasalita. Masakit. Kumikirot paloob ang nadarama ko habang nakikinig ako sa kanya. Awang awa ako sa kanya. Somehow naguilty ako na hindi ko siya kinausap.
"Alam mo ba kung sino ang lalaking iyon?" Muli niyang sambit. Nakatingin na siya sa akin. "Siya ang head coach ng Titan Knights. Kaya nga gustong gusto kong matalo ang team nay un at ipakita sa kanya na kaya ko siyang pabagsakin sa larong tingin sa kanya ay hari."
Hindi ko mapigilang mapalingon sa lalaking iniwan ko sa sasakyan na ngayon ay nakikinig ata ng music gamit ang head phones niya. Tila kumabog ang puso ko ng ilang ulit. Lihim kong dinalangin na sana ay mali ako ng dinig. Napapikit na lang ako habang hindi ko mapigilang lumuha. Pakiramdam ko, mauubusan ako nga hangin. Dahil kung nagkataon, hindi ko alam kung paano dadalhin ang secreting magkapatid si Brett at Harvey.
"Brandon Tejares is my father and I will never forgive him to what he did to us."