Chapter 2

1095 Words
Habang nagliligpit sila Rose at Lorrie ng mga ginamit nila ay biglang nagsalita si Mr. Ventura na hindi pa nakakalabas ng conference room. "Miss Sandoval, look for me at my private office later." hayag nito with authority in his voice na matiim na nakatingin sa kanya. Nagulat si Rose sa biglang pagsasalita nito pero mas nabigla siya sa tinuran nitong hanapin daw niya ito sa private office nito mamaya. 'May mali kaya sa presentation ko?' kinakabahang tanong niya sa isip at mababakas ang pag-aalala sa mukhang bumaling sa bilyonaryo nilang boss. "S-sir b-bakit po?" nanginginig ang tinig na tanong pa niya ng patalikod na sana ang lalaki. "I will tell you why pagpunta mo sa office ko." anito at agad nang lumabas ng conference room, habang napanga-nga naman si Lorie na nakatingin sa kanya. "Hala Rose, bakit ka gustong makausap ng bigboss?" tanong nito na mababakas din ang pagkabahala. "H-hindi ko din alam Lorie, b-baka may mali sa ginawa ko." aniya na talagang kinabahan na ng matindi. Nang matapos sila sa pag-aayos ng mga ginamit nila mula sa presentation ay agad na nga siyang nagtungo sa privete office ng Bigboss ng TGE na si PJ Ventura. Halos mangatog ang tuhod niya sa matinding nerbyos 'nung nasa tapat na siya ng pinto nito dahil agad din siyang pinapasok doon ng secretary nitong si Miss Elis. She knocked his door three times at narinig niyang nagsalita ang nasa loob. "Come in!" anito sa tinig na talaga namang may pagka-brusko 'Rose inhale, exhale.' aniya sa sarili para kahit paano ay ma-relax ang pakiramdam niya bago niya pinihit ang seradura ng pinto and entered inside the Boss office. "G-good afternoon p-po sir." nauutal ang tinig na bati niya sa CEO ng kumpanyang pinagta-trabahuan niya. "Good afternoon Miss Sandoval, come and take a seat." anyaya ng bigboss na nagtaas pa ng tingin para makita siya. He really looks so intimidating. Sa isip niya habang parang matutunaw sa sobrang hiya na tumalima sa utos nito. She seated in-front of him at naghintay ng susunod nitong sasabihin. Rose is already expecting na pupunahin nito ang ginawa niyang presentation kanina, baka hindi nito iyon nagustuhan or baka hindi naging maayos ang pag-deliver niya ng presentation na iyon. "B-bakit niyo po ako ipinatawag s-sir?" kabadong tanong niya na kanina pa napapalunok sa sobrang tensyon dahil kaharap lang naman niya ang CEO ng isang very successful na Hotel Empire sa buong bansa and even outside the country. "Im not gonna beat around the bush Miss Sandoval, but I want to inform you that Im impressed sa ginawa mo kaninang presentation, the fact that your just a regular and new employee." anito na matiim ang tingin sa kanya but the authority in his aura was there. "P-Po? t-talaga po? m-maraming salamat po kung ganun." namumula ang mukhang hayag niya dahil hindi niya inaasahan ang ganoong compliment na maririnig mula rito. "I can see that you have potential Miss Sandoval, at ang kagaya mo ang kailangan ng kumpanya ko-- he stated. "So I am offering you a position as a Hotel Promotional Supervisor, is that sounds okay with you?" tanong ni Mister Ventura na nakatingin pa rin sa kanya ng matiim at inaarok ang magiging reaksyon niya. Halos naman mapanga-nga si Rose sa narinig na job offer ng kanilang Bigboss. Supervisor daw ng Hotel promotion, so ibig sabihin tataas ang posisyon niya? aniya sa isip at mistulang bigla siyang nanalo sa lotto sa matinding tuwa sa offer ng kanilang bigboss. "S-seryoso po ba kayo s-sir? A-ako po i-aassign 'nyo as a supervisor?" hindi pa rin makapaniwalang tanong niya na nagyon ay may masigla ng ngiti sa mga labi. "Yes you heard me right Miss Sandoval-- just let me know kapag nakapag-decide ka na, I'll wait for your answer, you can now go back to work." he told her dismissing their conversation. Rose nodded at nagpaalam na dito and goes out, para pa rin siyang nakalutang sa alapaap dahil sa narinig na magandang job offfer ni Mister PJ Ventura. Pagbalik niya sa kanyang cubicle sa kanilang department ay abot tenga ang ngiti niya at para ba siyang mas ginanahang mag-trabaho. "Uy Rose, anong sinabi sa'yo ni Mister Ventura?" tanong sa kanya ni Lorie na nasa harap na pala niya ng hindi niya namamalayan. "Ha? eh ang sabi niya nagustuhan daw nya 'yung ginawa nating presentation--kaya baka bigyan niya ng consideration 'yung ginawa nating promotional camapaign." saad niya na, hindi muna binanggit dito ang tungkol sa inaalok ng CEO na posisyon dahil baka mausog pa. "Wow talaga ba Rose, so ibig sabihin positive pala 'yung resulta ng presentaion natin?--turan ni Lorie. Yey! ang galing mo." hayag pa nito na pumalakpak pa, mistulang natuwa sa ibinalita niya. "Oo Lorie, kaya worth it lahat ng pinaghirapan natin-- at tiyak na matutuwa si Miss Annie kapag nalaman niyang wagi ang team natin." aniya na nangiti na rin ng maluwang dahil sa labis pa ring pagka-overwhelm. Masayang-masaya si Rose na umuwi sa kanyang tinitirhang apartment at katulad ng dati sinundo siya ng nobyo niyang si Carlos na talagang sobrang tyagang maghatid-sundo sa kanya sa trabaho pauwi sa bahay. "Babe kumusta ang trabaho mo?" he asked her ng nasa loob na sila ng sasakyan nito. "Just fine babe at sobrang saya ko ngayon." nakangiting hayag niya sa nobyo and even her eyes is sparkling. "Hey--you really looks so happy, so tell me anong good news ba 'yan babe?" anito na bumaling ang nakangiting tingin sa gawi niya. "Well babe, nag-offer lang naman sa akin 'yung CEO ng company namin ng job promotion at mas mataas ang posisyon than my current status." hayag niya sa masiglang tinig dahil hanggang nagyon ay hindi pa rin siya maka get over sa magandang job offer ng boss nila. "Talaga babe? wow congrats, so did you accept the offer?" tanong nito na halatang natuwa rin sa ibinalita niya. "I haven't answered yet babe." She said. "So are you gonna say Yes to the offer babe?" tanong ulit nito na inaarok ang magiging sagot niya. "Of coarse I'll accept it-- ayon na ang hinihintay kong opportunity ko na mapansin ng mga heads ng kumpanya ang lahat ng effort at hardwork na ginagawa ko." sagot niya na talagang determinado at very excited na sa pag-angat ng kanyang career. "Okay babe, alam mo namang lagi lang akong nandito to support you kaya keep it up at pagbutihin mo ang trabaho mo." hayag ng kanyang very supportive na boyfriend na si Carlos at agad niya itong hinawakan sa kamay tsaka nginitian ng matamis dahil sa sobrang pagmamahal nito sa kanya. *To be continued*
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD