Mabilis na lumipas ang isang linggo. Saturday na ulit bukas. Medyo busy na kami sa school dahil matatapos na ulit ang isang sem. Pauwi na ako sa bahay nang makita kong palapit sa akin ang tumatakbong si Yuan. Napakunot noo ako dahil mukhang masayang masaya na naman siya ngayon.
"Daniiii!" Niyakap niya pa ako ng mahigpit. Akala mo naman hindi kami sabay kumain kaninang break.
"Anong drama mo?" Nagtataka kong tanong.
Tumingin siya sa akin at ngumiti. "Wala naman. Namiss lang kita."
I rolled my eyes. Yuan used to be like this. Ever since. Sa aming dalawa siya lagi ang very vocal when it comes to emotions. Malambing, mataas ang energy, palaging nakangiti, bihirang magalit. She can be very aggressive at times also. Bagay na ipinagkaiba namin. Ako iyong iniisip muna ang mga bagay-bagay bago magdesisyon.
"So saan tayo ngayon?" Pukaw niya sa iniisip ko.
"Saan pa, eh di uuwi na tayo sa kanya kanyang bahay! Saan mo ba gustong magpunta sa heaven?"
"Oh my God. Dani! Don't tell me nakarating ka na 'don? Dalhin mo nga ako don, gusto kong makarating din dun eh!" Hawak hawak pa niya ang laylayan ng uniform ko na parang bata.
Pakiramdam ko pulang pula ang pisngi ko sa tinuran na yon ni Yuan. Kitang kita ko pa sa mata niya ang panunudyo na may kasamang malisya. Binatukan ko nga!
"Oouch!"
Ang arte ha! Kakainis talaga itong babaeng ito. Palagi nalang akong nakocaught off guard sa mga banat niya. Sana naman minsan nagpepreno siya ano? O kaya nagbibigay siya ng signal para ready ako. Para hindi iyong ganito ako. Kung ano ano tuloy ang pumapasok sa isip ko. Mga imahe ko kasama si Yuan na... Napailing iling ako! Shet! Ano ba naman itong pumapasok sa isip ko! Tinalikuran ko siya at nauna nang maglakad. Baka mahalata pa niya kung ano ang nasa isip ko! Nakakahiya! Mabilis ko namang narinig ang yabag niya na sumusunod sa akin.
"Huy, Dani! Sandali naman. Nagbibiro lang naman ako. Masyado ka namang seryoso. Alam ko naman na wala pang nangyayari sa inyo ni Franco eh."
Nilingon ko siya at inismiran. "Bakit nasama siya sa usapan?" Nakataas ang kilay kong tanong. Come to think of it, ngayon ko lang ulit naalala na may ex pa pala akong nag eexist! O baka patay na! At kung hindi pa babanggitin ni Yuan baka tuluyan na siyang nawala sa sistema ko. Which is a good sign! After two years, bigla na lang siyang nawala na parang bula. Ni ha ni ho wala! Even formal break up or closure walang naganap! Noong pinuntahan namin sa bahay nila, walang makapagsabi kung saan sila lumipat ng tirahan! Ganon ganon na lang yon! Tila na misinterpret naman ni Yuan ang naging reaksyon ko. Muli siyang lumapit sa akin at niyakap ako.
"Sorry, Dani. Until now pala nagiging sensitive ka pa rin kapag si Franco ang pinag uusapan. Sorry talaga."
Anak ng tinapa na may kasamang kamatis at luya naman oh oh! Ano ba naman itong si Yuan, akala mo pang MMK ang mga tirada! Pasensya na ha, pero kailangan talaga palagi ko siyang binabatukan eh!
"Yuan naman! Please!" Nagpapadyak pa ako!
"Bakit na naman?" Tila hindi pa nagets ng babaeng ito kung anong ibig kong ipahiwatig. "At saka ikaw ha? Nawiwili ka na palagi akong binabatukan! Ipapapulis na talaga kita!"
