Chapter 3

1698 Words
Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Rose sa naging desisyon niya ukol sa job promotion na inaalok ng CEO ng TGE na si PJ Ventura and she immediately accepted it. Pinuntahan niya ito the following morning to tell him na pumapayag na siya sa inaalok nitong promotion and of cousre natuwa naman ang lalaki kaya agad siyang sinabihan na dumaan muna sa training bago siya lumipat ng opisina, kung saan ay may sarili na siyang private office at sa ibang floor na siya ng building maa-assign. Hindi naging madali kay Rose ang naging promotion para sa kanya dahil naglabasan ang iba't-ibang issues, na kesyo sumipsip daw siya sa CEO at ang pinaka worst ay nilalandi daw niya si PJ Ventura. At first ay naging apektado siya dahil hayagang pinagtsi-tsismisan siya ng mga ito, but then mas inisip niyang mag-focus na lamang sa trabaho at mas pagbutihin pa ang kanyang trabaho.  Lumipas pa ang ilang buwan ay nakitaan agad siya ng malaking improvements ni PJ at nang mag-decide si Miss Annie to retire from her job ay siya agad ang napiling ipalit. At nang dahil doon ay mas madaming nagalit at nainggit sa kanya pero wala na siyang pakialam at ipinagkikibit na lamang ng balikat ang mga naririnig mula sa mga inggeterang wala namang laman ang mga utak kundi puro lang tsismis. Lumipas pa ang mga buwan at araw na mas lalo din siyang naging close kay PJ. That time ay mag-asawa na sila ni Carlos pero wala pang anak. Nagbalik sa kasalukuyan ang isip niya at agad nang pumasok sa kanyang private office para mag-trabaho. Marami siyang nakatambak na files to work with at kabi-kabila din ang kanyang meetings kaya wala na siyang inaksayang panahon and started her job. Maya-maya ay tumunog ang kanyang phone kaya agad niya iyong inabot at sinagot si PJ. "Good morning Mr. Ventura." magalang niyang bati sa CEO ng kanilang kumpanya. "Good morning Rose. I called to remind you about our meeting sa client natin from Australia, have you fixed everything already?" tanong nito reagarding sa pakikipag-meeting nila sa isang potential client na galing pa sa Australia. "Yes of course sir, lahat naihanda ko na and everything is set including sa materials na gagamitin natin sa presentation." sagot niyang very confident dahil talagang trinabaho niya iyon ng matindi. "That's good. You're really are very efficient kaya gustong-gusto kita." he said na biglang nagpatigil sa kanya. Iba kasi ang tono nito sa pagsasabing gustong-gusto siya nito. 'Naku Rose 'wag ka ngang assuming.' saway niya sa sarili na agad pinalis ang nasa isip. "Thank you sir, I just do my job properly and perfectly dahil ayokong masira ang tiwalang ibinigay niyo sa akin." saad niya na medyo na-awkwad na. "Okay, I have to go---bye Miss Sandoval." anito at nagpaalam na. Pagkababa niya ng tawag ay sanadali pa siyang napamaang sa hawak na telepono na as if nasa loob niyon si PJ Ventura. Kung siguro ay single lang ito at siya ay walang nobyo malamang nagka-gusto na siya dito. PJ is a real hunk at walang babaeng hindi ito lilingunin kapag dumadaan dahil sa tindi ng karisma nito. He was perfectly built and oozing with s*x appeal na kahit siguro maghapon mo lang titigan ay hindi ka mauumay. But PJ Ventura is already happily married with his wife Hannah kaya naman wala ng pag-asa ang kahit na sinong babae para mabihag ang puso nito. Ipinilig niya ang ulo at ipinagpatuloy na lamang ang ginagawang trabaho. Sumapit ang lunch break at agad naman siyang nakatanggap ng tawag galing sa asawa niyang si Carlos at siguradong ipapaalala nito na 'wag magpapalipas ng gutom. Carlos is such a loving and caring husband at ramdam na ramdam niya ang sobrang pagmamahal nito sa kanya. Nagkakilala sila ni Carlos noong panahong down na down siya dahil sa pinagdaanang traumatic expirience noong nasa huling semester siya ng kolehiyo. Nagkaroon siya ng isang malagim at traumatic na expirience na dahilan upang muntik na niyang sukuan ang buhay at bumalik nga sa alaala niya kung paano niya nakilala noon ang asawang si Carlos. Flashback  Halos wala sa sarili at tulala lamang si Rose habang naglalakad pauwi sa kanyang tinutuluyang apartment. Nakayapak lamang siya habang suot pa rin ang jacket na ibinigay ng pulis na pinara niya upang hingian ng tulong. She was barefoot while crying nonstop habang binabagtas ang daan na ni hindi na niya alam kung saan siya patutungo. Wala siya sa kanyang sarli ng mga sandaling iyon. Ikinuyom niya ang kamao ng maalala ang naranasang pang-aabuso ng mga walang pusong mga lalaking 'yun. 'MGA HAYOOP KAYOOOO!!!' she shouted habang panay pa rin ang palahaw ng iyak. Napahinto siya sa gilid ng tulay at wala sa loob ang mga sumunod na kilos na ginawa niya. Sumampa siya sa balustreng harang ng tulay habang panay pa rin ang iyak. Hindi na niya alintana ang mga sugat sa buo niyang katawan dahil mas masakit ang nararamdaman niya ngayon sa kanyang dibdib. Sukdulan ang galit at poot niya sa mga lumapastangan sa kanya. She hated all of them. "Isinusumpa ko kayong lahat!!! Mga hayop kayo!!" palahaw pa niya tsaka yumukod at pinagmasdan ang tahimik na ilog na kanyang babagsakan pag siya ay bumitiw sa pagkakapit sa balustreng iyon. "Mama ayoko ng mabuhay!!! wala ng dahilan para magtagal pa ako dito!!!" hiyaw pa niya tsaka dahan-dahang bumibitiw sa pagkakapit. Then she closes her eyes at inihanda ang sarili sa pagbagsak, subalit nagulat siya ng may matigas na kamay na humawak sa braso niya ng mahigpit at pilit siyang hinihila paakyat sa tulay.  Isang di niya kilalang lalaki ang nagmamagaling para siya ay iligtas. She tried to release her arm pero di hamak na mas malakas sa kanya ang pangahas na lalaki kaya nagtagumpay itong hilahin siya pabalik. The man grabbed her waist at halos buhatin siya para lamang umalis sa may balustreng tinuntungan niya kanina para sana tumalon.  "Bitiwan mo ako!!!" asik niya sabay pilit na itinutulak ang lalaking halos ay nakayakap na sa kanya. Umiiyak pa rin siya at sobra pa ring hindi makapaniwala sa mga nangyari sa kanya ng gabing iyon. 'Sana panaginip lang lahat ng ito, sana pag gising ko wala na ang sakit!!' she thought while still sobbing and bursting into tears.  "Miss tahan na, hindi solusyon ang pagpapakamatay para takasan ang problema." narinig niyang saad ng lalaking estranghero habang ngayon ay niluwagan na ang pagkakahapit sa kanya pero nakaalalay pa rin ang kamay nito. Marahas na nilingon ni Rose ang lalaking nagligtas sa kanya sa balak niyang pagtalon sa tulay kanina. "Sana hinayaan mo na lang akong mamatay!!" she exclaimed. "Bakit ha?, alam mo ba kung anong nangyari sa akin ngayon?!" sigaw ulit niyang tanong sa lalaki na halos ay magliyab pa ang kanyang mga mata sa sobrang poot na nararamdaman sa mga taong bumaboy sa kanya. Natigilan ang lalaki at may bahid ng awa ang mga matang tumingin sa kanya. Sinipat siya nito mula ulo hanggang sa paa at doon nakaramdam na naman siya ng takot dahil baka katulad din ito ng mga hayop na umabuso sa kanya. Agad niyang itinulak ito at akmang tatakbo ng mahawakan siya nito sa braso.  "Bitiwan mo ako!! hayop ka! isa ka din sa kanila-- pagsasamantalahan mo din akoo!!!" naghihysterical na niyang pagpupumiglas mula sa pagkakahawak nito sa braso niya. "H-hindi ako masamang tao miss, halika na ihahatid kita ng ligtas sa inyo." maalumanay na anito habang pilit pa rin siyang kinakalma. At dahil sa halo-halong emosyon ng takot, pagod at sakit ng katawan ay nawalan siya ng lakas kaya siya napa-upo padausdos sa gilid ng kalsada at doon na nagdilim ang lahat sa kanya. ****** Pagmulat niya ng mga mata ay naroon na siya sa isang napaka-gandang silid na hindi pamilyar sa kanya at doon niya nakilala ang lalaking nagligtas sa kanya mula sa tangkang pagpapa-kamatay. Napalingon siya sa gawi ng lalaki ng mag-salita ito. "Hi! gising ka na pala." bungad na bati sa kanya ng lalaki. Nakamata lang siya dito at ni hindi sumasagot. "Ako nga pala si Carlos Lopez. At ikaw si Rose tama ba?" pagkokompirma nito sabay angat sa ID niya na malamang ay nakita nito sa bulsa niya. Biglang nangilid ang luha sa mga mata niya ng maalala na naman ang karahasang naranasan sa kamay ng mga hayop na lalaking lumapastangan sa kanya. "Ano bang nangyari sayo miss?" she heard him asked. Matangkad ang lalaki at gwapo. Sa tantiya niya ay hindi naman nagkakalayo ang edad nila. Naramdaman niya ang symphaty sa tinig nito kaya hindi na niya napigilan ang sarili para dito ibuhos lahat ng sama ng loob at sinabi nga niya sa lalaking noon lamang niya nakilala ang sinapit niyang panghahalay.  Pero ni hindi niya narinig na pinandirihan siya ni Carlos, bagkos ay tinanggap siya nito at tinulungang makabangon. Naging malapit sila ng binata sa isa't-isa and eventually ay umamin ito na may nararamdaman daw itong pag-ibig para sa kanya. At first she doubted his intention dahil alam naman niyang mahirap para sa isang lalaki na tanggapin ang isang babaeng katulad niya but Carlos is very eager to show her his love kaya naman unti-unti na ring nahulog ang loob niya para sa binata. Hindi naging madali ang pagbangon ni Rose sa buhay after that traumatic expirience na dinanas niya at nagkaroon pa siya ng kinikimkim na poot para sa kanyang ina na noon ay hindi na niya kinakausap. She hated her dahil sa ni hindi nito tinanong kung ano na ba ang lagay niya at ni hindi nito alam na naging biktima siya ng mga mapag-abusong nilalang.  Sumapit ang huling taon niya sa kolehiyo na si Carlos ang tanging kaagapay niya. Ito ang tumutulong sa kanya para makapag-aral at ito rin ang madalas niyang kasama. Si Carlos lang ang nakakaintindi sa kanya. Mula kasi noon ay naging cold na siya sa ibang tao. Ni hindi siya nakikisalamuha o nakikipag-kaibigan dahil na rin sa sinapit niya noon. Lumipas pa ang mga araw at ganap na nga siyang nakatapos sa kanyang pag-aaral at agad nga siya noong nakapasok sa TGE bilang isang Marketing staff, na pag-aari ni PJ Ventura, doon na nag-umpisa ang pag-angat ng kanyang career and she did everything to get the promotion she deserve. *To be continued*
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD