Nagising si Maria sa sinag ng liwanag mula sa labas ng bintana. Masyado nang maatas ang sikat ng araw kaya napamulat agad siya ng mata at napatingin sa paligid. Noon lang din niya napansin ang basang unan na kinahihigaan hudyat na iyon ang naging karamay niya nang nagdaang gabi. Inayos niya ang buhok at umupo sa kama. Sobrang tahimik ng paligid at tanging ang mabilis na t***k ng kanyang dibdib lang ang kanyang naririnig. Hindi na masyadong mabigat ang kanyang pakiramdam pero andoon parin sa isip niya ang mga nangyari kagabi, lalo na ang naging usapan nila ni Kino na hindi niya nagawang tapusin dahil sa sobrang paninikip ng dibdib. Sadyang bigla nalang siyang pinanlambutan ng tuhod sa mga kaganapan. Ang makitang hinahalikan si Kino ng ibang babae ay parang kutsilyong bumabaon sa puso niya

