Chapter 1
"Good mornig Mam Rose!" Bati sa kanya ng secretary niyang si Lucy that monday morning.
Isa siyang Marketing excutive head sa kanilang kumpanya na The Great Emperor Industry na nasa Restaurants and Hotels business industry at pagmamay-ari ng isang Bilyonaryong si PJ Ventura or Paul Jared Ventura.
Dati lamang siyang regular staff ng Marketing Department sa main branch ng Hotel ng TGE Industry Corporation, at dahil sa hardwork at determination ay nakakuha siya noon ng promotion hanggang sa mas ginalingan pa niya ang trabaho para mapansin siya ng mga head management, particular sa kanilang bigboss na si PJ Ventura.
Her name is Rose Sandoval, 28 years old, married to Carlos Javier at isang taon na din ang kanilang pagsasama pero wala pa ding anak. Nagtapos siya sa isang private university sa Lunsod ng Maynila sa kursong HRM, at agad nang nag-apply ng trabaho noon sa TGE. Maswerte naman siyang natanggap kaya agad siya noong nakapagsimula.
Mahirap ang dinaanan niyang proceso bago narating ang posisyong meron siya ngayon. Pero naging matibay at naging palaban siya sa kahit na anong hamon at hirap ng buhay at dahil sa angkin din niyang talino at medyo strong na personality ay agad niyang na-impress ang mga boss niya, particularly the CEO of the company na si PJ Ventura.
Naalala niya ang una nilang pagkakakilala ng lalaki noon.
By the way he's a married man too at napakaganda ng asawa nitong si Miss Hannah kung tawagin ng mga kasamahan niyang empleyado.
Fast forward
Isa pa lamang siya noong Marketing staff ng company at may group presentation sila na ito mismo ang naroon para makita kung paano nila i-present ang marketing strategy at promotions ng Hotels and restaurant na may 15 branches all over the world that means meron din ito sa ibang mga bansa at hindi lang sa Pinas.
She was assign para gumawa ng samples at drafts ng promotions at banners, pero nang magpi-present na sila ay bigla namang nagkaroon ng emergency ang head nilang si Miss Annie kaya nagpaalam ito sa kanila na hindi makakapag-present.
"Paano na ngayon 'yan Rose maya-maya mag-start na 'yung presentation tapos wala si Mam Annie---'naku naman ngayon pa siya nagka emergency." Ani Lorie, ang isa niyang kasamahan sa kanilang team sa marketing department. Halata ang tensyon sa tinig nito.
Hindi rin siya mapakali kanina pa at kinakabahan din siya but the presentation must go on dahil mismong CEO ng kumpanya ang haharapin nila and they can't cancel it kundi malaking gulo at pangsasabon ang maririnig nila sa lahat ng mga department heads ng kumpanya.
"Nagawa naman na lahat ang lay-outs at nasa powerpoint na,
So I guess ituloy pa rin natin." Buo ang loob na turan niya and started to prepare for the presentation, nasa loob na sila 'nun ng conference room.
"What? seryoso ka Rose--paano tayo magpe-present without Mam Annie?" anito na pinandilatan pa siya ng mata.
"I'll be the one to do the presentation, napag-aralan ko na 'to kaya alam ko kung paano ito ipe-present sa CEO." relax ang tinig na hayag niya na inihanda na ang mga gagamitin nila.
"Ha? kaya mo ba? CEO ang haharapin mo besh at hindi lang 'yung manager ng Hotel--paano mo gagawin?" dudang anito na pinakatitigan pa siya ng matiim.
"Well Im confident sa mga nagawa natin kaya madali lang 'yan i-present and don't worry kaya ko 'to, just trust me okay." Buong kumpyansa niyang saad sa ka-trabaho and waited for the boss to come.
After how many minutes ay isa-isa ng pumasok sa loob ng Conference room ang mga head including kay Mr. Ventura na noon ay first time niyang makita at nakilala lang sa madalas na pagbanggit ng mga kasamahan niya sa trabaho.
