Nicolo POV
Nagising ako sa dahil sa ingay na nagmumula sa labas ng kwarto ko. Agad naman akong bumangon. Napaupo ako sa kama nang mapagtantong wala akong lakas ng tumayo. Napabuga ako ng hangin. At inalala ang nangyari kahapon. Umatake nanaman ang panic attack ko. Marahil ay natriggered sa dami nang mga nangyari at kaganapan the past few days.
Sa totoo nga ay hindi ko na maalala kung paano ako nakauwi. Ang alam ko lang Harvey and Brett are with me. And I won’t be surprise if silang dalawa ang makikita ko paglabas ko ng kwarto.
Inabot ko nga phone kong nakapatong sa side table. Alas onse na pala ng umaga. Nang makita ang missed calls at text messages ni Xander ay agad kong sinubukang tawagan ito. Wala kasing ka alam alam ang isang iyon. Pero na alala ko nanaman ang usapan ng mga kaibigan niya kahapon kung kaya hindi ko na lang tinuloy.Humiga na lamang akong muli.
“Nicolo, gising ka na ba?” Dumungaw si Harvey sa pintuan. Bakas pa sa mukha nito yung sugat at pasang natamo niya noong isang araw. Nakaramdam ako ng hiya. Yung taong pinatikim ko ng galit ko ay siya din naman pala ang tatawagin ko sa oras ng panganga ilangan.
“Anu ‘yun?” Tanong ko dito. Sinubukan kong kontrolin ang boses ko. Dahan dahan akong umupo.
Ngumiti naman ito at lumapit sa akin.
“Okay ka na ba?” Tanong niya sa akin. “Nagluto si Brett ng food. Yung paburito mo. Bangon ka na.”
Sa aming tatlo, si Brett ang magaling magluto. Si Harvey naman magaling sa mga gawaing bahay. Ako naman ang tagakain at tagakalat. Expertise ko na nga siguro yun. Meron pa nga palang isa. Forte ko ang magtaray.
“I know, galit ka pa din sa akin at kay Brett. Pero if pwede sana seize fire muna tayo. Kahit ngayong araw lang. For old time sake.” Aniya. Napadako ang tingin ko sa mga picture frames na nakatayo sa table malapit sa bintana. Mga picture naming tatlo ‘yon.
Noong elementary pa lang kami bukod sa mga palayaw na binibigay sa amin ni Coach Rex ay minsan niya kaming binansagan Huey, Dewey & Louie ng Duck Tales. Para daw kasi kaming duckings parating magkakasama. Sa kalukuhan at kung sa anu pa.
Huey ang tawag niya kay Brett kasi he acts the most responsible. Dewey naman ang tawag kay Harvey dahil daw ginagawa nito lahat to stand out. Louie naman ang binansag sa akin dahil ako daw kasi ang pinakatamad. Maliban sa paglaro ng volleyball.
“Whatever.” Sagot ko na lang.
Kahit tinatamad ay tumayo na lang ako para maligo at nang makapagbihis. Ilang sandali pa ay lumabas na ako ng kwarto. Nakahanda na ang lamesa. Nakaupo na yung dalawa at hinintay talaga ako.
Lumapit ako na hindi kumikibo. Ramdam ko ang mga mata nilang nakatitig sa akin. Pag-upo ay nagsimula akong kumuha ng pagkain.
Naririnig ko silang dalawa na nag bubulyngan. Napa-iling nalamang ako dahil nagbulungan pa sila e naririnig ko naman ang pinag bubulungan nila.
“Kayong dalawa itigil na ninyo ang bulungan ninyo at naririnig ko kayo. Umupo na kayo at nakakatamad kayong pakinggan.” Saway ko sa kanila.
“Heto kasing isang to nag-uumarte pa. Sieze fire muna nga diba.” Nagsalita si Harvey. Hindi naman umimik yung isa. Hinayaan ko nalang. Malaki na yan. Nagpatuloy na lang ako sa pagkuha ng pagkain.
Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko. Iyon ang usual niyang pwesto. Si Harvey naman ay sa harap niya naka upo. Saan mang lamesa kami dalhin ganito palagi ang pwesto. Hindi naman naming pinlano pero nakasanayan na.
Hindi ko itatanggi nan amiss ko ang luto ni Brett. Lalo na itong luto niya. Dati kasi sa tuwing bumibili ako ng adobo ay sinasabayan ko ng itlog. Minsan nga nilalagyan ko ng frinch fries. Kaya noong nagkaroon si Brett ng pagkakataon ay nilutuan niya ang ng Adobong may nilagang itlog at patatas. Unusual man siya sa iba sa akin ‘yun ang pinaka masara. Kaya sa tuwing feeling down ako noon ay ito ang ginagawang pampasaya ni Brett sa akin.
“Thank you for cooking, Huey.” Hindi ko mabanggit ang pangalan dahil baka ma-trigger ulit ako. Ayokong sirain ang moment.
