Maria Juana Almarez
"Daaaaaannniiii!!!!"
Pakiramdam ko naglabasan lahat ng nasa loob ng tenga ko at nabasag ang eardrums ko ng marinig ko ang sigaw na 'yon ni Yuan. Napailing-iling na lang ako ng malingunan ko siya na may ilang dipa pa ang layo mula sa pwesto ko. Narito kasi ako sa isa sa mga tambayan ng mga estudyante na walang klase. Nagsusulat ako ng five pages paragraph na assignment namin sa Algebra. Joke! Syempre sa Philippine Literature ito! Kailan pa nagkaroon ng paragraph sa Algebra eh alam naman nating lahat na puro equations lang ang meron sa subject na 'yon.
Anyway, mabalik tayo sa babaeng kung makasigaw eh akala mo wala ng bukas! Siya lang naman si Maria Juana Almarez. Yuan hindi para paikliin 'yong 'Maria Juana', kung hindi para raw magandang pakinggan! (Actually, ako ang nagbigay ng nick na 'yon sa kanya. Kaya utang niya ang buhay niya sa akin!) Ang arte lang 'no? Hindi ko siya bestfriend (pero para sa kanya best friend ko raw siya), ang totoo n'yan, close friend ko lang siya. Bakit kamo? Wala lang, parang gasgas na masyado ang best friend! Hahaha! As in super close, sa sobrang close parehas pa kami ng birthday. At anong koneksyon 'nun? Wala! Sinabi ko lang dahil 'yun naman ang totoo! Nasa third year college na kami at dahil nga close friend kami, magkaiba kami ng course na kinukuha. Tourism siya, Computer Science naman ako. Pero that doesn't mean na wala na kaming time sa isa't-isa. Kasi ang totoo n'yan sabay kami palaging kumain at umuwi isama niyo na rin ang pagpasok. Ang gulo 'no? Kahit ako naguguluhan din! Pero sa totoo lang, kahit ganyan makasigaw 'yang si Yuan, malimit siyang lingunin hindi lang ng mga kalalakihan kung hindi pati na rin ng mga kapwa ko kababaihan. Obviously, dahil nga natural na malakas ang boses niya! Hahaha! Joke ulit! Ang totoo dahil maganda talaga si Yuan. Sa aming dalawa, siya ang unang maganda at pumapangalawa lamang ako. Atleast di ba? Pangalawa ako sa maganda, kesa naman pangatlo! Paano ko nasabi na maganda siya? Well, tingnan niyo si Julia Montes, at para niyo na ring nakaharap si Yuan! Kung tutuusin hindi sa pagmamayabang mas lamang pa nga ang kaibigan ko kesa kay Julia.
"Hoy! Bakit hindi mo ako pinapansin?!?! Ha?!?!" Ayan na naman siya! Ang lapit-lapit na nya sa akin pero kung makasigaw akala mo ang layo-layo pa rin nya. Hindi pa nakontento, may kasama pang hampas sa braso!
"Aray ko naman!" Ang arte ko lang 'no? Haha! Wala lang feel ko lang. "Yuan, hindi mo ba nakikitang I'm busy. Nagsusulat ako dito oh! Unless bulag ka na ngayon at hindi mo nakikita." Nakatungo pa rin ako sa aking sinusulat dahil ayaw kong masira ang concentration ko. Once na tiningnan ko na naman ang babaeng ito, patay na! Pihadong bukas ko pa matatapos ito!
"Daaaannniiii!" Impit na sigaw ni Yuan! Pakiramdam ko lumilindol! Pero syempre hindi, dahil inaalog-alog lang naman niya ang mag kabila kong balikat. Wala akong nagawa kung hindi itigil ang aking pagsusulat at tingnan siya ng masama!
"Ano bang problema mo ha?!?" Ramdam ko na ang pagsasalubong ng mga kilay ko! Dinuro ko pa siya ng ballpen. "Hindi mo ba talaga ako titigilan ha???"
Napakunot noo ako ng may kinuha siya sa bag nya at may inilabas.
"Tsaran!" Parang hindi man lang siya naapektuhan sa ikinilos ko at ang taas-taas pa rin ng energy niya. Iwinagayway pa nya sa akin ang hawak-hawak niyang galaxy chocolate. "Ayaw mo ba?"
Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang favorite ko sa lahat! Inagaw ko ang chocolate sa kanyang mga kamay pero mabilis niya itong naiiwas sa akin. Shocks! Muntik ko ng maabot 'yon ah! Ang bilis talaga ng babaeng ito!
"Bakit galit ka??" Nakaingos nitong tanong.
