"Bakit nga pala hindi kayo sabay umuwi ni Dani?" Napatunghay ako sa mukha ni Tita Delia nang marinig ko ang tanong niyang iyon sa akin. Narito ako ngayon sa may sala nina Dani at hinihintay ko siyang dumating. "Tinawagan po kasi ako ni Kuya, may importante raw kaming pupuntahan. Eh sobrang himbing po ng tulog ni Dani kaya hindi ko na siya inabalang gisingin pa." Tipid akong ngumiti kay Tita. Pakiramdam ko hindi ko kayang tumingin sa mga mata ng Mama ni Dani. Kinakain ako ng konsensya ko. She trusted me and Dani. But after last night, I felt like I've broken her trust. Tumayo ako. "Ahm, Tita, doon na lang po ako sa may garden maghihintay." Napakunot noo si Tita Delia at halatang nagtataka sa kakaibang ikinikilos ng dalaga. "May problema ba Yuan?" Palibhasa halos hindi na kami mapaghiwal