And all of them is true to their description sa itinuturing na hari ng TGE, dahil ubod nga ito ng gwapo at sobrang matikas din--
he looks so dignified at very intimidating din ang aura nito pero ang mas naka-agaw ng pansin niya ay mga mata nitong matiim kung tumitig na parang tumatagos sa kaluluwa. Bigla siyang nakaramdam ng ibayong kaba ng biglang magtama ang paningin nila at aaminin niya na sa kabila ng tapang niya ay para siyang biglang nag-alangan, kung kanina ay buo ang loob niya na mag-presinta sa harap ng mga ito,ngayon ay medyo nag-alangan na siya.
"Hoy Rose ano na?" Siko sa kanya ni Lorie nang ganap nang makapasok ang lahat ng heads na siyang manonood at magve-verdict sa gagawin ng department nilang presentation.
Nagsimulang magrigudon ang dibdib niya at pinagpawisan pa siya ng malapot sa matinding kaba, pero katulad nga ng sabi nila the show must go on at kailangan niyang ituloy ang presentation kahit pa wala doon ang head ng department nila.
"Where is Miss Annie?" Narinig niyang tanong ng head ng Accounting na nakatuon sa kanila ni Lorie.
"Ahmm mam--m-may emerency po kasing pinuntahan si mam Annie, k-kaya hindi po siya makakapag-present ngayon." Aniya na parang biglang umurong ang baon niyang tapang lalo at aware siyang nakatutok din ang tingin sa kanya ng CEO ng company na si PJ Ventura.
"So ano? walang magpi-present?" Nakataas ang kilay na hayag pa ng medyo may pagka-masungit na head ng HR department.
Nagkatinginan sila ni Lorie at biglang nataranta.
"Ahhmm-- a-ako na lang po ang magpi-present mam." Lakas loob na hayag niya at sinalubong pa ang matiim na tingin na halos tumagos sa kaluluwa niyang titig ni Mr. Ventura.
"Ano? ikaw--kaya mo ba?" Nakatikwas ang kilay na segunda pa ni Miss Vicky ang overall head ng lahat ng department sa company na iyon.
"K-kakayanin po mam,
and napag-aralan ko naman pong mabuti ang lahat ng details sa magiging proposal na marketing banner namin mam." Segunda pa niya na iniiwas ang tingin sa bilyonaryo nilang boss.
"Let her do it." Maawtoridad na biglang saad ni PJ Ventura na matiim pa ring nakatingin sa gawi niya.
Natahimik ang lahat ng magsalita ito at hinayaan nga siyang mag-present.
Inalalayan siya ni Lorie na isalang lahat ang materials at ang ginawa nilang powerpoint presentation para sa lahat ng design at marketing camapaign banners na ginawa ng department nila. And then she started to talk in front of them explaining everything confidently habang nakaturo ang hawak niyang marker sa screen.
"The promotional adds will also gain the attention of the ordinary and young professionals that usually love to travel because it was very ideal and practical in terms of their low budget that they set for that certain travel--
So I suggest that we need to meet their demands and their budgets as well. Yes it's not too cozy but for them it's very affordable and at the same time convinient for their leisure." Aniya sa kung bakit iyon ang napili nilang ilagay na design ng banner sa mga adds ng hotels and restaurants ng TGE.
Naglatag pa siya ng ibang mga options na banner at adds para pagpilian ng lahat at pagkatapos nga niyang magpresinta ay tinadtad siya ng maraming tanong ng halos lahat ng head, while PJ is just watching her kung paano niya sasagutin lahat ng tanong ng mga ito. At dahil nga sa napaghandaan niya ng matindi ang presentation na iyon ay maayos niya iyong nasagot lahat at natapos ang presentation, but her head is aching so bad after dahil sa matinding pressure.
*to be continued*