Akma ko ulit siyang babatukan pero mabilis siyang nakalayo at nakaiwas. "Kung bakit kasi ayaw mong bawas bawasan iyang pag ka slow mo!" Dinuro duro ko pa siya. "Palagi na lang bang ako ang mag aadjust sa ating dalawa? Yuan nahihirapan na ako sa sitwasyon natin. Akala mo ba gus---"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang siya naman ang bumatok sa akin. Infairness ha, ang bigat ng kamay niya. "Isa ka rin eh! Kung maka slow ka wagas! Eh ikaw ano ka pa ha?"
"Maganda ako! Mas maganda sa'yo!" Mabilis kong banat!
"Kailan kaya kita makakausap ng matino ha, Dani?"
Ano raw?! Ako pa ngayon ha? Ako pa ang hindi makausap ng matino! Uumpisahan niya kapag tinapos ko magrereklamo. Sumeryoso ako.
"Okay!" Itinaas ko pa ang dalawa kong kamay sa pag suko. "Pasensya. Nahahawa kasi ako sa kadramahan mo eh. And correction, I never get sensitive when we talked about Franco. Seriously Yuan, hindi ko na nga siya naiisip this past few weeks. Kung hindi mo lang ipinaalala. Siguro dahil busy rin ako sa school. Saka, kung ano mang nangyari sa amin in the past, I leave it there already. Life goes on!"
Totoo naman eh. Marami na rin naman kaming pinagsamahan ni Franco. Oo two years is two years, but why will I mourn for someone who never even try to explain or say a word and leave just like that? Wala naman akong maisip na ginawang masama sa kanya. And of all people, si Franco ang huling tao na ineexpect ko na gagawa ng ganong bagay sa akin. Kaya nga until now ang dami ko pa ring tanong at mga bagay na hindi maintindihan. Naramdaman ko ang marahang pagtapik sa balikat ko. Napatingin ako kay Yuan na nakangiti. Bakit ba kailangan ko pang malungkot? Yuan is here. She's enough for me.
"I'm happy to know that, Dani. Alam mo naman, I'm always here for you." Parang nabasa niya ang naiisip ko, and coming from Yuan, it just feel so good.
"Hay naku, tama na nga itong kadramahan natin! Halika na! Uwi na tayo. Punta ka sa bahay. May bago akong movie. You'll like it for sure!" Naiimagine ko na ang magiging histura niya. Hahaha!
"Talaga? Anong title?"
Bigla ring na excite ang bruha. Mamaya ka lang! Ha ha ha! "It's a love story. I'll tell you the title later! Let's go!"
Hinila ko na siya sa labas ng campus at nag abang ng taxi.
***
"Manang Fely, Wala ba si Kuya?" Nabungaran ko si Manang Fely na naghuhugas ng mga kaldero sa kusina. Si Manang Fely at ang asawa nitong si Tatay Carding na ang nakasama namin ni Kuya Mario simula nang magpunta ng Australia ang parents namin. Matagal na sila doon, bihira lang silang umuwi. Kung minsan kami pa ang na bisita sa kanila ni Kuya dahil mas magastos daw kung sila ang uuwi at magbabakasyon dito. Matagal na rin nilang inaayos ang papel naming magkapatid, kaso hindi pa rin daw naaaprubahan ng Government ng Australia iyong visa namin. Kaya waiting pa rin kami. Lumingon muna sa akin si Manang Fely bago nagsalita.
"Malelate raw siya ng uwi dahil may project daw silang tatapusin. Nagugutom ka na ba, Yuan? Gusto mo bang ipaghain na kita?"
"Kayo ba ni Tatay Carding kumain na?" Nakangiti kong tanong. Tinuring ko na ring parang tunay na magulang ang matandang mag asawa. Four years old palang ata ako nun nang umalis sina Mama para magtrabaho sa ibang bansa. At since wala namang naging anak sina Manang Fely, sa kanila na kami iniwan at ibinilin nina Papa. Malayong kamag anak si Tatay Carding ni Papa, na hirap sa buhay, kaya bilang kapalit sa pagtulong nina Papa, sila na ang nagpalaki sa amin ni Kuya Mario. Si Kuya Mario ang panganay at nag iisa kong kapatid, engineering student siya at gagraduate na this year.
