Huling araw na bago ang exam and for the whole day today, sinabihan kami ng guro na study time lang ngayon. Kada study time lang, pwede namin gamitin mga cellphones namin, lumipat ng upuan, at pwede rin naman kumain at makipag chika dahil walang guro na nakabantay samin dahil busy sila sa pag asikaso sa exam bukas. Strikto kasi ang paaralan na to sa mga exams at kada exam day, sa gym kami magsasagot at malaki ang space ng paglalagyan ng upuan namin at maraming guro ang nakapaligid sa amin. Halo halo lahat ang grades namin doon sa gym at half day lang ang oras na makasagot kami sa exams for that certain day. Kami sa umaga at sa hapon ay ang ibang grades naman.
Pumunta ako sa upuan ni Sherry as always at tinulungan niya ako sa ibang mga lessons na hindi ko pa naiintindihan at binigyan niya din ako ng mga notes at formulas that can be easily understood.
"Handa kana ba bukas?"
Habang nag susulat ako sinagot ko siya ng Oo.
"This is your time to show to him na kahit papano magaling ka. He'll be proud."
Huminto ako sa pagsusulat at tiningnan ko si Sherry at ngumiti. "Oo naman. Ako pa ba? Hindi ako titigil hangga't hindi niya ako magugustuhan."
Lumapit naman ang isa kong kaklase na maingay. "Eh baka gusto ka na ng tao? Baka dinadaan lang niya sa chusera niyang pa strikto strikto para makuha attensyon mo." Sabi niya na naka ngiti
"Hoy ano kaba. Di naman siguro. Ano siya, Elementary? Binu-bully yung babaeng gusto niya? Di ganun si Sir Raikko noh." Sabi ko na naka ngiti
"Ikaw talagang babae ka. Baket, kilalang kilala mo na ba ang gurong yon?"
Napatawa naman si Sherry. "Ikaw kaya palaging bigyan ng attensyon palagi at palaging kinakausap at maypa tutor tutor pa. Diba parang palagi silang maraming moments together at of course mga hidden personalities na makikita, diba?"
"Ay oo nga no Sherry. Charot kang babae ka Jiane hah!" Napatawa naman ako sa sinasabi nila.
"Ang rami mong moments ni sir na dahil sa rami, pinagseselosan na ng ibang TAO." Sabi ng kaklase ko habang nakatingin sa likod ni Rachel.
Hinawakan ko ang kamay ng kaklase ko and shaked my head as a sign to stop what she is trying to do.
"Fine." Bumalik na siya sa upuan niya. Tiningnan ko lang si Sherry and she did the same at bumalik na kami sa pagsusulat.
Pagdating ng go home time, nahuli ako sa paglabas dahil mataas ang notes na kinopya ko kaya mga 5:00 na ako nakalabas ng clasroom papunta sa classroom ni Sir Raikko. Sa dali dali kong paglalakad, di ko namalayan na hindi ko pala naisara ang bag ko at nung nakabangga ako ng tao, nakalat lahat ng gamit ko sa bag.
"Nako pasensya na!" agad agad ko namang pinulot ang mga gamit ko at tinulungan ako ng nabangga ko. "Salamat hah." pagtingin ko sa mukha niya, si Rachel pala yun. My eyes went wide for a second.
"Magdahan-dahan ka namnan kasi. Ganyan kana ba ka atat na pumunta sa classroom ni Sir Raikko? Araw-araw mo naman siya nakikita at nakakasama ah. Ang exited mo naman." Sabi ni Rachel habang binigay niya sa'kin yung bag ko at umalis na.
"Swapang talaga ng babaeng yon." Sabi ko sa sarili ko.
Pumunta naman ako agad sa classroom ni Sir Raikko ngunit wala pa siya don. Lumapit ako sa lamesa niya at merong sticky note na nakalagay sabing; Wala munang tutorial class ngayon since busy kami sa pag prepare bukas.
"Ay oo nga. Hindi ko namalayan wala rin pala si Arthur dito."
Dahil wala na akong magawa, pumunta nalang ako sa isang convenience store at nag order ng Hotdog with bun at Large Slurpee na Watermelon lime flavor. Habang kumakain ako ay sinabayan ko ito ng panonood ng Music Video sa Super Junior.
Pag-uwi ko, agad akong nagbihis at humiga sa kama ko.
"Tomorrow huh." Ipinikit ko na ang aking mata at pag gising ko, umaga na. Exam Day.
