Nawala ang ngiti ko sa labi nang mapansin kong seryoso na ang mukha ni Yuan! Mukhang napikon ang bruha. Nanlaki ang mata ko nang walang sabi-sabi niya akong nilampasan. s**t! Mukhang nagalit nga! Nag walk out ang lola mo! Mabilis kong ibinaba and dala-dala kong chips at juice para habulin siya.
"Hey..." Hinawakan ko siya sa braso at iniharap sa akin. Napansin ko na medyo namumutla siya at nanginginig iyong mga kamay niya. Bigla naman akong nakonsensya. Hanggang ngayon pala hindi pa rin naoovercome ni Yuan ang phobia niya sa horror movies. "So-sorry..."
Napansin kong napakuyom ang dalawang kamay niya at tila nagtitimpi ng inis sa akin. "It was really funny, Dani! Happy?! Sobrang nagustuhan ko talaga ang ginawa mo!"
I can feel the sarcasm on her voice pati na ang tampo niya. "Really, I'm so-sorry. I thought you---"
"Yeah, right!" Putol niya sa sasabihin ko. "You thought I've already overcome my phobia so you decided to make fun of me! That's so sweet of you!" Akma na naman siyang tatalikod nang pigilan ko ulit siya.
"H-hey, sa-saan ka pupunta? Di ba mag sleep over ka rito?" I'm so stupid! Bakit kasi ginawa mo yon Dani!?!
"Sleepover mo mukha mo!" Pinalis niya ang pagkakahawak ko sa braso niya at nagtuloy-tuloy na sa pagbaba. s**t s**t s**t! This is not good! Baka magsumbong siya kay Mama, for sure, lagot na naman ako nito.
Nakakailang hakbang pa lang siya nang muli ko siyang pigilan. "W-wait, Yuan. Really, sorry talaga.. Promise hindi ko na uulitin! Halika na balik na tayo sa kwarto ko, please.."
"No! Isusumbong talaga kita kay, Tita!"
Para bang nabasa niya ang nasa isip ko. Nagtuloy-tuloy pa rin siya sa pagbaba at hindi ako pinansin. Agad akong nag panic! Baka ma grounded ako nito! And worst baka bawasan ni Mama ang allowance ko! May gustong gusto pa naman akong bilhin this month! Knowing my mother, she never tolerate such things! At nakikita ko sa mukha ni Yuan na seryoso talaga siya! "Y-Yuan na-naman. Sorry na nga. Hindi ko na talaga uulitin yon. Huwag mo na akong isumbong, please. Kilala mo naman si Mama di ba?"
Muli niya akong nilingon at pinagtaasan ako ng kilay. "Sana naisip mo 'yan bago mo ako pinagtripan, right?!“
Hindi agad ako nakapag salita. Malapit na siya sa huling baitang nang hawakan ko ulit siya sa braso. "Please, Yuan. Gagawin ko lahat ng gusto mo, just don't tell this to Mama. Please halika na sa kwarto, sige na, sorry na.." Sana talaga maawa siya sa akin. Naman kasi! "Let this pass, pleaaasseeeee.."
Hindi niya ako pinansin. Bagkus nagdere-derecho siya kay Mama na nanonood pa rin ng tv. "Tita..."
Napapikit ako ng mariin! s**t, Dani! You're so stupid! Ginalit mo si Yuan, 'yan tuloy!
"Oh, Yuan, bakit?" Narinig kong sabi ni Mama. Nakakunot ang noo nito nang lingunin nito si Yuan at sinulyapan lang ako. Biglang lumakas din ang kaba ng dibdib ko. Napakagat labi pa ako nang magkatinginan kami ni Yuan.
"Ahm, wala naman Tita. Maggugoodnight lang po sana ako..."
Nakahinga ako nang maluwag nang marinig ko ang sinabi ni Yuan. Nagpeace sign pa ako sa kanya nang balingan niya ako ng tingin. Save by the bell! Akala ko isusumbong na talaga niya ako. Ngumiti pa ako at nagpacute na ginantihan lang nya ng irap.
"Sige na po, Tita. Goodnight na.. Matutulog na po kami ng napakabait kong bestfriend!"
Napakamot ako sa ulo nang maramdaman ko ang nagbabagang tingin sa akin ni Yuan. I hope hindi napansin ni Mama yung sarcasm at diin ng pagkakabanggit ni Yuan sa 'napakabait kong bestfriend'. Humalik pa siya sa pisngi ni Mama bago ako muling nilampasan at umakyat sa hagdan. Mabilis akong lumapit kay Mama at humalik din sa pisngi nito. "Night Ma."
"Okay. Goodnight din sa inyong dalawa. Matulog na agad ha?"
Hindi na ako sumagot pagkarinig ko ng sinabi ni Mama bagkus ay agad akong sumunod kay Yuan na mabilis nang nakapanhik sa kwarto ko.Naku po ito na ang judgement day! Patay ako nito kay Yuan.
***
Pagkapasok na pagkapasok ko sa kwarto ni Dani ay mabilis akong lumapit sa kama niya at inistop ang movie habang hindi tumitingin sa monitor ng laptop. Pinatay ko na rin ito. Hindi pa rin nawawala ang inis ko sa ginawa niya sa akin. Ever since naman alam niya ang phobia ko sa mga ganyan pero sinadya niya pa talagang ipapanood sa akin yon! Ang mas nakakainis pa, hindi ko naman siya magawang isumbong kay Tita dahil alam kong pihadong hindi niya kukunsintihin ang ginawa sa akin ng magaling niyang anak. Tumayo ako sa kama at tiningnan ko si Dani ng masama nang maramdaman kong pumasok siya sa loob. Now what will I do to her?
"Now what?" Untag ko sa pananahimik niya. "Ngayon tameme ka!"
"So-sorry na talaga, Yuan..."
Hindi ko alam kung maaawa ba ako o matatawa sa hitsura ni Dani. I can see na talagang nagiguilty siya. She cannot even look me in the eye! She even bite her fingernails which is her mannerism every time she's nervous or scared of something. I rolled my eyes. As if kaya ko siyang tiisin. Tinalikuran ko siya at humiga sa kama nito.
"Come here." Utos ko nang makahiga ako ng maayos sa kama niya. Tila naman nag aatubili pa siyang lumapit. Hindi ko napigilan ang pagngiti. Pero hindi ko rin hinayaan na makita niya yon. Ha! Akala niya! Papatulugin niya ako ngayon!
"I said come here! Kailangan ko talagang ulitin pa Dani?" Naggalit-galitan ako para isipin niya na galit ako kahit ang totoo naman ay hindi. Kahit kailan naman hindi ko siya kayang tiisin. I frowned in frustration nang dahan-dahan pa siyang lumapit sa akin. "C'mon Dani. You can do better than that!" I rolled my eyes. Nagulat pa siya nang bigla ko siyang hilahin pahiga sa kama nang malapit na siya sa akin.
"Yuan, sorry na talaga! Promise hindi ko na uulitin yon.." Niyakap niya ako ng mahigpit. Hindi ko na napigilan ang pagngiti. Binatukan ko siya ng marahan. Ito ang isa sa mga ugali niya na gusto ko. Dinadaan daan nya ako sa yakap at paglalambing kapag nagkakaroon kami ng hindi pagkakaunawaan.
"Try to do that again and I will surely tell it to Tita! Saka I will never talk to you again, swear!" Banta ko sa kanya. Huminga ako nang malalim at nag seryoso. "Seriously, kinabahan talaga ako doon Dani. Parang aatakihin ako sa puso kanina. Worst, baka mapanaginipan ko pa yon." I sighed.
Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin at tiningnan ako nang seryoso. Bakas pa rin ang guilt feeling sa mukha niya. "I know. I'm so childish and stupid to do that. I'm really sorry.." Napakagat labi pa siya bago nagpatuloy. "Don't worry, I'm here. Hindi mo yon mapapanaginipan for sure." Ngumiti siya. "Saka manood na lang tayo ng something funny. Or romcom. Para makalimutan mo iyong kanina. What do you think?" Pinasigla pa niya ang boses nya at ngumiti ng ubod ng tamis.
Mabilis ang naging pag-iling ko. "Nawala na ako sa mood manood." Pinag taasan ko pa siya ng kilay. "Saka dapat lang talaga na hindi ko mapanaginipan yun!" Bigla akong may naisip na ideya. "At para hindi mangyari 'yon you'll sing me a song until I fe ll asleep! That's your punishment for doing such a thing!" Inilagay ko ang hintuturo ko sa labi niya nang makita kong magsasalita siya at balak kumontra. "Ooops, I'm not yet finish, pasalamat ka at hindi kita isinumbong kay Tita. Who knows kung anong parusa ang ibinigay niya sa'yo kung nagsumbong ako, knowing her."
"Yeah, yeah, yeah I know." Pag suko nito. "Don't worry your wish is my command!" Iniligpit na niya ang laptop at saglit na bumangon ng kama. "You sure you don't really want to watch anymore?" Tumingin pa siya sa akin at tila ba umaasa na magbabago pa ang isip ko.
Umiling iling ako. "Nope! I told you wala na ako sa mood manood. At hindi na maibabalik 'yung mood ko na'yon!" Pumwesto na ako sa kama habang nakita ko pa siya na itinabi ang laptop. Ganon din ang chips at juice na bitbit nya kanina. "Pakibilisan po at gusto ko ng matulog! Huwag ng magbagal-bagal!" Nakataas ang kilay ko sa kanya at pinipigilan ko ang aking sarili na huwag matawa. Para siyang bata na kumakamot kamot pa sa kanyang ulo. Sinusundan ko lang siya ng tingin hanggang sa matapos siya at tabihan na ako sa kama. Umayos ako ng higa. Itinaas ko ang ulo ko saka ko inabot ang braso niya para gawing unan. Tumingala naman siya ng kaunti dahilan para halos maamoy ko na ang leeg niya. Inilapit ko pa lalo ang mukha ko sa leeg niya. "Hmmm, ang bango naman." Nilanghap langhap ko pa lalo ito. Amoy baby. I smiled at the thought.
"Yuan ano ka ba, nakikiliti naman ako sa hininga mo." Reklamo nito.
Lalayo sana siya ng haklitin ko siya sa bewang. "I thought my wish is your command, Dani ha? This is my wish! So better haplusin mo ang buhok ko at umpisahan mo ng kumanta. I want to sleep now."
"Pero Yuan, baka ako naman ang hindi makatulog niyan." Protesta pa niya.
Lalo ko pang hinigpitan ang pagkakayakap ko sa bewang niya para lalong magdikit ang katawan namin. I don't know, but I love this feeling. This kind of feeling that I only feel for Dani. I can't name it, but I'm hundred percent sure that only Dani can make me feel like this. "No buts, no ifs, Dani. Just hold me tight, and sing me a song!" I smiled as I closed my eyes.
***
Sinuklay suklay ko ang mahabang buhok ni Yuan gamit ang kamay ko. She smells so good. Napapikit ako ng maramdaman ko ang marahan niyang paghinga sa leeg ko. Parang daang-daang boltahe ang gumapang sa buo kong katawan. Malimit namang magdikit ang katawan namin ni Yuan, but why all of a sudden nakakaramdam ako ng mga ganitong bagay na hindi naman pamilyar sa akin. Mga bagay na parang ang hirap ipaliwanag pero ang sarap sa pakiramdam. Why do I have this certain urge that I wanted to kiss her? Damn Dani! What's happening to you? This isn't right. Magtatangka sana akong umalis sa pagkakayakap ni Yuan pero narinig ko ang protesta niya saka ang mucking pag higpit nga yakap nya.
"Hmmm, don't go anywhere, Dani. You owe me tonight. Now would you just stay still and start singing.." Malamyos na ang tinig ni Yuan. Wala na akong nagawa nang hapitin pa nya ako palapit sa kanya. I sighed deeply. She's really stubborn. Bakas sa boses niya na talagang inaantok na siya.
"Dani..." Untag nyang muli sa akin nang hindi pa rin nya naririnig ang pag kanta ko.
"Okay, okay.. Kakanta na po mahal na prinsesa.." Sumusuko kong sabi.
"Good! Sleep tight Dani. I love you.."
Halos magtaasan ang lahat ng balahibo ko sa katawan nang lalo niya pang idinikit ang mukha niya sa leeg ko dahilan para lumapat na ang mga labi niya sa balat ko. Goodness! Ano bang klaseng torture ito?! Is this her punishment for what I've done? Dapat pala lagi kong gawin sa kanya yon! Sabat pa ng mahadera kong kaisipan! Haaayys! Really, I guess this will be a long night.
Muli kong sinuklay ang buhok niya at hinalikan siya sa ulo. "Sweet dreams Yuan..."
I let her fell asleep while I'm singing her a song. Hanggang sa hindi ko na rin namalayan na hinila na rin ako ng antok habang sinasamyo ko ang buhok niya. "Hmm, I love you too Yuan.."