"Oo, tapos na kami kanina pa. Alam mo naman ang Tatay Carding mo, gusto niya kapag ganitong oras manonood na lang ng TV."
Tumango-tango ako. "Ahh, ok sige, Nang. Bihis lang akong madali tapos kakain na rin ako. Huwag niyo na ho akong ipaghain, pagkatapos niyo dyan, manood na lang din kayo ng tv. Kaya ko na yan."
"Hay naku. Ikaw talagang bata ka! Alam mo namang hindi ako mahilig manood ng tv. Hala sige. Magbihis ka na at nang makakain ka na."
Nagkibit balikat na lang ako at tinalikuran si Manang. Matatanda nga naman! Pumanhik ako sa kwarto at mabilis na nagpalit ng damit. Kinuha ko ang cellphone ko at nag umpisang mag type.
'Dani, u eating olredi?' Nahiga muna ako saglit sa kama at hinintay ang reply ni Dani.
'Nope. D pa tpos magluto si mama. :( feel hungry olredi, yuan..'
Napangiti ako. I wonder kung saan dinadala ni Dani ang kinakain niya. Kasi sa totoo lang ang liit liit niya at ang payat payat nya pero ang lakas at ang gana niyang kumain.
'Kelan k b nbusog? U olweiz hungry. U think u'll get taller?! :-p'
Mabilis agad ang naging reply ni Dani. Ang sarap lang niyang inisin! Haha.
'I knw am not tall. But surely am byutiful! :-p'
Mabilis din akong nagtype ulit. 'U thnk so, dani? Mybe u nid mirror so u can see da truth! Don't evn try 2 lie 2 urslf! :-p'
Natawa pa ako nang magsend ang message ko. Kapag si Dani ang katext ko o kausap ko never na nagkaroon ako ng dull moments. Kahit minsan parehas kaming may topak, at the end of the day we just end up laughing and smiling. That's why sometimes naiisip ko na kahit siguro wala akong maging boyfriend, as long as Dani is there for me, hindi ako magrereklamo. Mas magiging masaya pa ako! Nabasa ko ang reply niya.
'Yuan, my dear, dnt get insecure! Dhl parehas taung magnda! Kya nga WLA taung bf! Huhu..T_T'
Hindi ko na napigilan ang pagtawa. 'Yeah ryt! I dnt care kng WLAng bf, bsta mgnda aq at ikw ang ksama q! Luv u til d end of tym, Dani!
'Luv u 2! Gtg! Ma's calling me olredi! Fnally, mka3in na Kmi! Yehey! U eat also, ok! Xoxo'
'Eat well! I'll eat also. C u l8er! xoxo!'
Nangingiti pa ako ng isend ko ang reply ko. Bumangon na ako sa kama habang natatawa. Pagkababa ko dumerecho na ako sa mesa para kumain. Hindi na ako nagtaka nang madatnan kong may nakahain ng pagkain. Matigas din kasi ang ulo ni Manang Fely.
"Tawagin mo ako kapag tapos ka na dyan at ako ng magliligpit niyan." Untag sa akin ni Manang nang mag umpisa na akong kumain. Magsasalita pa sana ako nang magvibrate ang cellphone ko.
'Yuan, u eating olredi? Mgsisimula plng kmi. Juz wnt 2 ask f u stl intrestd 2 watch movie wth me?'
Mabilis ko munang isinubo ang nasa kutsara ko bago nagreply.
'opcors! Kaya nga sabi q sau kanina c u l8ter dB?! Cn I sleep der?'
Napangiti ako nang mag reply ulit si Dani. 'Opcors! My bed's olweiz welcum 4u. ?..ive got very gud movie hir! Surely, u'll lyk it!'
Magtatype sana ulit ako para magreply nang marinig ko ang boses ni Manang Fely.
"Maria Juana, tapusin mo muna iyang pagkain mo bago ka magtext ng magtext dyan!" Saway nito.
Nakaingos ko siyang nilingon. Ayan na naman siya sa pagbanggit ng napakaganda kong pangalan! Itinabi ko sa bulsa ng shorts ko ang aking cellphone. Knowing Manang Fely, naku, baka i-confiscate pa niya ang cellphone ko kapag hindi ko siya sinunod. Iba rin siyang magdisiplina sa amin ni Kuya Mario kaya siguro kahit hindi kami lumaki sa aming mga magulang hindi kami tulad sa iba na nagrerebelde o lumaki na bastos at walang galang.
Hindi ko na tinawag si Manang Fely nang matapos akong kumain. Nakita ko kasing engross na engross sila ni Tatay Carding sa pag uusap. At kung ano man ang pinag uusapan nila, hindi ko na business yon. Kinuha ko muna ang cellphone ko sa bulsa bago ako magstart maghugas ng plato.
'Am done eating! U? Sori, d n aq nkareply kanina. manang's watching me a wyl ago & u knw her, ryt??
'Done also! :) no prob! Manang used to b lyk dt evrsince. juz finish wshing da dishes also. So wt tym u'll come???'
'Hugas lng aq ng plates, den paalam n aq kina Manang.xcited much, Dani!'
Napatunghay ako nang may marinig ako mga yabag. Pagtunghay ko nabungaran ko si Manang Fely.
"Tapos ka na pala. Bakit hindi mo ako tinawag? Sige na matulog ka na at ako ng bahala dito." Pagtataboy pa nito.
"Ako na po, Nang! Konti lang naman to eh." Kahit kailan talaga si Manang Fely, parang walang kapaguran! Hanggang gabi gusto maglinis.
"Wag nang matigas ang ulo mo, Maria Juana! Hala, sige na! Sumulong ka na sa kwarto mo."
I rolled my eyes! Hindi talaga ako mananalo sa matandang ito! At ayaw ko na ring makipagtalo pa, dahil baka pati apelyido ko banggitin na rin niya ng buo. Tatalikod na sana ako ng maalala kong mag paalam. "Ahh, Nang, kina Dani pala ako matutulog ngayon ha? Nood lang kami ng movie."
"Ganon ba? Oh siya sige, sumulong ka na at delikado na dyan sa labas. Gabi na."
Pinigilan ko ang hindi matawa! Okay rin itong si Manang eh! Ilang steps lang naman ang bahay nina Dani mula rito sa bahay namin kung makadelikado akala mo naman tawid dagat! Tsk tsk tsk. Tinalikuran ko na siya at pumanhik na ako sa kwarto ko at nagderecho na sa banyo. Naglinis lang ako sandali ng katawan bago nagpasya na bumaba at pumunta na sa kabilang bahay.
Nasa tapat na ako ng pinto nina Dani nang magvibrate ang cellphone ko.
'Wer r u? Miz u olredi. Am hir in my rum waiting 4u! :('
Hindi ko mapigilan ang pag silay ng ngiti. 'Coming!:*'
Pagkatapos kong maisend ang message ko ay mabilis na akong kumatok.
"Hi, Andrew!" Matamis ang pagkakangiti ko nang pag buksan ako ng pinto ng pinsan ni Dani. Kahit medyo madilim, napansin ko na parang namula ang pisngi ng binatilyo. Hindi naman lingid sa kaalaman ko na may crush daw ito sa kanya. Nilakihan niya ang bukas ng pinto para maka pasok ako na agad ko namang ginawa. Nadatnan ko pa na nakaupo si Tita Delia at nanonood ng tv. "Hi Tita!" Marahan akong lumapit sa kanya at kiniss siya sa pisngi. Ngumiti siya ng lumingon sa akin.
"Oh Yuan, andun na sa taas si Dani. Kanina ka pang hinihintay. Magmo movie marathon daw kayo ah."
"Oo nga Tita eh! Makikitulog po ulit ako, hehehe!" Nagkunwari pa akong nahihiya!
"Sus, ang batang ito! Akala mo naman eh iba pa sa amin. Lumakad ka na sa taas at baka naiinip na ang magaling mong kaibigan!"
"Sige po Tita!" Nilapitan ko ulit siya at muling hinalikan sa pisngi. "Thank you po!" Binalingan ko naman si Andrew na nahuli kong nakatingin sa akin. "Goodnight, Andrew!" Malambing kong sabi sabay kindat.
"Go-goodnight, A-ate Yuan."
At nauutal pa ang bata! Haha! Napatingin ulit ako kayTita Delia na nakatingin din sa akin ng makahulugan. Mukhang napansin din niya pero nag patay malisya na lamang! Nag wave na lang ako sa kanya at nagderecho na sa pagpanhik sa kwarto ni Dani. Kakatok pa lang sana ako sa pinto ng kwarto niya nang bigla itong bumukas at iniluwa ang babaeng nakasuot ng ternong pajama na may print na Tom and Jerry. Napangiti ako dahil meron din akong kaparehas ng damit pang tulog na suot niya. As a matter of fact, ako nga ang nagbigay nun sa kanya para parehas kami. Ang sweet ko lang. Hahaha!
"Sana sinabi mo na isususot mo yan, dapat naisuot ko rin iyong ganyan ko para naka uniform tayo!" Hindi ko mapigilan ang ngitian siya nang matamis dahil sobrang cute niya sa suot niya! As in!
"Well, better luck next time, Yuan!" Maarte nitong tugon. "Bakit ngayon ka lang? Kanina pa akong excited manood eh.. Naumpisahan ko na ng kaunti 'yong movie. Ang tagal mo kasi."
"That's alright! Pwede naman nating ulitin sa umpisa eh!" I go directly in her bed kung saan nakalapag ang laptop niya. Nakapause ang movie. Dumapa ako at tiningnan ko si Dani. "Saan ka pa pupunta?" I frowned when she smiled sheepishly. What's with the smile?
"Kukuha lang ako ng chips para naman mag enjoy tayo sa panonood. I won't take long time."
Tumango tango na lang ako at muling nangunot ang noo ko dahil nakangiti na naman siya nang kakaiba bago ako tuluyang tinalikuran at iniwan sa kwarto. Tsk, tsk, tsk! Parang may sapi na naman ang babaeng yon! Anyway, bahala siya! Ibinaling ko ang atensyon ko sa laptop at pinindot ko ang play button. Nag salubong ang kilay ko. Seriously?! Love story ba ito? Bakit parang ang pangit naman ng setting ng lugar at ang pangit ng tumutunog na background music. Parang nakakakilabot!
"What the f@ck!" Napabangon ako sa gulat at kaba nang may biglaang sumulpot na mukha ng manika sa screen! "Oh, s**t!" Tuluyan na akong napababa sa kama nang ilang sandali pa ay may biglaan na namang nakakagulat na scene! Nakagat ko ang kuko ko sa daliri dahil sa kaba at nerbyos. Habol-habol ko ang hininga ko at nag umpisa na ring manginig ang katawan ko kasabay nang malakas na pag t***k ng puso ko. s**t lang talaga! I'll kill you for this Dani! s**t!
Naririnig ko pa rin ang nakakatakot na sound effect kaya nagpasya na akong lumabas ng kwarto. Hindi pa rin nawawala ang lakas ng t***k ng dibdib ko habang naglalakad ako papunta ng pinto. Parang nagpeplay sa isip ko ang hitsura ng nakakatakot na manika! Pagpihit ko ng door knob sakto namang bumukas ito at iniluwa si Dani.
"Ay pusang gala!" Parang sasabog na ang dibdib ko sa sobrang kaba. Ayaw ko talagang nanonood ng mga horror movies. Pakiramdam ko kasi totoo yon at baka mangyari sa akin. Malimit ko pa namang napapanaginipan ang mga ganoong bagay. Tiningnan ko ng masama si Dani na nakangiti pa ng nakakaloko sa akin! Damn! So she thinks this is really funny?! Halos mamatay na ako sa takot tapos nakakangiti pa siya! Hindi na ako nagsalita pa at nilagpasan ko siya! Mag isa siya! Uuwi na ako at sa bahay na lang ako matutulog!