"Mija.." Nagtatakang napatunghay si Maria sa matandang kaharap na parang may nakikita itong kakaiba sa kanyang mukha. Nahihiyang paulit-ulit siyang humihingi ng pasensya pero wala itong ibang ginagawa kundi ibukas-sara ang bibig. "Sir? O-okay lang ho ba kayo? Pasenya na po talaga.." Untag niya sa matanda. Mukhang natauhan naman ito kapagkuwan ay agad tumuwid ng tayo. "I- I'm fine..It's okay." sagot nito bago humugot ng panyo sa bulsa ng suot nitong pants at pinahid sa brasong may marka ng alak mula sa pagkakatapos kanina. Nakahinga siya ng maluwag at akmang magpapaalam na ngunit tinawag siya nito ulit. "Miss! W-wait." Hindi na natuloy ang paghakbang ni Maria at napabalik ang tingin sa matandang lalaki. Doon naman may sumulpot na babae sa likod ng matanda. Isang pamilyar na baba

