Matapos ang unang gabi ng duty ni Maria sa bar ay mabilis siyang sumakay sa sasakyan ni Lyndel. Saktong pauwi palang din ang kaibigan dahil may pinuntahan itong party kaya dinaanan kang siya nito. Hinihingal si Maria nang makaupo sa loob ng sasakyan kaya nagtatakang napatanong si Lyndel sa kanya. "What happened? Bakit ka tumatakbo?" anito sa kanya habang umaandar ang sasakyan. Hindi na din niya nagawang magbihis kanina dahil sa pagmamadali kaya naka uniform parin siya. Alas dos pa naman ng madaling araw kaya medyo malamig ang balat niya sa paa. "W-wala.. nagmamadali lang ako." sagot naman niya nag-iwas ng tingin. Tila pailalim siya nitong tiningnan kapagkuwan ay naniningkit ang mata. "May tinataguan ka, no?" "W-wala..Sino naman ang pagtataguan ko?" "Ewan ko sa'yo..Baka si Valder

