A Date!

2063 Words
It's Saturday! Anong meron kapag Saturday? Wala naman! Haha! Pero ngayon ay naghahanda na ako, dahil may date kami ni Yuan. Ay hindi pala, may date pala si Yuan, kasama nung Miko na bago niyang prospect. At bakit ako naghahanda? Kasi kailangan may chaperon. At kapag sinabing chaperon, it means, I'm in! Muli kong sinipat ang mukha ko sa salamin. Nang makuntento na ako at manawa sa kagandahan ko, lumabas na ako ng kwarto at nag derecho na sa kusina kung saan nagluluto si Mama. "Ma, pahiram ng susi ng kotse? May gasolina ba 'yon?" Dalawa na lang kami sa buhay ni Mama. Tatlong taon palang ako ng mamatay ang Papa ko sa giyera. Mula noon hindi na siya nag asawa pa ulit. Buong buhay niya, mag isa lang niya akong inaruga. Bukod sa pagiging ina, isa rin siyang guro. Nagtuturo siya sa isang public school sa kabilang bayan. Ang bahay na tinitirhan namin ngayon ay mula pa sa pinaghirapan nila ni Papa. Pati na ang kotse na ginagamit namin ay nabili rin ni Mama sa tulong ng buwanang pension ni Papa. "Oo. Kunin mo na lang dun sa may cabinet. 'Wag mong kalimutan ang lisensya mo. Saka' 'wag kayong masyadong magpapagabi ni Yuan ha?" Malumanay lang ang pagsasalita ni Mama. Niyakap ko siya mula sa kanyang likuran. "Ma talaga! Kung ituring ako parang bata. Malaki na po ako 'Ma, you don't have to remind me, ok?" Humarap siya sa akin at piningot ako sa ilong. "Nagpapaalala lang. Ikaw pa naman, ang liit liit mo pero ang bilis bilis mong magmaneho. Ewan ko ba kung saan ka nakuha ng lakas ng loob!"  "Aba at nagsalita ang matangkad? Saka syempre namana ko lang naman kay Papa ang lakas ng loob na sinasabi mo." Natatawa kong sabi na ikinatawa rin niya. Sa dami ba naman ng pwede kong mamana kay Mama, bakit height pa? Parehas kasi kaming maliit. Sabagay okay na rin yun, kasi kung kay Papa naman ako nagmana ng tangkad baka mapasobra naman. Anyway, atleast, nakuha ko rin yung dimples ni Mama. Hindi na masama yun! "Naku Daniela, hanggang kailan mo ba isusumbat sa akin iyang height na yan!" Nakaingos si Mama. Kung makaingos akala mo bata. Napailing iling na lang ako at muli siyang niyakap. "Mama naman. Naglalambing lang eh." "Alam ko." Tatawa tawa pa ito bago niya ako tinalikuran at muling binalikan ang pagluluto. "Kahit hindi kayo dito magdidinner ni Yuan ipagtitira ko pa rin kayo ng pagkain okay?" "Okay!" Nag thumbs up pa ako sa kanya saka ako bumalik sa sala para kunin ang susi. Eksakto namang nadatnan kong nanonood ng TV si Andrew. Ay oo nga pala! Hindi nga pala kami dalawa ni Mama sa buhay. Nakalimutan ko! May sampid nga pala kami dito. Actually hindi naman siya sampid kasi mag pinsang buo kami. Si Andrew, anak ng kapatid ni Mama. 15 years old na siya. Si Mama na ang nag aruga sa kanya simula noong mamatay ang magulang niya sa isang aksidente na nangyari sa Dubai. Dahil nag iisang kapatid lang ni Mama ang tatay ni Andrew, at nag iisang anak lang naman ang nanay niya, kinupkop na lang siya ni Mama. "Ate, saan ka pupunta?" Tinabihan ko siya sa sofa at inihilig ko ang ulo ko sa balikat niya. Itinuring ko na ring parang isang tunay na kapatid si Andrew. Kahit minsan nagbabangayan kami sa maliliit na bagay, hindi naman ito naging hadlang para maging malapit kami sa isa't isa. Mabait naman siya, mana sa akin! Masunurin, malambing at matalino rin. Ganyan talaga siguro ang mga lahi namin. Hehe.. "Nagpapasama lang sa akin si Yuan. Pasyal lang." Matipid kong sagot. "Anong oras kayo uuwi? Bilhan mo ako ng shawarma ha?" Tumayo ako at humarap sa kanya. Ibinuka ko ang palad ko sa harap niya. "Amina ang pera mo?" Natawa naman ako ng ngumuso siya. Kumamot pa siya sa ulo niya na animo bata. "Ate naman, kulang na nga ang allowance ko eh." Nakaingos niyang sabi. "Magkano lang naman 'yung shawarma! Kayang kaya na'yon ng budget mo!" Humalukipkip ako at tinaasan siya ng kilay. "Ah ganon? Kulang pala ang allowance mo ha? Sige sasabihin ko kay Mama. Sandali nga." Aktong babalik