Chapter 6

1849 Words
Ipinilig ni PJ ang ulo at inalis sa isip ang kanyang maganda at hot na empleyado. He decided to goes back into their hotel room para samahan ang asawang si Hannah na tiyak na nakakaramdam na naman ng lungkot. As much as possible ay ayaw niyang pasamain ang loob nito pero hindi din naman niya minsan makontrol ang sariling maasar dahil sa pagiging mapilit ng asawa sa mga bagay na alam naman nitong hindi niya kayang mapagbigyan. Pagbalik niya sa hotel suite nila ng asawa ay nadatnan niyang nag-aayos na ito ng mga damit pabalik sa dala nilang luggage. PJ gave her a questioning look dahil nagtataka siya sa ginagawa nitong pag-eempake na. Ang alam kasi niya ay dalawang araw pa silang mananatili doon. "Love what's the meaning of this?, bakit ka nag-eempake?" Sunod-sunod na tanong niya na labis talagang naguguluhan. "Love we need to goes back home, mom just called at nasa hospital daw si dad." She answered na halata sa boses ang labis na pag-aalala sa ama nito. Agad siyang napalapit sa kinaroroonan ng asawa para kalmahin ang loob nito. "Love is dad okay?" Tanong pa niya habang hinahaplos ang likod nito para i-comfort. "I- I don't know love, walang sinabi si mommy sa kung ano ang lagay niya-- basta she told me that my dad needs me raw." Anito na nagsimula ng gumaralgal ang tinig and he knew that she's starting to get panicked. Alam niya kung gaano kalapit asawa sa mga magulang nito especially sa dad nito kaya naman mababakas talaga sa mukha ni Hannah ang sobrang pag-aalala para sa ama. That day ay agad na silang nag-book ng flight pabalik sa Pilipinas and upon reaching home ay agad na nilang pinuntahan ang daddy ng asawa niyang si Hannah sa hospital. Agad silang sinalubong ng mommy nito ng mamataan ang pagdating nila and she was crying that made Hannah even more worrier. "Mom a-anong nangyari kay dad?" Naiiyak na tanong ni Hannah sa ina ng salubungin sila ng yakap. "A-anak w-wala na ang daddy mo." Humihikbing hayag nito na halos ikatulos naman ni Hannah sa kinatatayuan. Agad niyang nilapitan ang asawa at inalalayan itong maka-upo sa naroong bench habang para itong namutla at ni hindi na makapagsalita pa pero nakita niyang agad tumulo sa mga mata ang luha. "Love, please calm down makakasama sa'yo ang labis na mag-alala." He uttered sa nag-aalalang tinig para sa asawa. Ayaw niyang may masamang mangyari dito lalo pa at may sakit din ito sa puso. "D-Daddy! Ahhhhhhhh-- daddy ko!!!!" Halos ay lumabas ang ugat sa leeg na sigaw ni Hannah ng siguro ay ma-absorb ang masamang ibinalita ng mommy nito. She was outbursting and no matter how he pacify her ay nagwawala talaga ito sa matinding sama ng loob sa biglaang pagpanaw ng daddy nito. "A-anak p-please magpakatatag ka, you're dad doesn't want something happen to you." Pag-aalo ng mommy nito sabay yakap kay Hannah ng mahigpit habang kapwa umiiyak ang dalawang babae. That time PJ felt the pain na nararamdaman ng asawa niyang si Hannah and if only he can take that pain away in her heart ay ginawa na niya, but things like this is very uncontrollable and he can't do anything but to just stay beside her and comfort her. Lumipas pa ang ilang araw at nailibing na ang ama ni Hannah at naramdaman ni PJ ang malaking pagbabago ng asawa, dahil naging malulungkutin na ito at ni hindi na siya nito nabibigyan ng atensyon at lagi na lang ay nasa bahay ng mga magulang nito para samahan ang ina. PJ felt that coldness sa relasyon nila at masyado siyang nangulila sa atensyon ng asawa kaya naman mas binuro na lamang niya ang sarili sa trabaho na halos ay doon na sa opisina tumira. ******* "Good morning sir! pinatawag n'yo daw po ako." Bungad ni Rose sa boss niyang si PJ that morning na pinuntahan niya ito sa private office ng lalaki. "Ah yes Rose, take a sit first." Anito na nag-angat ng tingin sa gawi niya. "Okay thank you po." She uttered at umupo sa harap ng desk nito. "Here-- Lahad ni PJ sa isang brown envelop kay Rose. Inabot naman iyon ng babae at nagtatakang tinignan si Mr. Ventura. "What's this sir?" Hindi na niya napigil ang sariling tanong dito. "You have to read those files para sa bago mong job assignment, I choose you to do that project Miss Sandoval dahil alam kong kaya mo 'yang i-handle and I trust your guts." He told her na seryoso ang mukhang nakatingin sa kanya. Nakaramdam naman si Rose ng ibayong pressure sa sinabing iyon ng kanyang boss but what can she do kung masyado siya nitong pinagkakatiwalaan. At aaminin niyang natutuwa siya sa ganoong pananaw nito sa kanya and who wouldn't be ba naman. Isa lamang siya noong hamak na office staff na agad nitong nakakitaan ng potential and now she's very successful sa kanyang career plus the chance na mapalapit pa lamang sa isang Bilyonaryong may-ari ng naglalakihang Hotels and Restaurants sa buong bansa ay kabog na kabog na. "Okay sir, pag-aaralan ko po a-at katulad ng dati I will put all my efforts para po makuha ulit natin ang project na 'to." Sagot niya na ngumiti pa kay Mr. Ventura as a sign of gratitude sa tiwalang binibigay nito ng labis sa kanya. "I'm sure you can do that--So just give me you're response kapag natapos mo 'yang pag-aralan and I will discuss to you all the necessary things sa pagpunta mo sa Singapore." Saad ni PJ na nakatingin pa rin kay Rose. Bigla namang napakunot-noo ang babae ng marinig ang sinabi nitong sa Singapore daw. 'So it means na doon pala ang bagong project na sinasabi nito.' She thought at bigla ay naisip niya ang asawang si Carlos na tiyak niyang unang-una na magdi-disagree kapag sinabi niyang out of the country ang bago nilang project. Pagkauwi niya that afternoon ay iniisip pa rin niya kung paano niya ipapaalam sa asawa ang tungkol sa bago nilang project sa Singapore. Nabasa at napag-aralan na niya kanina sa office ang files na ibinigay ni PJ sa kanya at mukhang malaking project nga iyon sa kumpanya nito dahil kasama niya itong pupunta doon at makikipag-business transaction sa isang kilalang Businessman na nasa pareho nitong field wich is also an owner of big Hotels and Restaurants sa iba't-ibang bansa. "Babe I'm home!" Tawag niya pagkadating pa lamang niya sa kanilang bahay ni Carlos. Hindi na siya nagpasundo pa dito kanina dahil na din sa alam niyang pagod ito sa trabaho lalo at madalas din itong nasa field bukod pa sa paminsan-minsan din nitong inaasikaso ang maliit nitong negosyo. "A-anak nariyan ka na pala." Narinig niyang wika ng nanay niya na nasa likuran na pala niya at mukhang kalalabas lamang nito sa silid. Nilingon niya ito at simpleng tinanguan. Hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin maayos ang pakikitungo niya sa ina kahit pa nga laging ito ang gumagawa ng paraan para sila ay magkaayos. Ewan ba niya kung bakit sa tuwing makikita niya ito ay bumabalik ang madilim niyang nakaraan na kung ilang beses na niyang pilit na ibinabaon sa limot. Ayaw na niya iyong maalala dahil mas lalo lang siya nakakaramdam ng galit. Kung sana ay naroon noon ang mama niya para gabayan at alagaan siya di sana niya mararanasan ang malagim na trahedyang iyon at hindi rin sana siya nawasak ng matindi. Umagos muli sa alaala ni Rose ang nakaraan na kung bakit hirap na hirap siyang magpatawad at lumimot. Sobra pa rin kasi ang poot na nararamdaman niya sa lahat ng taong sumira sa pagkatao niya at kung paanong muntik na niyang wakasan ang kanyang buhay. 