Eleven quarter nang makarating kami sa restaurant na tagpuan namin. It means, fifteen minutes na kaming late. Nabasa ko pa ang text ni Miko na andun na raw sila. Nang maipark nang maayos ni Dani ang kotse, ay mabilis ko na siyang hinila sa loob.
"Yuan, sandali naman!" Inayos pa nito ang medyo nagulo nyang buhok.
"Bilisan na natin, Dani! Nakakahiya naman kina Miko, fifteen minutes na tayong late eh.." Dere-derecho na kami sa loob habang hawak hawak ko siya sa kamay. Wala naman siyang nagawa kung hindi ang magpahila.
"Teka teka teka..." Huminto siya sa saglit at pinigilan ako. Nagtataka ko siyang tiningnan. "Sabi mo kina Miko? What do you mean kina? May kasama siya?"
Oh shocks! Hindi ko pala nasabi kay Dani. Double date nga pala ito! Nagdesisyon kasi si Miko na isasama raw niya ang pinsan niya. The more the merrier daw!
"Ahm, Dani, kasi ano----"
"Yuan! Over here!" Naputol ang sasabihin ko ng marinig ko ang baritonong boses ni Miko. Nilingon ko siya at nakita ko sa tabi niya ang isa pang lalaki na halos kasing tangkad din niya. Infairness may hitsura din ang lalaki. Muli kong binalingan si Dani na ngayon ay nakahalukipkip na at nakataas na ang kilay. Agad ko siyang pinigilan ng akma siyang tatalikod at magwowalk out.
"Dani, please.." I did my best 'nakakaawang hitsura' para hindi niya ako iwan. Sa lahat kasi ng ayaw ni Dani eh iyong minamatch make siya sa iba. Sabi niya, hindi naman daw siya man hater! Gusto lang daw niyang ipahinga ang puso niyang nadurog simula noong iwan siya ng naging two year boyfriend niya. "Sorry, nawala sa isip ko na sabihin sa'yo. Kasi naman ba--"
"Nakalimutan mong sabihin o talagang wala kang balak sabihin?" Hindi pa rin niya inaalis ang paghalukipkip niya. Base sa boses niya, nagtitimpi lang siya ng inis.
"Dani naman, seriously, sasabihin ko talaga sa'yo. Nakalimutan ko lang talaga." Hinawakan ko siya sa braso at nilapitan. "I swear, this will be the first and last na mangyayari ito. Please.. Ituloy na natin itong date na ito?"
Mukha namang napahinuhod ko siya dahil nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Narinig ko pa ang malalim na pagbuntong hininga niya.
"Hay naku, Yuan! Siguraduhin mo lang talaga na magiging maganda ang resulta ng date na ito! Dahil kung hindi, lagot ka talaga sa akin!"
Kiniss ko siya sa pisngi dahil sa sobrang saya. "Oh, thank you so much, Dani! I love you na talaga! Let's go!"
Hindi ko na siya hinintay pa na mag react. Hinila ko na agad siya papunta sa pwesto nina Miko.
***
"Hey, Dani are you okay?"
Nabalik ako sa reyalidad nang marinig ko ang boses na yon ni Byron. Siya ang kasama ni Miko. Sabi nito magpinsan daw sila. Nakita ko ring nakatingin sa akin si Miko at Yuan na magkatabi sa harap ng inuupuan namin ni Byron. Wala naman akong nagawa ng malaman kong double date pala ito! Hindi ko mapigilang mainis kay Yuan dahil hindi man lang niya ako nasabihan. Pasalamat na nga lang siya at medyo nasa mood ako ngayon. Pero hindi ko talaga papalampasin ito. May kasalanan siya sakin at sisingilin ko talaga siya!
"Y-yeah! Of course I'm fine. Pwede bang mag cr lang ako saglit ha? Excuse me." Tumayo ako at hindi ko na hinintay pa ang sasabihin nila. Aktong tatayo rin si Yuan pero agad ko siyang pinigilan. "No it's okay, Yuan. Huwag mo na akong samahan. I'll be fine."