Nginitan ko siya ng matamis para naman convincing! "Ano ka ba naman Yuan, nagpapractice lang ako! Kasi may play kami sa Literature. Medyo kontrabida ang role ko kaya ganon!"
Tinaasan niya ako ng kilay. Aba't mukhang ayaw pang maniwala ng bruha!
"Ganon??" Medyo nailang ako ng ilapit pa niya ang mukha niya sa akin at tinitigan akong mabuti. "Talaga lang ha? Parang nakita ko seryoso ka eh! Siguro matagal ka ng galit sa akin 'no? Umamin ka nga!"
Aba nga naman at gagawan pa ako ng issue! Ayos din ang trip ng babaeng ito ah! Saka bakit ba ang lapit-lapit ng mukha niya sa akin? Naaamoy ko na ang amoy strawberry nyang hininga. Ano kayang kinain niya? Parang mas masarap 'yon sa chocolate na hawak-hawak niya. Pinitik ko siya sa noo.
"Ang OA ha! Akala mo naman ikinaganda mo 'yan!" Walang pakundangan kong inagaw sa kanya ang tsokolate ng masaktan siya sa pitik ko. Mabilis kong binuksan ang galaxy at kinagatan ko agad!
Dinuru-duro niya ako. "Ito talagang babaeng ito kahit kailan, nakakainis! Kapag namula itong pitik mo sa akin sisigura-"
"Sisiguraduhin kong hindi ka pa mamamatay!" Pinutol ko na agad ang kung ano pa mang sasabihin niya. Kung minsan kasi talagang OA lang itong si Yuan eh! Porke maganda siya ngayon akala nya may karapatan na siyang mag inarte! Aba hindi tama 'yon!. "Oh heto, kumain ka na lang. Hindi iyong nag iinarte ka pa d'yan." Inilapit ko sa bibig niya ang chocolate na siya naman nyang mabilis na kinagatan.
"Nakakahiya naman sa akin kung hindi man lang ako kakagat, eh ako ang bumili nyan!" Nakaingos nitong sabi habang ngumunguya.
Natawa naman ako sa tinuran niya. "Bakit nga pala malayo palang ay naririnig ko na ang kalandian mo?" Nakakunot ang noo ko ng muli ko siyang tingnan. Tuloy lang ako sa pagnguya ng galaxy. Sarap kaya!
Hinawakan nya ang kamay ko at pinisil. "Daaaaannnii.." Pigil pigil nya pa yung boses nyang kilig na kilig. "O!M!G! Dani!"
Napahinga ako ng malalim. Base sa reaksyon nyang ito, may nakakakilig na naman itong ikukwento. Sa araw-araw na ginawa ni Lord, hindi ata nauubusan ng kakikiligan itong si Yuan. Ewan ko ba, pero wala naman siyang nagtatagal o sineryosong relasyon. Palagi na lang na kapag niligawan siya ng taong nagugustuhan nya, bigla siyang matuturn off at babastedin ang tao. O di kaya naman, sasabihin nya na wala palang sparks or magic. Aba eh kung yun lang pala ang hanap nya eh di dapat nagsindi na lang siya ng posporo o di kaya nag antay na tamaan siya ng kidlat. Ewan ko kung gustuhin pa nyang mag ka sparks! Natatawa tuloy ako sa naiisip ko.
"Yuan..." Nag pause pa ako at humugot ng malalim na hininga. Tinapon ko ang balat ng chocolate at tumingin sa kanya ng derecho. "Siguraduhin mo lang na kapupulutan ko ng aral yang sasabihin mo sa akin! Dahil kung hindi, nakikita mo tong hawak kong ballpen. Ha?!" Iwinagayway ko sa kanya ang hawak kong ballpen.
Humalukipkip si Yuan at tinaasan ako ng kilay. "Oo! Nakikita ko yan! At anong balak mong gawin ha! Sige nga?!"
Ngumiti ako ng pilit at napakamot sa ulo. "Eh ano pa bang ginagawa sa ball pen? Syempre ipangsusulat ko. Alangan namang isungalngal ko ito sa bibig mo eh di nasaktan ka, di ba?" Naman kasi, hindi naman ako natatakot kay Yuan, pero kasi, sa height nya ba namang 5"4' kumpara sa height kong 5" eh nanaisin ko pa bang galitin siya?! Of course, hindi pa ako nasisiraan ng bait no!
"Mabuti naman kung ganon." Muling bumalik ang tamis ng ngiti nya sa labi at muli akong niyugyog. "Daaaaannii, nag text na siya! Nag text na siya! Nag text na siya!"
"Seriously, Yuan?! Kailangan talagang yugyugin mo pa ako at paulit ulitin yang sinasabi mo? Tigilan mo nga ako." Tinapik ko ang mga kamay nyang yumuyugyog sa balikat ko. "At sino na naman yang bagong biktima mo?"
Lumungkot kunwari ang mukha ni Yuan at tumungo. "Sobra ka naman, Dani. Ano bang tingin mo sa akin, heart breaker?! Tao lang ako, tao lang din ako na nagmamahal. At isang babae ako na maladyosa ang kagandahan!"
Napa tawa ako sa tinuran niya. Kahit kailan hindi nawawala ang pagkakomedyante ng babaeng ito eh. At sa bagay na 'yon kami malimit nagkakasundo. Marahan ko siyang hinampas ng ballpen sa kanyang ulo.
"Please lang Yuan! Wag mo na akong artehan! Kung ano ano pa ang segway mo hindi mo na lang derestuhin yang kwento mo eh!"
"Haha! Eh kasi ikaw, nililigaw mo ako, alam mo naman na ang bilis kong mawala eh." Tatawa tawa pa ito bago umayos ng upo.
"Alam mo ba Dani, nagtext na sa akin si Miko! At my gosh, girl! Kinikilig talaga ako!"
Tiningnan ko siya ng nagtataka at lukot ang mukha. Obvious naman na talagang kinikilig siya kahit hindi na niya sabihin pa! Parang narinig ko na yung Miko pero hindi ko lang alam kung saan at kung kailan. Basta parang pamilyar sa akin ang pangalang binanggit nya. At para namang nasagot ang tanong ko ng muling magsalita si Yuan.
"Ano ka ba?" Sabay hampas sa braso ko. "Si Miko yung number 8 ng basketball team natin. Akala ko ba matalino ka? Eh wala ka pala! Ni hindi mo maalala na nakwento ko na siya sa'yo one time."
Hinimas himas ko ang brasong hinampas nya. Bago pa matapos ang kwento sa akin ni Yuan, pihadong bugbog sarado na ako. Ako na nga ang nakinig sa kwento niya, ako pa ang nalugi dahil sa sakit ng katawan na nakuha ko. "Eh sa sobrang dami ba naman ng nakwento mo sa akin, malay ko ba kung sino si ano at ano si sino!"
"Basta! Eh di yun nga, nag text na siya. Alam mo ba Dani, niyayaya niya akong lumabas! Oh Em gee!"
Ang mukha ko namang maganda ang pinag interesan nya dahil pinisil pisil niya ang pisngi ko. "Anyo ba Yuan! Bitiwan mo nga ang mukha ko! Pleashhh!"
Mukha namang napahiya siya at agad na binitawan ang pisngi ko na pihadong mapula na. Hindi niyo kasi natatanong, natural kasi na mestiza ako. Hindi naman sa ipinangangalandakan ko pero yon ang totoo! Hahaha!
"Don't tell me sasama ka agad sa kanya? Eh kaka text lang niya sa'yo?" Nakataas ang kilay ko ng tumingin ako sa kanya.
"Dani! What do you think of me? Ohh, please!" Nakataas din ang kilay nito ng balingan ako.
"Mabuti naman! Gusto ko lang linawin ang mga bagay-bagay. Ka---"
Hinawakan niya ang kamay ko at muling tumili. "Syempre sasama ako Dani! Ano ka ba! Ang tagal kong hinintay 'to. Papalagpasin ko pa ba ang pagkakataong ito. Oh my gosh!"
Pilit kong hinila ang kamay ko sa pagkakahawak niya at binalingan ko na lang ulit ang aking pagsusulat. Napapailing na lang ako. Ibang klase talaga tong si Yuan! IMBA! Kung mag inarte akala mo dalagang Pilipina. Iyon naman pala dalang-dala na! Hindi ko talaga maalala kung ano ang hitsura ng Miko na sinasabi niya. Pero for sure, since si Yuan ang pumili, sablay na naman yan! Oo! Ipupusta ko pa ang buong kaluluwa ko! Alam na alam ko na ang karakas ng mga taong nagugustuhan niya. Kung hindi sa nakakalbo, bulok ang ngipin. Pag hindi maitim ang batok, sobrang payat naman. Sa totoo lang, para ngang may deperensya ang paningin ng babaeng ito eh! Kasi kahit saang anggulo mo tingnan, maganda talaga si Yuan. Pero sa hindi ko rin maintindihang dahilan, palaging ang nagugustuhan niya eh (hindi naman sa namumula ako o namimintas ng tao) palaging may sablay. Parang palaging may mali o deperensya. Dalhin ko kaya siya sa ophthalmologist at baka sakaling luminaw ang paningin niya at nang sa ganoon eh tumaas taas naman ang standards niya, iyon bang tipong babagay sa ganda niya!
"Hoy! Bakit nang deadma ka na d'yan?!"
Nabalik lang ulit ako sa katotohanan ng buhay nang marinig ko ang boses ni Yuan. Naputol tuloy ang pag mumuni muni ko. "Yuan, alam mo..." Hinawakan ko pa siya sa dalawang balikat para makita niyang seryoso ako at baka sakaling makinig siya sa seryosong bagay na ipapayo ko sa kanya. Nakatitig lang siya sa akin at naghihintay ng sasabihin ko. Tinitigan ko rin siyang mabuti. Infairness ha, ngayon ko lang napansin, medyo brown pala iyong kulay ng mata niya. Saka kung tumingin siya parang nangungusap. Iyong tipong... Napakurap ako ng pumitik siya sa muka ko.
"Aba naman, Daniela! Sabihin mo lang kung bukas mo pa itutuloy iyang sasabihin mo ng hindi ako mukhang tanga na naghihintay sa'yo!"
"Ay sorry naman!" Ano bang nangyayari sa akin? Parang nahahawa na ako ng kapraningan ng babaeng ito ah! Hindi na maganda ito! "I mean, Yuan, alam mo kasi, wag kang magmadali. Bata ka pa. Bata pa tayo. Marami pang darating sa buhay natin.Kaya go with the flow ka lang."
Nagulat ako ng bigla niyang agawin ang hawak-hawak kong ball pen at itinutok sa akin na para akong sasaksakin. "Ikaw na babae ka! Nasan ba iyang utak mo at kung ano-anong pinagsasasabi mo ha?! Sinabi ko lang na sasama akong makipagdate, hindi ko sinabing magtatanan na kami at magpapakasal! Kung itusok ko kaya itong ball pen mo d'yan sa dila mo at baka sakaling may magandang pananalita ka pang masabi ha?"
Agad kong itinakip ang dalawa kong kamay sa bibig ko. Itong ganitong aura ni Yuan, capable talaga siyang gawin yong sinabi niya! Pambihira, ano ba kasing pinagsasasabi ko? Pati ako naguguluhan! Aha! Baka expired na iyong chocolate na binigay niya sa akin! Naku naman! Ito na ata ang katapusan ng buhay ko! Sus ko po! Nagulantang ako ng bigla naman akong yakapin ni Yuan.
"My goodness, Dani! What's happening to you? Bakit ka ba nagkakaganyan? Huhu. Mamamatay ka na ba ha?" Bakas sa boses niya ang concern at kaOA-yan!
Binatukan ko siya sa ulo! Aba at gusto pa akong patayin ng maaga! Ayos din itong taong ito ah. Kaibigan ko ba talaga ito! Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin.
"Aray ko naman, Dani." Kakamot kamot pa siya sa ulo niya na binatukan ko. "Masakit yon ha! Concern lang naman ako sa'yo, kasi parang ang awkward ng actions mo ngayon eh..."
Akmang babatukan ko ulit siya pero mabilis na naka iwas ang bruhilda! "Paanong hindi kita babatukan, sobra ka pa sa OA eh! Gusto mo patay agad ako. Ni hindi ko pa nga natatapos at naipapasa itong 5 pages paragraph na pinaghihirapan kong isulat! Ayos ka rin eh!"
"Eh kasi naman ikaw. Ilang beses kang natutulala. Ano bang nangyayari sa'yo?"
"Wala naman! Iniisip ko kasi kung anong hitsura nung si Miko. Hindi ko kasi alam kung nakita ko na ba siya o kung sino ba siya sa mga lalaking itinuro mo sa akin. Saka tinatantiya ko kung seryoso ka ba talaga sa pakikipag date mo sa kanya."
Ngumiti siya sa akin. Iyong ngiti na parang nagbibigay ng assurance. Iyong tipong parang nagsasabi na 'you don't have to worry, everything's going to be okay'.
"Susubukan ko lang naman, Dani. Saka wala kang dapat ipag alala, dahil sinabi ko sa kanya na isasama kita."
Tumango tango ako. Ah iyon naman pala. Wala naman pala akong dapat ipag alala, kasi naman isasama---"What?!?!?" Nanlaki ang medyo singkit kong mga mata ng mag sink in sa akin ang sinabi niya. "No way, Yuan! A big N-O-W-A-Y!"
"Yes, Dani! A big Y-E-S! Sasama ka wether you like it or not!"
Base sa ngiti ni Yuan, alam kong mangyayari ang sinabi niya. Knowing her! Paking ball sheet! Magchachaperon ako sa date niya! Disaster ito! At ngayon pa lang naaawa na ako sa kung sino mang Miko pilato na yon. Kasi iba ang tandem namin kapag kami ang nagsama. Tsk tsk tsk.