Daniela Ramirez

1987 Words
Hindi ko naiwasan ang mapangiti nang mabasa ko ang text message na galing sa aking matalik na kaibigan. Tatawagan ko pa lang sana siya, pero heto ang natanggap kong message galing sa kanya.  'Yuan, di na kita mhi2ntay na umuwi.. Sumkt ang tyan q! Cguro dhl xpired n ung chocol8 na bngay mu! Pg ngktaon, mu2ltuhn tlga kita! Ingat! Mwah! Nakaugalian na kasi naming magkaibigan na palaging sabay umuwi pagkatapos ng klase, since magkapit bahay lang naman kami. Napailing iling na lang ako habang naiimagine ko ang mukha ni Dani! Mabilis akong nagtype sa cellphone ko. 'So now kslanan q pa pla?! Ikw itong ang takaw2. Bhla ka dyan! :-p'  Well, si Daniela Ramirez, or Dani na lang as I call her, ay ang long time bestfriend ko. Kahit pa malimit niyang igiit sa akin na hindi raw kami best friend kung hindi close friend lang. I wonder kung anong ipinagkaiba nun? Anyway I met her when I was eight. Bagong lipat lang kami sa village kung saan siya nakatira kasama ang Mama niya. I will never forget that day. Naglalakad ako noon pauwi sa bago naming bahay nang may marinig akong tumatawag sa pangalan ko.  "Juana.. Juana.."  Ang tinis ng boses nya. Nilingon ko ang aking paligid upang hanapin kung saan nanggaling ang matinis na boses na 'yon! Napadako ang tingin ko sa isang batang babae na sa aking palagay ay mas bata sa akin ng isa o dalawang taon kung ang pagbabasehan ay ang tangkad nya.  "Juana, halika rito!"  Nangunot ang aking noo dahil hindi naman siya sa akin nakatingin kahit pa ilang beses na nyang tinawag ang aking pangalan. Natatawa lang ako kasi ang liit ng boses nya, kasing liit nya. Haha. Pero nakakapagtaka naman na ngayon ko lang siya nakita pero alam nya na agad ang pangalan ko?  "Halika na kasi Juana.." Tila ba nauubusan na siya ng pasensya. Dahil hindi pa ako tumitinag upang lapitan siya.  Lalo lang nangunot ang kunot ko ng noo nang lumuhod pa ang maliit na batang babae at ibinuka ang kanyang mga bisig na tila ba gusto nyang tumakbo ako sa kanya at yakapin siya. Kahit medyo naguguluhan ako lalapit na sana ako sa kanya nang muli siyang magsalita.  "Chu! Juana, chu chu. Come here!"  Nalukot lalo ang mukha ko nang mapagtanto ko na isang chihuahua pala ang tinatawag nya. Dahil mula sa kung saan ay bigla na lang sumulpot ang isang asong kulay puti at nagtatakbo papunta sa batang maliit.  "Hoy!!" Nagtataka siyang tumingin sa akin. Nakakainis isipin na para bang noon lang din nya ako napansin. Sa tangkad kong ito hindi man lang nya ako nakita?! Nilapitan ko siya nang nakahalukipkip. Pinagtaasan ko pa siya ng kilay.  "Sino ka?" Nagtataka nyang tanong.  Bakas sa mukha niya ang pagtataka dahil sa pinapakita kong asal sa kanya. Hindi ko alam pero ganito na talaga ako mula noon pa. Sabi nga ni Manang na yaya namin at siyang nag aalaga sa amin, kaya raw walang tumatagal na katulong sa amin dahil sa pagkamaldita ko samantalang ang bata bata ko pa naman daw. Hindi naman daw nya ako tinuturuan. Ni hindi rin daw nya alam kung saan o kanino ko ito namana.  "Ako lang naman si Juana, 'yung bagong lipat dyan sa kabilang bahay." Ininguso ko pa ang bagong bahay na nilipatan namin.  Tumayo naman ang batang maliit habang karga karga na nya ang ngayon ay kinakabwisitan ko ng aso nya! Paanong hindi ako mabubwisit ang daming pwedeng maging pangalan, bakit kailangang maging 'Juana' pa?  “And so..?" Ni hindi man lang siya naapektuhan sa nakikita nyang reaksyon mula sa akin. Akala mo kung sinong malaki para makipagtagisan ng taray sa akin! Eh kung tutuusin mas malaki naman talaga ako sa kanya! Nilapitan ko siya at tinitigan! At sa sobrang lapit ko, sinigurado kong halos magdikit na ang mga mukha namin. "Pwede bang palitan mo ang pangalan niyang aso mo!?" Mataray kong utos at dinuro pa ang chuachua.  "Bakit? Sino ka para utusan ako!?" At talagang nakikipagtarayan din sa akin ang batang ito ah! Nakikipagtagisan pa siya ng titig sa akin! Baka hindi niya alam, napakaraming bata na kasing edad ko ang napaiyak ko na. Iyong iba nga mas matanda pa kesa sa akin! Iba kaya ako pag nagmaldita!  "Well, para sabihin ko sa iyo batang bulinggit, Juana ang pangalan ko! At ayoko sa lahat na magkaroon ako ng kaparehas na pangalan, lalong lalo na kung sa asong yan!" Dinuro duro ko pa ulit ang walang muwang na asong hawak hawak niya na agad namang niyang iniiwas sa akin at inilayo. "Huwag mo ngang mahawak-hawakan si Juana ko! Baka dirty iyang hands mo at baka magkasakit pa siya!" Hindi ko na talaga napigilan ang inis ko! Marahan ko siyang tinulak sa balikat na siyang dahilan ng pag atras niya! "Niloloko mo ba ako ha?!" Nagulat na lang ako nang bigla siyang umiyak at tinawag ang mama niya. "Mama! Mamaaaa..." Nanlaki ang mga mata ko sa gulat kaya naman mabilis kong tinakpan ang bibig niya! Malay ko bang iiyak siya ng ganon ganon na lang at magsisisigaw.  "Sssssshhhh! Huwag ka ngang maingay! Tigilan mo iyang pag iyak mo!" Tila wala naman siyang narinig at lalo lang nilakasan ang tawag niya sa Mama niya! Nagpanic naman ako kaya hinila ko siya sa may park na may ilang hakbang pa mula sa kinatatayuan namin habang nakatakip pa rin ang kamay ko sa bibig niya. Pihadong papagalitan na naman ako ni Manang Fely kapag nalaman niyang nang aaway na naman ako ng kapwa ko bata. At dahil mas malaki ako sa kanya at mas malakas madali ko naman siyang nahila kahit pa nga nagkukumawala siya!  "Bad ka! Bad ka! Bad ka!" Patuloy pa rin siya sa pag iyak. Nagtagumpay naman akong madala siya sa park, at mukhang sinuwerte pa ako dahil eksaktong walang tao. "Tumahimik ka nga!" Naggalit-galitan ako para lalo siyang matakot! Mukha namang effective ang ginawa ko dahil agad naman siyang tumahan. Bigla naman akong nakonsensya kaya binago ko ang ekspresyon ng mukha ko. Ang cute nya. Parang nakakagigil! Tila naman may sariling isip ang mga kamay ko at kusang umangat ang mga ito patungo sa pisngi niya. Pinisil ko ng mariin ang mamula mula niyang pisngi. Natauhan lang ako at tinigilan ang pisngi niya nang makita kong mangiyak ngiyak na naman siya! Mabilis kong dinukot sa bulsa ng shorts ko ang chocolate na nakuha ko sa ref namin kanina. Agad kong iniabot sa kanya ang chocolate bago pa man siya umiyak ulit. "Oh Heto. Sa'yo na lang to!" Nakatingin lang siya sa akin at nag aatubili kung kukunin ba niya o hindi ang inaabot ko. "Sige na kunin mo na! Masarap yan! Padala pa yan sa akin ng Mama ko!"  Mukha namang nanaig ang pagkatakam niya sa chocolate kaya hinablot niya ito sa akin at mabilis na binuksan at kinagatan! Napangiti naman ako dahil parang nakalimutan na niya ang mga nangyari nang matikman niya ang lasa. Nagulat pa ako ng isubo niya sa akin ang piniraso niyang chocolate. Wala naman akong nagawa kung hindi ibuka ang bibig ko at tanggapin ang iniaalok niya dahil nakalapat na rin ito sa mga labi ko. Ngumiti siya nang makitang nginunguya ko na ang isinubo niyang chocolate sa akin. At sa pag ngiti niya, lumabas ang ngipin niya na nababalutan ng kulay brown na tsokolate. Tumawa ako ng malakas at itinuro ang ngipin niya!  "Ano ba yan nakakadiri naman iyang ngipin mo!" Dahil napahiya mabilis niyang tinakpan ng kanyang kamay ang kanyang bibig. Pero bigla rin siyang tumawa na siyang ipinagtaka ko.  "Bakit?" Nakakunot noong tanong ko sa kanya. "Akala mo ako lang. Ikaw rin naman eh! Ang dami mong dumi sa ngipin, yuck!"  Sabay pa kaming nag 'eeeeee' na siyang nagpakita ng mga ngipin namin. Sabay rin naming tinawanan ang isat isa! Mga ilang sandali pa kaming nagtatawanan ng itaas niya ang kamay niya para makipag shake hands. "Ako si Daniela Ramirez, pero Dani ang palagi nilang tinatawag sa akin." Inabot ko ang palad niya at mahigpit na nakipagkamay. "Maria Juana Almarez, Juana for short." Impit siyang tumawa. At ginantihan nya ng higpit ang pakikipagkamay ko sa kanya. "Kaya pala. Kapangalan mo pala si Juana ko!" Sabay nguso niya sa chihuahua na ngayon ay patakbo takbo na sa park. Hindi ko na namalayan kung kailan niya binitawan ang kanyang alaga. Nalukot ang mukha ko ng maalala kong iyon pala ang dahilan kaya hinila ko siya sa park. Gusto kong palitan niya ang pangalan ng aso niya!  "Yuan." Nagtatanong ang mga mata ko ng muli siyang magsalita. "Mas bagay sa'yo ang Yuan. Ang baho kasi kapag Juana, parang aso ko lang." Imbes na magalit sa tinuran niya, napangiti na lang ako ng matamis at tumango tango. Hmm, Yuan. Tama mas maganda ngang pakinggan. Sabi ko sa sarili ko.  Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin at haplos haplusin ako sa likod. "Salamat, Yuan." Nang bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin, nagtatakbo siya sa alaga niyang aso at binuhat ito. Lumingon pa siya sa akin bago nagwave. "Bye, Yuan!" Parang hindi man lang niya naalala na inaway ko siya kanina base sa tamis ng pagkakangiti niya sa akin. Nag wave na rin ako sa kanya at sinuklian ang tamis ng kanyang ngiti.  Doon na nga po nag simula ang kalbaryo ng buhay ko sa piling ng batang nagbansag sa akin ng 'Yuan'. And when I say 'kalbaryo' hindi iyon gaya ng iniisip niyo. It only means na simula noon nagkakulay na ang buhay ko. At si Dani na ang naging kasama ko sa lahat ng bagay. Until now obviously. Mula noon kasi hindi na kami mapag hiwalay. Lalo na noong nag transfer ako sa school na pinapasukan nya. Kahit hindi kami magkaklase dahil magkaiba ang mga nagiging section namin at the end of each day palaging kami ang magkasama. Hanggang sa heto nga umabot na kami ng college, though magkaiba kami ng gusto naming tahaking career hindi naman naputol or nahadlangan ang bond na meron kami. Mas tumibay pa nga sa pag tagal ng panahon. Something that I'll be forever be grateful about. At sino nga bang mag aakala na ang bulinggit na batang iyon ay magiging bulinggit pa rin hanggang ngayon! Haha! Pero kahit maliit iyang si Dani, lutang na lutang naman ang mala anghel niyang ganda na hindi masyadong pansinin kasi nag eexist ako! Simple lang ang ganda ni Dani, iyong gandang hindi mo pagsasawaan. Tipong palaging gusto mong titigan. Pero lamang pa rin ako sa kanya kasi matangkad ako at maliit siya! Oh yeah! But what really stands out about her, is having a good heart. I'm not saying na matigas ang puso ko or something, but when it comes to Dani lahat sa kanya okay lang. Lahat walang problema. Hanggang naaabot ng pang unawa at pasensya nya magiging maayos ang lahat. Iyon siguro ang nagbalanse sa samahan naming dalawa. Ako na malimit mag taray at makipag away (pero not to the point na dahil sa mababaw na dahilan), siya naman, hanggang madadaan sa usapan gagawan nya ng paraan. Siya na binibigyan ng reasons ang mga bagay na sa palagay ko ay hindi makatarungan. Lagi lang nyang sasabihin na, 'Yuan, we don't really know what's the other side of the story. Let's not just judge'. At kapag ganon na ang sinabi niya, wala na tahimik na lang ako at hihinga ng malalim. Ewan ko kung saan siya kumukuha ng ganong attitude. And in addition to that when it comes to the brain matters... I'm telling you, hands up ako diyan! Kasi si Daniela Ramirez, small but terrible! Beauty with brain! But I'm not saying I have no brain, hello! Meron naman no! Lamang nga lang si Dani ng mga sampung porsyento... O sige na, bente porsyento! Hay naku, sige na nga oo na! Trenta porsyento! Iyon na talaga ang totoo. Lamang sa akin si Dani ng trenta porsyento basta utak lang ang labanan ha! The rest ako na ang winner!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD