Unang bumungad kay Maria ang isang kulay berdeng gate sa harapan niya. Huminga siya ng malalim at pilit nilalabanan ang panlalamig ng kamay. makailang beses pa siyang napabuntong-hininga bago nakuhang humakbang ng isang beses. Kakayanin ba niya? Hindi iisang beses niyang pinag-isipan iyon sa loob ng ilang araw. Oo at nakapag-usap na sila pero sa tingin niya ay hindi iyon sapat. Kahit kailan siguro ay hindi magiging sapat sa dami ng tanong sa kanyang isip at mga salitang gusto niyang sabihin. Ilang araw din ang ginugol niya upang pag-isipan ang gagawin. Akmang pipindutin niya ang doorbell sa harap ng malaking bahay nang tumunog ang kanyang telepono. Napahinto si Maria at kinuha iyon sa loob ng bag. Hindi na niya tiningnan kung sino dahil wala namang tatawag sa kanya sa teleponong iy