5 Years ago..... Nasa huling semester na si Rose noon sa kolehiyo sa kursong Hotel and Restaurant Management sa Santa Theresita University, isa siyang simpleng estudyante at working student din at the same time. Nasa ibang bansa ang nanay niyang si Helen at isa itong OFW, naiwan siya sa pangangalaga ng tiyahin niyang kapatid ng mama niya subalit dahil sa may sarili din itong pamilya at tatlong anak ay hindi siya nito masyadong nabibigyan ng atensyon kaya nag-decide na siya noon na kausapin ang mama niya na kumuha na lamang ng boarding house malapit sa pinapasukan niyang University na agad din naman nitong sinang-ayuanan. Hindi na niya nakilala ang tunay niyang ama dahil ayon sa mama niya ay may ibang asawa daw ito noong nabuntis nito ang mama niya na ang ibig sabihin ay naging kabit nito ang ina niya kaya hindi pinanagutan. Single parent man ay talagang itinaguyod siya nitong buhayin at nag-desisyon ngang magpunta sa Hong-kong para mag-trabaho to provide her needs and give her the best future. Naging mabuti siyang anak sa mama niya at talagang pinag-iigihan niya ang pag-aaral para kapag nakatapos siya ay papauwiin na niya ang mama niya at ng hindi na ito mahirapang mag-trabaho. Isang gabi ay ginanap ang Department Acquantance party nila at dahil isa siya sa officer ng kanilang department ay obligado siyang dumalo kahit hindi naman talaga siya mahilig sa ganoong pagtitipon. "Rose ano na? magbubutas ka ba diyan ng silya? c'mon let's enjoy the party."Yakag ng isa sa kaibigan niyang si Karen na noon ay parang may tama na ng nainom nitong alak. Kanina pa siya nito niyayang maki-join sa mga ito sa isang mesa na kung saan naroon mostly ang mga ka-klase nila pero talagang tigas siya sa pagtanggi dahil ayaw niyang umuwing lasing although minsan ay nakikisama naman siya sa mga ito but that night is different. "Ayoko Karen, kayo na lang-- okay na ako dito sa juice." aniya in a nice way at tipid pang ngumiti rito. "Ang KJ mo talagang babae ka, ngayon lang naman eh sige na halika na kasi may gustong makipagkilala sayong pogi." Pilit na yakag pa rin nito na ngayon ay hinila na siya sa kamay kaya wala na din siyang nagawa kundi ang tumayo at pagbigyan ang pangungulit nito sa kanya. Nadatanan nila sa lamesang iyon ang ilan sa mga ka-klase nila at may namataan siyang mga bagong mukha na hindi pa naman niya nakikita sa loob ng campus dahil nga sa hindi naman siya ganoon ka-friendly at medyo ilag sa mga tao. "Ahmm guys this is my friend Rose nga pala at isa siya sa pinaka-matalino sa klase namin." Pakilala sa kanya ni Karen sabay isa-isang ipinakilala ang mga bagong mukha na naroon. Pero isang lalaki talaga ang medyo umagaw ng atensyon niya dahil sa napansin niyang lagkit ng tingin nito sa kanya. "Hi Rose, ako nga pala si Gab and Im happy to meet a beautiful girl like you." Anito na may nakakatunaw na titig sabay lahad sa palad nito in-front of her. Nag-alangan siyang makipag-kamay dito noong una pero naramdaman niyang siniko siya ni Karen kaya napilitan siyang abutin ang kamay nito para makipag-kamay dito. "H-hi! Gab and nice meeting you too." Aniya na ngumiti ng tipid sa lalaki. Medyo hindi niya gusto ang hilatsa ng pagmumukha nito dahil sa para itong maangas pero hindi na lamang niya iyon ipinahalata. *to be continued*
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD