Napaawang ang labi ni Maria habang nakatingin sa umiiyak na mukha ni Nadia San Diego. Sa mga oras na iyon ay para siyang sinilid sa isang malaking drum na puno ng tubig. Hindi siya makahinga at pakiramdam niya malulunod siya anumang oras. Sumagap siya ng hangin pero parang walang silbi iyon nang mga sandaling iyon. Mas lalo lang siyang nalulunod sa mga pangyayaring hindi-hidni niya inaasahan. "H-hindi po, ma'am.. Nagkamali lang ho siguro kayo..H-hindi po ako ang anak ninyo..Hindi po." paulit-ulit siyang umiling sa ginang at pinilit na hawiin ang kamay nitong nakahawak sa kanya pero ayaw nitong bumitaw. "No..You are my daughter..Hindi ako pwedeng magkamali, Maria.." giit ni Nadia sa kanya. Tigmak ng luha ang mga mata nito at nagsusumamo ang tingin sa kanya. "S-sa probinsya na po ako lu