na ako ng kusina nang mabilis niya akong pigilan. "Ate naman! Hindi naman ako nagrereklamo!" Napahagalpak ako ng tawa. Infairness ha! Binata na talaga itong si Andrew, marunong ng mahiya eh! One thing I like about him is the fact na hindi siya marunong umabuso. Sa kabila ng kabaitan ni Mama, pinipilit nyang suklian ang lahat at hindi siya nagpapabigat. Kahit sa pagtulong sa mga gawain bahay ginagawa nya. I guess he is quiet matured at his age. Pinisil ko siya sa magkabila niyang pisngi! "Nagjojoke lang ako! Don't worry, I'll buy you shawarma. Basta pakiss muna ako." Agad akong ngumuso sa kanya at aktong hahalikan siya. Mabilis siyang nakaiwas. "Ate Dani naman eh! Para namang tange ito! Hindi na ako bata!" Lumayo pa siya sa akin na tila naaalibadbaran. Lalo ko pa siyang inasar! "Ma, oh, narinig mo ba yung sabi ni Andrew! Binata na raw siya." Nilakasan ko pa ang boses ko para marinig ni Mama. Agad siyang tumakbo palapit sa akin at tinakpan ang bibig ko. "Ate naman eh!" Kita ko sa mukha niya na napipikon na siya. Narinig ko pa ang sigaw ni Mama. "Daniela, ano na naman ba yan?!" Saway ni Mama na mukhang naririnig ang pang aasar ko kay Andrew. Ayaw pa ring tanggalin ni Andrew ang kamay niyang nasa bibig ko pa rin. Sa ganoong eksena kami nadatnan ni Yuan. "Hey! Anong nangyayari dito?" Boses ni Yuan na tila nagtataka. Pinagsalitan nya ang tingin nya sa akin at kay Andrew. Nagkatinginan kami ni Andrew at sabay na naglubay sa isat isa. Ngumiti ako ng matamis kay Andrew at kunwari ay nag ubu-ubuhan. "Eherm! May isang bata na kinikilig!" Palagi kong binibiro si Andrew kay Yuan. Alam ko kasing crush na crush niya si Yuan. Kita ko ang pamumula ng mukha ni Andrew na lalong nagpalapad ng ngisi ko. Eh di na tameme siya ngayon. Sakto namang lumabas ng kusina si Mama. "Daniela, ano nanaman ba yan ha? Si Andrew na naman ang nakita mo!" Paglingon ko kay Andrew, pa simple pa siyang dumila sa akin. Ginantihan ko rin siya! Akala niya ha! Napansin ko naman na lumapit si Yuan kay Mama at humalik sa pisngi nito. "Tita, hiramin ko muna si Dani ha?" Pagpapaalam nito. Tumango lang si Mama. "Basta wag magpapagabi ok?" "Yap! No problem Tita!" Tumingin pa siya sa akin at kinindatan ako. Noon ko lang siya napagmasdang mabuti. Nakalugay ang mahaba niyang buhok na nilagyan lang niya ng clip sa may gilid malapit sa tenga. Medyo pink ang pisngi niya dahil sa blush on na ipinahid niya. Binagayan naman ito ng brown eye shadow at light pink na lipstick. Malimit naman na ganito ang ayos niya, pero bakit parang mas gumanda siya ngayon? Pinasadahan ko ang suot niyang dress na lumampas lamang ng may dalawang pulgada sa kanyang mga tuhod. Sleeveless ito na kulay puti at may stripes na itim mula sa bewang pababa. Meron pa itong ribbon na kulay puti rin sa may gilid ng bewang. Nakasuot naman siya ng flat sandals na nagpatingkad sa kanyang kasimplehan. "What do you think?" Napansin pala niyang pinagmamasdan ko siya. Bakas sa mukha niya ang pagnanais na makuha ang approval ko. Nagkibit balikat lang ako at nagpatiuna ng naglakad. Dinaanan ko muna ang cabinet na pinag lalagyan ng susi ng kotse saka tuluyang lumabas ng bahay. "Ma alis na po kami." Humalik muna ako sa pisngi ni Mama at nag derecho na papuntang sasakyan. "Andrew ikaw na bahala kay Mama ha?" Saglit ko lang tiningnan si Andrew na tumango lang at bumalik na sa pagkakaupo sa sofa at muling nanood. Pasimple kong sinulyapan ang mukha ni Yuan na ngayon ay nakabusangot na dahil sa nakuha niyang reaksyon mula sa akin. Pinigilan ko ang hindi matawa. Para siyang bata. Mas lalo ko tuloy siyang gustong asarin. "Daniiii!" Naramdaman ko ang pag sunod niya sa akin at tila pigil na pigil niya ang boses niya, dahil for sure, nahihiya siya kay Mama. Maang maangan ko siyang nilingon. "What?!" Binuksan ko ang driver seat ng kotse na inilabas ko na ng garahe kaninang umaga. Nagpapadyak naman si Yuan na animo bata. "Daniiiiii naman eh!" Muli ko siyang