Tila nag aatubili pa si Yuan kung susundin ba niya ako o hindi. "A-are you sure?"
Ngumiti ako at tumango. Nag lakad na ako papuntang banyo at hindi na ito hinintay pang magsalita. Nang makarating ako sa loob saka ko lang inilabas ang kanina ko pang pinipigilang paghinga. Naman kasi, okay naman is Miko eh. Matangkad siya, katamtamang laki ng katawan, maganda ang ngipin, as in gwapo. Kaso, parang bading siya! As in! Parang bading talaga! At isa pa iyong pinsan daw niya na si Byron! Perfect na eh! Anak ng tinapa naman! Nang magsimulang magsalita, akala ko napunta kami sa smokey mountain! Wagas ang hininga! Parang hindi uso ang mouth wash! Tiningnan ko ang hitsura ko sa salamin at pinaypayan ko ang mukha ko gamit ang dalawa kong kamay! Natawa ako bigla! Naiimagine ko si Yuan! Haha, pihadong napansin na rin niya ang mga bagay na napansin ko sa dalawang lalaki na yon. And for sure, suffocated na siya sa hininga ni Byron! Hahahah! Iyon ang sweet revenge ng tadhanda para sa akin dahil sa hindi niya pagsasabi na double date pala ito! Mabilis kong kinuha ang cellphone ko sa pouch bag ko ng may maisip akong idea!
'Hey, Yuan, still alive & kicki? :D'
Napangiti pa ako ng mag sent na ang message ko. Kapag ganito kasing mga pagkakataon, nakavibrate lang ang mga cellphone namin para makapag text kami sa isat isa ng pa simple. Iyong tipong kahit hindi na namin pag usapan alam na ng isa't isa sa amin. Ganyan katindi ang closeness namin ni Yuan.
'Shet, Dani! Bkt mo aq iniwan d2 :('
Natawa ako nang mabasa ko ang reply nya.
'Well, ikw ang ngplit na i2loi i2ng d8 na 2! So wat now? :D'
Hindi na maalis ang pagkakangiti ko ng maisend ko ulit ang message. Ilang sandali lang ang lumipas nang muli na namang nag vibrate ang cellphone ko.
'let's do da drama, NOW! Get out of dt wshrum & I cnt take ds anymor! Am gonna die of suffocation! T_T'
Hindi ko na napigilan ang paghagalpak ko ng tawa ng mabasa ang reply ni Yuan. Napatingin tuloy ang ilang babae na gumagamit din ng banyo. Tinalikuran ko lang sila at mabilis na nag type sa cellphone ko.
'ok! Let da show begin! :D'
Pagka sent ko ng message, mabilis ko lang tiningnan muli ang repleksyon ko sa salamin at mabilis na lumabas. Inihanda ko ang sarili ko sa dramang magaganap. Nang malapit na ako sa mesa namin, hinawakan ko ang tiyan ko. Nakita kong nakaabang na sa akin si Yuan. Kinindatan ko siya. Mabilis naman niyang naintindihan ang ibig kong sabihin.
Nang ilang hakbang na lang ako sa mesa namin ay tumayo na si Yuan at sinalubong ako sa nag aalang hitsura.
"Dani, are you okay?" Puno ng pag alala ang boses niya. Inalalayan pa niya ako kunwari.
"Yu-an, ang sa-kit ng tyan ko.." Napansin ko agad ang dalawang lalaki na nag aalala dahil sabay pa silang tumayo.
Napatutop sa kanyang bibig si Yuan. "Oh my God, Dani! Bakit kasi kumain ka ng shrimp? Bawal nga pala sa'yo yon!" Akala mo totoo!
"What's wrong? Gusto mo ba dalhin ka namin sa ospital, Dani?" Lumapit pa si Byron at akmang aalalayan ako. Parang gusto ko na talagang magpadala sa ospital ng maamoy ko ang hininga niya! Hindi ko na talaga matiis ang hininga niya! Napansin ko namang palapit din ang malamyang si Miko na nasa mukha rin ang pag aalala. I wonder kung paanong naging basketball player ang lalaking ito! Eh parang mas malakas pa ako sa kanya! Nagpapanic akong tumingin kay Yuan. Napapangiwi na ako dahil sa sobrang lapit sa akin ni Byron. Parang any moment babagsak na ako sa hilo!
'Ramdam kita!' Tila yun iyong nais iparating na mensahe ni Yuan. Aalalayan na sana ako ni Byron nang pigilan siya ni Yuan. "No, no, it's ok Byron! Iuuwe ko na lang itong si Dani. May gamot naman sila sa bahay nila." Binalingan niya si Miko. "Miko I'm sorry. Next time na lang ulit tayo lumabas. Kailangan ko ng maiuwe agad itong si Dani, para makainom na siya ng gamot!
"Si-sige. No problem. But are you sure Dani will be alright? Gusto mo ba ihatid na namin kayo ni Byron?"
"No!" Napatingin silang lahat sa akin dahil sa mariin kong pag tanggi. My goodness! Hindi ko na ata maaatim pang makasama ng matagal si Byron. Pag nagkataon baka maging totoo ang pag sakit ng tyan ko! Okay naman siya. I think he's nice and I know I'm being harsh. But I'm trying to be honest. Iba talaga ang amoy ng hininga nya. "I-i mean, Yuan can drive me home. May dala naman kaming kotse. Pa-pasensya na at naging disaster itong lakad natin dahil sa akin." Binigyang diin ko talaga ang salitang 'disaster'!
"No worries, Dani. Mas mahalaga eh yung maging okay ka. We can go again some other time." s**t lang talaga! Hindi ko na matake ito! Bakit kailangan pang ilapit ni Byron ang mukha niya! Ano bang kasalanan ko at pinaparusahan ako ng ganito! Hinawakan ko na sa braso si Yuan at nagpasaklolo! Inalalayan ako ni Yuan at nagpaalam na sa dalawang lalaki. "Sige ha? Mauna na kami, bye!"
Nagmamadali na kaming lumabas ng restaurant at nagderecho na sa parking lot! Nang makarating kami sa kotse agad kong binigay kay Yuan ang susi para siya na ang magmaneho. Nakita ko kasing nakatanaw pa rin sa amin ang magpinsang Miko at Byron. Hindi ko na napigilan ang paghagalpak ko ng tawa nang mabilis ng paandarin ni Yuan ang kotse. Hawak hawak ko pa ang tiyan ko. Parang punong puno ng hangin!
"Oh my God, Dani! Bakit kasi kumain ka ng shrimp. Di ba bawal sa'yo yon." Tawa ako ng tawa ng ulitin ko ang sinabi ni Yuan kanina pati na ang tono ng pagsasalita nya. Napatingin naman siya sa akin at tila hindi na rin napigilan ang pagtawa.
"Goodness, Dani! I can't believe na nagawa natin ulit ito!" Namimilog pa ang mga mata ni Yuan habang tutok pa rin siya sa pagmamaneho at tumatawa. Iyong eksena sa restaurant ang tinutukoy niya. The last time kasi na ginawa namin iyong 'drama' na yon eh noong naturn off ako sa prom date ko noong high school.
"Infairness, Yuan! Ang galing natin ha! Wala tayong practice niyan!" Itinaas ko pa ang kanang kamay ko para makipag high five sa kanya na hindi naman niya tinanggihan. Sabay ulit kaming tumawa.
"So, what now?" Maya maya ay sabi ni Yuan.
Tiningnan ko lang siya at nagkibit balikat. Tumingin ito sa relo niya.
"2:30 palang Dani! Gusto mo na bang umuwi?"
Napatingin din ako sa relo ko. "Where do you want to go? Dapat itreat mo ako ngayon, Yuan. Dahil disaster ang nangyari! My God! Gusto ko na sanang magsuggest kay Byron na huwag na lang i-gargle ang mouth wash. Much better siguro kung iinumin na lang niya yon!"
Muling napatawa si Yuan sa tinuran ko. "Alright! I'm sorry. My bad! Don't worry, may natira pa akong allowance! I'll make this day different and unforgettable for both of us, ok?"
Napailing-iling na lang ako ng kumindat pa sa akin si Yuan. Kakaiba itong babaeng ito! Wagas kung kiligin noong nagkukwento tungkol kay Miko, tapos ngayon parang walang nangyari ah. "Hmmm, hindi ka man lang ba naapektuhan sa date na ito? I mean, I thought you really like Miko? Bakit parang wala lang sa'yo?"
Nagkibit balikat lang ito. "Well, what can I do. Wala iyong sparks na hinahanap ko eh."
"Oh God! Here we go again with the 'sparks' matter. Please lang,Yuan! Hindi totoo yang mga bagay na yan! Ngayon palang I'm telling you, kapag ipinagpatuloy mo ang paghahanap sa 'sparks' na yan, tatanda kang dalaga!" I rolled my eyes.
Hindi na nagsalita si Yuan at nagkibit balikat na lamang. Itinuon na lang niya ang kanyang atensyon sa pagmamaneho.
Pero wala nga bang sparks? Bulong ko sa sarili ko. Bakit kanina noong bigla akong kiniss ni Yuan sa pisngi, parang may naramdaman akong milyong milyong boltahe na gumapang sa buo kong katawan? Dati na naman niyang ginagawa yon ah? Bakit ngayon ko lang naramdaman yon? Baka dahil iba siya ngayon. Parang ang ganda ganda niya ngayong araw. Simple ko ulit siyang tiningnan. Shet! Ngumiti pa! Binaling ko ang tingin ko sa labas. What am I thinking? Imagination ko lang lahat ng ito! Hindi tama ito! Pinalis ko ang lahat ng isipin sa utak ko!
***
Dinala ko sa isang mall si Dani. Napagdesisyonan namin na magpunta ng game zone. Ang tagal na rin mula ng huli kaming nakapunta rito.
"Dani, let's go!" Hinawakan ko siya sa kamay at hinila sa loob. Kahit kailan talaga, ang bagal bagal ni Dani! Akala mo ang bigat-bigat ng katawan.
"Sandali naman!" Reklamo nito.
"Hay naku, bilis-bilisan mo naman Dani! Excited na ako eh!" Kung pwede ko lang siyang buhatin talagang binuhat ko na siya! Agad akong nagpapalit ng maraming tokens. Nagkatinginan pa kami ni Dani bago kami nagderecho sa loob. Mukhang excited din ang bruha, kasi siya na ang humawak sa kamay ko at humila sakin papasok.
"Game?" Sabay pa naming sabi nang maihulog namin ang token. Paramihan ng mashoot na bola! Tawa kami ng tawa habang nagpapashoot! Nang matapos ang oras ako lang naman ang nagwagi! Lamang ako ng dalawang puntos.
"Ano ba yan, Dani! Weak ka pala eh!" Kantyaw ko sa kanya. Binelatan ko pa siya para mainis. Natawa ako ng bumelat din siya.
"Pinagbigyan lang kita Yuan! Kasi alam ko depress ka! Pero dito, pasensyhan na lang tayo! Wala ng kaikaibigan!"
Barilan ang tinutukoy ni Dani. "Excuse me! Hindi ako depress! Let's see. Ikaw ang madedepress kapag natalo ulit kita rito!" Pagbabanta ko.
Parehas kaming nanggigigil ni Dani. Talagang wala sa aming magpatalo. Dahil nang matapos ang ilang minuto, tabla ang score namin. Muli kaming naghulog ng token. Kailangan ng rematch! At mukhang sinuwerte si Dani!
