Nang huminto ang sasakyan sa haraapn ng hospital ay nakahinga siya ng maluwag. Habang nakatingin kasi siya kay Kino ay nenirbyos si Maria..Lalo na kapag medyo umuungot ito na halatang masakit dahil hindi parin tumitigil ang dugo sa pag-agos. Bilib din siya sa lalaki dahil nagawa pa nitong magmaneho sa kabila ng sugat nito..Parang siya itong nasasaktan habang ang lalaki ay seryoso lang ang mukha. Mabilis niyang dinaluhan ang lalaki papasok ng hospital at siya din ang tumawag ng nurse. Mabuti nalang ay medyo hindi busy ng gabing iyon kaya agad namang nalapatan ng lunas ang sugat ni Kino. Mga isang oras lang sila sa hospital kaya matiyaga siyang siyang naghintay. Nilinisan ang sugat ng lalaki at nilagyan ng gamot saka binalot sa gauze. Ang sabi ng nurse ay hindi naman daw malalim ang sugat