Nagmadali akong bumangon, naligo, kumain at kinuha ang aking sling bag na gagamitin. Every exam, ang kailangan lang namin ay ang pagsulat kaya ang sling bag ko lang ang ginagamit ko at hindi yung knapsack na bag ko na merong lamang mga libro, notebook, at ano ano pa.
Pagdating ko sa paaralan, mataas ang pila naming mga estudyante na magta-take ng exam ngayon sa gym namin. Pumipila kami dahil bibigyan kami ng numero kung saan kami uupo.
I crossed my arms and I feel kinda nervous for this exam. I really don't want to disappoint the people around me who supported me this time.
Nung akin na ang turn sa pagkuha ng numero, I just realized na si Sir Raikko pala ang nagbibigay nito. Tinititigan ko lang siya hangga't sa naging mukhang irita nanaman ang mukha niya sa'kin.
"Huwag ka ngang ma blanko diyan Jiane, ang rami pang nakapila sa likod mo o. Dalian mo." Kinuha niya kamay ko at inilagay ang numero. "Kung anong kasing bagal ng pag-intindi mo ay ganun din kabagal ang kilos mo. Ano ba yan."
"Ang sama talaga ng ugali mo! Basta malaki score ko dito, olats ka sa'kin!" hindi ko na hinintay sagot niya at tumakbo na ako papuntang gym.
"Patay ka talaga sa'kin Raikko, kahit ano pa sasabihin mo sa'kin, hindi magbabago ang gusto ko na jojowain kita!"
Pagdating ko sa upuan ko, naghintay nalang ako na ma settle down na lahat at magsimula na kami sa Exam.
Nung na occupy na lahat ng upuan, the teachers spread out sa gym para matutukan ng maayos ang mga estudyante bawat sulok at upang wala maka kopya. Nagsimula na nga ang exam and the teachers handed out the papers. When Sir Raikko arrived at my table to give me my exam paper, tumingin lang ako sa lamesa, at sa mababa na boses sinabi kong; "Wala bang goodluck diyan sir?" kinuha ko ang exam paper at tiningnan ito. Bago siya umalis, sumagot naman siyang; "Wag kang feeling. Gawin mo nalang yan kung may gusto mong date mangyari."
Natigil ang pagtingin ko sa papel at napatingin nalang ako sa likod ni Sir Raikko nanagbibigay ng test paper sa ibang estudyante.
"Char naman nito." Napangiti ako ng palihim at bumalik na ako sa focus ko sa pagsagot ng exam. Habang binabasa ko ang mga tanong, I realized na similar at ang iba ay pareha sa binigay na questions nila Sir Raikko at Sherry. Napangiti nalang ako sapagsagot.
Isang oras ang nakalipas, malapit na akong matapos sa sinasagutan kong exam at magaan ang loob ko sapagsagot. For the first time in a while, exited ako makasagot ng tama at makakuha ng malalaking marka.
Habang patapos na ako sa pagsagot, napatingin ako sa gilid at meron akong nakitang mag-ina. Nakita ko ang ngiti ng nanay sa anak habang binibigyan ng baon at tubig at niyakap pa niya ito. Dahil sa nakita ko, napahinto ako sapagsagot saglit at napaisip sa aking sarili. I spaced out for a while at nabalik ako nung narinig ko ang isang guro na 10 minutes nalang ang natitira bago namin e pass ang test paper.
Napatingin naman ako sa test paper ko na maraming sagot at nung ni review ko ulit ito, I decided to change some of my answers dahil it doesn't feel right to me at all. For the rest of the following test papers that was given to me, I tried my best to answer them based on what I think I should put.
Pagdating ng ikalawang araw ng exam, I did the same at hindi ako nagpadalos-dalos sa pagsagot dahil meron akong pinipigilang mangyari.
Ngayong natapos ko na ag huling exam, papauwi na ako sa bahay nung sinalubong ako ni Sherry.
"So ano Jiane, kamusta?" tanong niya habang nakalagay ang braso niya sa balikat ko.
"Sakto lang naman. Kahit papano ay nailaban ko naman rin siguro yung exam."
"Mabuti naman, nako siguro ako na magugulat talaga lahat sa'yo bukas kapag malaman nila na malalaki grado mo."
"Ano kaba Sherry, hindi pa nga nalabas ang results. And who knows, baka may bagsak padin."
"Huwag ka ngang negative! With the way you studied, I'm sure na top notch ka." Sabi ni Sherry habang nakangiti.
"Waw naman, salamat hah. Abangan nalang natin lahat bukas. Sana matunganga yung Raikko na yun." sagot ko naman sa kanya.
"I'm sure na maaakit mo rin ang guro na yun! Starting with him being shock na you made it."