Habang nasa loob ng sasakyan ay tahimik na nagmamasid lang si Maria. Wala yatang balak magsalita si Kino habang nagmamaneho kaya't hindi na rin siya nagtangkang buksan pa ang usapan. Gayunpaman, ramdam niya ang mabigat na ere sa pagitan nila dahil sa namamayaning katahimikan. Kahit paghinga niya ng mga oras na iyon ay tila pigil at hindi niya makontrol. Lalo pa't alam niya kung bakit tahimik si Kino. Nagtatagis ang bagang nito at mahigpit ang kapit sa manibela ng sasakyan. Nakahinga lang siya ng maluwag nang dumako ang tingin nito sa kanya. Ang kaninang madilim nitong aura ay naging malambot na. "Are you really okay?" malumanay na nitong tanong. Dinantay nito ang isang palad sa nakabukas niyang kamay kaya't alam niyang ramdam nito ang panlalamig niyon. Doon na siya napahikbi ng mahi