Nasamid at si loko nang tawagin ko siyang Huey. Agad nitong inabot ang basa upang uminom. Bigla namang natawa si Harvey sa nangyari. Gusto ko sana pigilan ang sarili ko na hindi matawa pero dahil sa epic na itsura ni Brett ay natawa na din ako. .
“Tawang-tawa, Dewey?” Tanong ni Brett kay Harvey habang binabalik nito ang compose look niya.
“Si Louie din kaya natawa.” Bago pa man dumako ang mata ni Brett ay agad kong ibinalik ang attention ko sa pagkain. Pero natatawa pa din ako.
Sa puntong iyon, nawala ang awkwardness at nagsimula na kaming mag-usap ng mga nakaraan na akala mo ay kaytatanda na namin.
Dahil sa hindi pa talaga maayos ang pakiramdam ko ay nagdesisyon kaming mag binge watch nalang kami kesa mag-mall. Gaya ng kinagawian ay itatabi namin ang center table ai e-extend ang sofa. Ilalabas din naming ang mga unan sa ikalawang kwarto. Habang ginagawa naming iyon ay si Brett naman ay nagluluto ng popcorn sa microwave.
Aaminin kong masarap sa pakiramdam ang ganitong kasama ko muli silang dalawa. Sa mga ganitong pagkakataon kasi nararamdaman ko na hindi ako mag-isa. Yung nawawala ang mga pangamba mo dahil alam mong naririyan sila at hindi ka nila iiwan. I miss the old days.
We decided to watch Underworld movies. Paborito ko kasi si Celine kaya kahit ilang beses na ko nang napanoon ay hindi pa rin ako nagsasawa. Ganoon din naman si Harvey. Magkapareho ang taste namin dalawa sa pelikula. Si Brett naman ay wala namang tutol. Kahit nga ayaw niya ng palabas ay hindi siya nagrereklamo.
Mabilis na limipas ang oras. Hindi man lang naming namalayang nakakatatlong palabas na pala kami. Nag-ayos na silang dalawa dahil kailangan na nilang umuwi.
Tumulong na lang ako sa pag-aayos nang mapabilis.
Maya-maya pa ay nagpaalam na silang dalawa.
“Sure ka bang ayos ka na?” Tanong ni Harvey.
“Don’t worry, I’m good.” Sagot ko sa kanya.
Hindi na ito nangulit pa. Pero mas nagulat ako sa sumunod na nangyari. It was Brett hugging me so tight.
“I’m sorry. I’m sorry for giving you so much pain. Pero sana maintindihan mo na may dahilan ako kung bakit ko ginawa ang iyon. I never tend to leave you behind. Wala lang akong choice.” Kung hindi ko siya kilala ay iisipin kong napakaiyakin niyang bata.
Walanaman akong masagot dahil hindi ko naman kasi alam ang isasagot ko. Tinapit tapik ko nalang ang likod niya.
“Sana after ng competition, mabigyan mo ako ng pagkakataon na makapag-explain.”
“Let’s cross the bridge when we get there, Huey .” Sagot ko sa kanya.”Alis na kayo.”
“Five minutes, Louie. Just give me five minutes habang seize fire pa.” Yes, naka-seize fire pa. Kaya walang dahilan para hindi gumanti sa yakap niya.
*****
Harvey POV
Habang pinanunuod kong magkayakap si Nicolo at Brett ay hindi ko mapigilang masaktan. Hindi dahil may gusto ako kay Brett pero dahil sa sitwasyon nilang dalawa. Bakit ba ganito maglaro ang tadhana. Bakit kailangan sa kanila pa mangyari ang ganito. Hindi ko tuloy alam kung sasabihin ko ba sa kanila o mananahimik nalang ako. Pero may karapatan ba akong sabihin iyon? Pinagkatiwalaan nila ako ng sekcreto nila. Pero subrang bigat naman. Masyado kong mahal silang dalawa para ma uwi sa pagkawatak watak kaming tatlo.
“Hey, tulala ka nanaman.” Napabalik ako sa realidad dahil sa pagyugyog ni Brett. Nang balingan ko siya ay natatawa iting nakatingin sa akin.
Nasa hintayan kami ng sasakyan. Magkaiba man ang rota ng sasakyan naming ay pinili nitong kasama ko na paunahin akong makasakay.
“Para kang timang, nakatulala ka habang naglalakad.” Aniya.
“Eh sa may iniisip ako. Anu bang pake mo.” Sinubukan kong magtaray para hindi niya ako kulitin pa. Sa mga pagkakataon kasing naaaligaga ako ay hindi ko nacocontrol ang sarili ko.
“Hindi bagay sayo magtaray.” Kitang kita naman sa mukha niya na masaya siya.
“You really love Nicolo.” Hindi ko napigilang komento.
