Napaisip si Maria sa tanong na iyon ni Kino. Dahil ang totoo, mula nang magkaisip siya ay hindi man lang niya nasilayan ang totoong ina. Ang tanging tumatak kay Maria ay ang nag-iisang litrato nitong iniwan sa bahay ng kanyang Lola at Lolo. Ilang beses niyang hiniling na sana ay balikan nalang siya nito at kunin pero bumilang na ng taon ay walang inang bumalik para sa kanya. Makungkot siyang umiling. "Hindi eh. Ang sabi ni Lola ay umalis agad ang mama ko pagkatapos niya akong ibigay sa kanila. Mula noon ay hindi na ito bumalik pa." "How about your father?" maingat ang uri ng pagtatanong ni Kino at wala naman siyang nakikitang mali sa tanong nito. Normal din naman sigurong kilalanin nito ang pamilyanh pinagmulan niya. "Hindi ko din alam. Wala naman akong nakilalang ama mula pa noo