"Well.." Nakataas pa ang dalawang kamay nito. Marahan ko siyang binatukan!
"Asus! Akala mo naman to! Tsamba lang yon Dani! Wag kang assuming!"
"Haha! Hay Yuan! Masakit bang tanggapin ang pagka talo mo?!"
Napatawa ako sa kayabangan ni Dani! Inakbayan ko siya at inaya siya sa iba pang laro! "Mukha mo! Hindi pa tayo tapos!"
Halos lahat sa game zone ay nalaro namin ni Dani. Hindi na namin namalayan ang oras. At nakakatuwang isipin na halos salitan lang ang pagkapanalo namin. Wala talagang magpaisa.
"Yuan, halika na! Bili tayo ng ice cream!" Ayan na po! Nagutom na ang bata! Mukhang napagod sa paglalaro at ngayon ang gusto naman ay ice cream!
"Hoy, Dani! Sumosobra ka naman! Ang dami ko ng nagastos sa'yo ah!"
Natawa ako dahil agad siyang nakaingos sa akin. Haha! Haba haba ng nguso! Sarap halikan! Really Yuan?! Gusto mo talagang halikan? Kastigo ng isang bahagi ng utak ko!
"Sige, huwag na nga lang, Yuan! Nakakahiya naman sa'yo!"
Asus! At talagang nagpacute pa! Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Bigla ko siyang kiniss sa pisngi! Napansin kong pati siya ay mukhang nagulat din! Nagpatiuna na lang akong maglakad at nagpatay malisya. Nang may ilang hakbang na ako, muli ko siyang nilingon at napansin kong tulala siya at naka hawak sa pisngi na hinalikan ko! Ang cute talaga niya!
"Ano, Dani? Ganyan ka na lang parati? Halika na, matutunaw na yong ice cream!" Saka naman siya tila natauhan at sumunod sa akin.
Dala-dala ang icecream, nagpunta kami sa food court at doon tumambay habang nilalantakan namin ang aming binili. Paubos na ang icecream nang may maalala ako!
"Shocks, Dani!"
Napatigil siya at tiningnan ako ng nagtataka. "Bakit?"
"Picture!" Napasigaw ako kaya napatingin iyong ibang customer na nakaupo malapit sa table namin. Kasi naman, of all things na pwede kong makalimutan, bakit iyong pagpipicture pa! Ugali na namin ni Dani yong magpicture at iupload agad sa i********:! For keeps ba!
Tila si Dani naman ang napahiya sa tinuran ko. "Kailangan talagang isigaw ha,Yuan?"
Nag peace sign ako sa kanya at ngumiti! "Hehe, na carried away lang! Ang sarap kasi ng ice cream!"
"Asan na?" Tanong ni Dani makalipas ang ilang sandali.
"Ha?" Naka kunot noo ko siyang tiningnan.
"Picture!" Mukhang siya naman ang na carried away dahil napataas din ang boses niya na siyang nagpalingon din sa ibang customer. Nagkatinginan pa kami at sabay na nagtawanan! Mabilis kong kinuha ang cellphone sa bag na dala ko. Gamit ang front camera nag umpisa kaming pumwesto. Malapit na malapit kami sa isat isa para magkasya sa screen ang mukha namin.
"Cheese!" Sabay pa naming sabi!
Naka ilang shots din kami bago pumili kung alin ang iaupload. Napili namin yung medyo magkadikit ang mga pisngi namin. Pareho kasing natural lang ang ngiti namin. Saka makikita sa mga mata namin na masaya talaga kami! Nakangiti ako habang nagtatype ng caption.
'A disaster date turned out to be the best date ever! :)'
"Oh anong nginingiti-ngiti mo dyan?" Pukaw ni Dani.
Tiningnan ko siya at ngumiti. "Wala." Hinawakan ko ang kamay niya at hinila na siya. "Let's go! Baka hanapin na tayo ni tita!"