“I do.” Maikling sagot niya. Tumingin ito sa malayo.
“Kahit sina Nicolo at Xander na?” Sinadya ko iyon sabihin para matauhan.
Pero ngumiti lang ito at nagpatuloy sa paglalakad.
Halata naman na he is still hoping. He is hoping na pagbibigyan siya ni Nicolo ng pagkakataon.
Hindi ko tuloy kung anu ang gagawin ko sa sekretong pinagkatiwala nila sa akin. Paanu kung magkaalaman na? Anung mangyayari sa kanilang dalawa? Maayos pa ba nila lahat?
“Siguro tingin mo sa akin ngayon ay nababaliw na. I know that Nicolo is with Xander Lim now. Hindi iyon okay for me. Kasi, I know I could that person in Nicolo’s life.” Saad ni Brett. Nakangiti pa din siya habang nakatingin sa malayo. Nakangiti pero hindi umaabot sa mata. His eyes is expressing hurting. “I have been waiting for him to love me back. I can feel that something is stopping him. Pero I will still wait. “
“Ikalma mo lang, Brett. Life is full of surprises baka magulat ka hindi pala talaga kayo para sa isa’t isa. Hindi lang naman si Nicolo ang taong pwede mong mahalin.” Sinadya kong sabihin ang ganoon linya. Ayoko mang makadagdag ng sakit pero at the end of the day, sakali mang maghiwalay sina Nicolo at Xander ay hindi pa din sila pe-pwede. Baliktarin man ang mundo ay hindi pa rin mawawala ang katotohanang magkapatid silang dalawa.
“Pwede bang support mo na lang ako. Wag mo nang durugin pa yung pangarap ko.” Kung alam mo lang Brett. Kung alam mo lang ang katotohanan. Sorry kung hindi ko masabi sayo.
Hindi ko na siya sinagot pa. Buti na lang at may sasakyan nang dumating. Agad akong nagpaalam at sumakay . Nang lingunin ko siya ay naglalakad na ito palayo.
“Why does fate complicate things?” Naibulong ko habang tuluyan nang umandar ang sinasakyan ko.
Nicolo’s POV
Kakatapos ko lang maligo nang marinig ko ang sunod sunod na katok sa pintuan. Nag taka ako dahil anung oras na. Agad akong tumungo ng pintuan upang buksan iyon. Buti na lang ay naayos ni Harvey ang bahay bago pa sila umalis kanina.
Nang buksan ko ang pinto ay tumampad sa akin si Brett.
“May nakalimutan ka?” Tanong ko sa kanya.
Pero wala itong imik. Nakatingin lang ito sa akin. Ito yung titig niyang hindi ko makayang gantihan. Akmang tatalikod na ako nang bigla niya akong sinunggaban ng halik. Dahil sa pagkabigla ay palagay ko ay na blanko ang isip ko. Nakita ko na lamang ang sarili ko na gumaganti sa mapusok nitong mga halik.
Kapwa kami hingal nang maglayo ang mga labi namin. Nakahawak pa rin ang isa niyang kamay sa leeg ko ay yung isa ay sa bewang ko.
“Brett, this is a mistake.” Mahina kong sambit.
“Then, this is the mistake that I’m willing to take. “ Aniya habang inilalapit niya ang kanyang noo sa aking noo. Naramdaman ko ang pagtama ng dulo ng kanyang ilong sa aking ilong while he caresses my back. The sensation is brutally good.
“Let’s stop this, Brett. I’m with Xander already.” Nagbabakasakali akong ititigil niya ang ginagawa niya dahil anu mang oras sa sandaling iyon ay madadarang ako sa apoy na sinisimulan niya.
“Why don’t you make me stop?”
“Because I can’t. So please, Brett stop.” Nasa dulo na ang pagtitimpi ko sa ganitong sitwasyon.
Unti-unting nilayo ni Brett ang katawan niya. Napapikit ako upang ma-control ang urge na sinisigaw ng makamundong bahagi ng utak ko.
“I’ll use your shower.” Pagkasabi noon ay pumasok ito sa kwarto ko.
Napaupo ako sa sofa . Nanlambot ang tuhod ko sa eksenang iyon. Hindi ko man aminin ay nagustuhan ko iyon. May isang parte ng utak kong nanghihinayang dahil hindi natuloy.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal sa pagmumuni muni bago magpasyang pumasok sa kwarto ko.
Hindi na ako nabigla nang makitang nasa kabilang side na ng bed si Brett. At gaya ng nakagawian ay wala nanaman itong pantaas at malamang ay naka boxer lang ito. Umakyat na ako ng kama. Pagkahiga ay agad kong naramdaman ang kamay ng katabi ko. He wraps his arms around me. Our legs are intertwined. I can feel him in my back. I close my eyes with ease.
Nang magising ako kinaumagahan ay wala na siya. May nilutong agahan sa mesa kasama ng isang note.
Thank you last night.