Napakuyom si Rose ng kamao upon remembering that nightmare na halos ay hindi nagpapatahimik sa kanya hanggang sa mga sandaling iyon. Sariwa pa ang lahat ng mga alaala na kahit ano pang pilit niyang itago at kalimutan ay hindi niya magawa. 'Malapit ko na kayong balikan isa-isa!' May poot na aniya sa isip dahil sa plano niyang paghihiganti sa mga lumapastangan sa kanya noon. "Babe! are you okay?" Napapitlag siya ng biglang magsalita mula sa likuran niya ang asawang si Carlos. Pasimple niyang pinahid ang luha niyang tumulo sa gilid ng mata niya at agad nagpagkit ng ngiti para sa asawa. "Y-yes babe I'm okay- ahmm kanina ka pa riyan?"She asked him na pilit pa ring kinakalma ang sarili dahil ayaw niyang mag-alala na naman ito sa kanya. "Kararating ko lang-- So ano lalabas ba tayo o dito na la