nilingon and by this time hindi ko na napigilan ang pag tawa. Na lalo naman niyang ikinainis. "Nakakainis ka naman eh! Pangit ba?" Kitang kita ko sa mukha niya na parang nawawalan na siya ng self confidence. Is she serious?! Hindi ba siya nanalamin? Siya pangit?! Jusku kung siya ang naging pangit eh wala ng maganda sa mundo! I guess sa paningin ko. Haha. Lumapit ako sa kanya. Sumeryoso ako at hinawakan siya sa baba. Inilapit ko pa lalo ang mukha ko at sinipat sipat siya. Pasimple kong inayos ang buhok niya saka ako bumulong. "Don't worry Yuan, you look perfect!" Kinindatan ko siya at nginitian ng matamis. Pumasok ako sa loob ng kotse pagkasabi ko noon. She really looks good. Napakaswerte ng Miko na yon kapag nakuha niya ang matamis na 'Oo' ni Yuan. Napakunot noo ako nang ilang sandali na ang lumipas at mapansin kong tila naestatwa na sa kinatatayuan niya si Yuan. Anong nangyari?! "Hoy! Ano? Hindi na ba tayo tuloy?!" Tila nagulat pa siya sa tanong ko. "Anong hinihintay mo dyan? Buwan? Aba Yuan, sabihin mo lang kung tutuloy pa ba tayo?!" "Aaahh. Sa-sandali.." Sinundan ko siya ng tingin habang umikot ito sa may unahan ng kotse at sumakay na sa tabi ko. "Anong nangyari sa'yo?" Takang tanong ko bago ko imumpisahang paandarin ang sasakyan. "Don't tell me you're nervous? Or you're excited?" "Wala naman. Ninenerbyos lang siguro ako." Hindi ko napigilang mamilog ang mga mata sa tinuran niya. Si Maria Juana Almarez? Ninenerbyos? Aba bago ito ah.. This Miko must be really something! Hmm! *** Wait a minute! Anong sabi ko kay Dani? Ninenerbyos ako? No, no, no, no! Bakit naman ako nenerbyosin? Pero teka, bakit nga ba parang may kakaiba sa akin kanina nang bigla akong binulungan ni Dani? Sinabi niya lang naman na I look perfect ah. So what's the matter? Saka it's not the first time na pinuri niya ako. Hello! Or maybe kinilabutan ka sa mainit niyang hininga. Bulong ng isang bahagi ng utak ko o baka kasi dahil may kasama pang kindat at matamis na ngiti iyong pagkakasabi niya? There's something wrong here! Agad kong pinalis sa isipan ko ang isiping iyon. Huminga ako ng malalim at kinalma ang aking sarili. Miko is great! For sure! Pa simple kong pinagmasdan si Dani na tahimik na nagmamaneho. Nakalugay lang iyong maikli niyang buhok. Palibhasa natural na maganda ang bagsak nyang buhok kaya hindi na kailangan ng blower o pang straight. Hindi katulad ng sa akin. Kailangan ko pang alagaan sa rebond every year. Iyong maliit niyang mukha ay naayusan lamang ng eye liner na itim na nag eemphasize ng dark brown niyang mata. Hindi siya naglalagay ng blush on or press powder sa mukha niya dahil allergy siya sa mga yon. Pero dahil maputi siya, natural na namumula mula iyong pisngi niya lalo na kapag nasisikatan ng araw. At dahil nga hindi siya makapaglagay ng kolorete sa pisngi niya, bumabawi na lang siya sa lipstick. She wears red lisptick na kayang kaya naman niyang dalhin. Kapag ako kasi ang nagrered lipstick naaalibadbaran ako. Bumaba ang tingin ko sa suot niya. Naka maong shorts siya na maikli na hindi naman tipong kabastos bastos. Naka white blouse siya na may bulsa sa may kaliwang dibdib. Binagayan ang damit niya ng rubber shoes niyang vans na kulay puti rin na may touch of black. The typical type of Dani. Hindi rin siya mahilig sa accessories. Masaya na siya sa isang pares ng bilog na hikaw at relo. "Oh bakit ang tahimik mo?" Nagulat pa ako sa tanong na iyon ni Dani. Nginitian ko lang siya. "Excited lang!" "Sus! Just make sure this date will turn out to be great!" Banta nito. Namilog ang mga mata ko sa tinuran niya! "Dani! The fact na kasama ako, syempre this date will be unforgettable!" Tumawa lang siya sa sinabi ko at ipinagpatuloy na lang ang pagmamaneho. Definitely this date will  be unforgettable. Kasi kasama ko siya. Si Daniela.  Ginantihan ko siya ng ngiti nang sa paglingon ko nakangiti siya. This is it! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD