Invitation

2140 Words
"'Ma, please wag mong gawin ito. Hindi ko pa kayang mag isa sa palasyong ito. Itigil mo na ang pag-aasabalutan mo. Hindi mo na----" Napatigil ako sa pagdadrama ng maramdaman ko ang malakas na batok ng magaling kong kapatid sa ibang magulang. Tiningnan ko siya ng masama. "Anong problema mo ha, Andrew?!? Kahit kailan wala ka talagang respeto!"  "Ang OA mo Ate! Para kang si Mahal kung mag emote!" Nakangisi pa ng nakakaloko ang mokong. Mukhang nasa mood mang asar. Narito kaming tatlo nina Mama sa kwarto niya. Tinutulungan ko siyang mag ayos ng mga gamit na dadalhin niya sa three day seminar nila na gaganapin sa Tagaytay. Actually hindi naman talaga ako tumutulong. Nanggugulo lang ako. Isasama ni Mama si Andrew, dahil ayon sa kanya pwede raw magsama ng isang member ng pamilya ang bawat representative na aatend ng seminar. Sayang din daw kasi libre naman lahat. Nahiya naman ako bigla dahil hindi ako ang isinama! Ako kaya ang sampid sa pamilyang ito! Haha! Anyway hindi rin naman ako makakasama dahil aalis sila ng Friday morning, sad to say finals namin sa araw na yon. Kaya no choice, si Andrew na lang ang ipinalista ni Mama! Saka pabor naman kay Andrew dahil gusto rin daw nyang makapasyal dun.  Humalukipkip ako at sinipat mula ulo hanggang paa si Andrew. "Excuse me! Bakit mo nasabing para akong si Mahal? Sa ganda kong ito! Goodness!" Maarte kong sabi. Itinikwas ko pa ang aking kamay at inirapan siya.Totoo naman! Maganda naman talaga ako! Haha! Humalakhak siya at napailing iling. "Ikaw maganda Ate? Saang banda? Lamang ka lang ng kaunting tangkad kay Mahal, the rest its a tie! Hahah!"  Ang walanghiya! Iyong height ko talaga ang napansin! Humagilap ako ng isang unan sa kama ni Mama at ibinato ko sa kanya. Hindi niya napaghandaan ang bilis ko kaya nasapol siya sa mukha! Ano ka ngayon! Haha! Maliit pala ha! Ibabato niya sana pabalik sa akin ang unan nang magsalita si Mama. Saglit nyang itinigil ang paglalagay nya ng mga damit sa bag at pinagsalitan kaming tingnan.  "Tama na yan. Magkasakitan pa kayo dyan. Daniela, umakto ka ngang matanda dyan!" Napatingin ako kay Andrew na nakabelat na sa akin. Binelatan ko rin para quits kami! "At saka nga pala Daniela, baka naman kung anong gawin mo sa weekends habang wala ako.." Dugtong pa nya at nagdududa akong tiningnan.  "Naku, Tita, tama po kayo. Pihadong gagawa na naman ng kalokohan iyang si Ate Dani. Mabuti pa siguro tawagan niyo si kapitan!" Sulsol ng mahadero kong pinsan! Tiningnan ko muna siya ng masama bago ko binalingan si Mama. "Ma, ano ka ba? Andyan lang sa kabilang bahay sina Manang Fely, alam mo naman na nasa iyo ang loyalty nila. Saka I know what's right and what's wrong. You don't have to worry about me. Just trust me ok." Binigyan ko siya ng ngiti na puno ng assurance at hinalikan pa siya sa pisngi. Alam ko naman na nireremind lang ako ni Mama. I know she trusts me.Sa bait kong ito, lahat ng tao kahit stranger magtitiwala sa kagandahan ko! Hahahaha!  "I'm just reminding you, Daniela. Baka magkayayaan kayo. Lalo pa nga at Friday na ang finals nyo." Parang hindi pa siya kumbinsido sa sinabi ko. "Saka who knows kung saan kayo magpunta after ng finals nyo."  I rolled my eyes. Mama's always like this. She treats me like I'm an eight year old girl. I understand her anyway. She just loves me so much that's why. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. "'Ma talaga. Wag na nga pong mag worry di ba? Kailangan ko pa talagang ipaulit-ulit ha, Ma? Unli ba 'to?" Kiniss ko siya sa pisngi. "Im not a minor anymore 'Ma. Saka mabilis lang ang three days no? Monday nandito na rin kayo agad. Just enjoy your moment there and I'll be fine here. Ok?" Sinalubong ko ang kanyang tingin. "Saka parati naman akong nagsasabi sa'yo ah, why worry?" So far naman hindi ko pa nagawang sirain ang tiwala ni Mama para sa akin.  Mukha namang napahinuhod ko si Mama dahil tumango-tango na lang siya at hindi na nagsalita. Saka nya ipinagpatuloy ang pag-aayos ng gamit. Samantalang hindi ko naman napansin si Andrew na nakalapit na sa akin at hinalikan ako ng mariin sa pisngi. Ramdam ko pa na medyo basa iyong labi niya!Yuck lang talaga! "Ang bait bait naman talaga ng Ate Dani ko!" Sabi pa niya sa nang aasar na tinig.  "Andreeeeeeeew!" Gigil kong tawag sa kanya na mabilis na nakalayo sa akin. "Nakakadiri ka talaga kahit kailan!" Pinunasan ko pa nang mariin ang pisngi ko na hinalikan niya.  Tatawa-tawa lang siya sa isang sulok ng kwarto. Handang tumakbo any moment na habulin ko siya. "Ate Dani naman minsan lang ako mag lambing eh..." At talagang nang-iinis pa! "'Ma tingnan mo si Andrew oh!" Maktol ko kay Mama na may kasama pang padyak!  Iiling-iling lang sa amin si Mama habang napapangiti. Palibhasa sanay na siya sa amin ni Andrew.  **** Friday (Finals)  "Hoooo! Finally, nakatapos na rin! Ang hirap nun ah!" Bulong ko sa sarili ko. Matapos kong maipasa ang test paper, agad kong inayos ang mga gamit ko. Kumaway lang ako sa ilang classmates ko na malapit sa akin saka ako naglakad palabas ng classroom. Hindi ko maiwasan ang mapangiti, ito na rin kasi ang last exam ko. It only means tapos na ang finals, and it means again na sem break na! Kinuha ko ang cellphone ko sa bag habang naglalakad ako sa pasilyo. Napahinto lang ako nang may tumawag sa akin. Dahil maganda ako nilingon ko kung sino yon. "Dani! Kamusta? Tapos na ba ang exam mo?" Napakunot noo ako sa nagsalita dahil hindi ko siya kilala. But she looks familiar. Dahil nga maganda ako at matalino hehehe, hindi naman ako ganon ka friendly. Hindi katulad ni Yuan na medyo popular sa campus kaya marami rin siyang kakilala. Siguro dahil na rin sa malimit siyang napapasali sa mga beauty contest. "Sorry, but do I happen to know you?"  Nawala ang ngiti sa maganda niyang mukha nang marinig niya ang tanong ko. Para bang nadismaya siya dahil sa nakita nyang reaksyon mula sa akin. But infairness, she's beautiful. I mean, she have this deep set of eyes na medyo kulay gray, na hindi ko alam kung contact lenses ba o baka may lahi siyang foreigner. Tapos bumagay sa hugis puso niyang mukha iyong tangos ng ilong niya. At hindi ko alam kung natural na mapula iyong manipis niyang labi. Most of all, ang pinapangarap kong nunal! Iyong nunal na tulad ng kina Angel Locsin, nasa kanya! Siguro four inches lang ang lamang niya sa akin sa height. Iyong katawan niya parang ang perfect ng curves. It's really unfair! Ako maganda at sexy lang pero hindi ganon katangkad samantalang siya parang ang nasa kanya na lahat. Ang perfect naman!  Tumikhim pa siya bago nagsalita ulit. Mukhang napansin niya na pasimple ko siyang pinagmasdan dahil bigla siyang ngumiti. "Ahm, I'm Maia.. Ako iyong classmate mo sa thesis. Don't you remember me?"  Saglit na napaisip ako at pinipilit siyang alalahanin. "Aaahhhh... Yeah right." Ngumiti ako sa kanya at napakamot ako sa may noo ko. "Tama. Pero sorry ulit, hehe.. Hindi ko talaga maalala. Sorry.." Nag peace sign pa ako sa kanya at nagpacute para hindi naman siya ma offend. Honestly, paano ko naman siya maaalala eh 30 students kami sa thesis namin. Saka one time lang naman kaming nag meet sa subject na yon dahil next year pa naman namin itetake yon. Mukha namang naging effective ang ginawa ko dahil ngumiti siya at tumango tango.  "Sabagay. Tama ka. Anyway, let me introduce myself properly.." Nagtanggal pa siya ng bikig sa lalamunan bago nagpatuloy. "I'm Maia Panganiban, classmate mo sa thesis. Hopefully ikaw iyong maging partner ko sa subject na yon." Inextend niya ang kanang kamay niya for a handshake.  Malugod kong tinanggap ang kamay niya at ngumiti. "Daniela Ramirez. I guess you know that already since you called me by my nick a while ago. And about that 'partner' thing, it would be a pleasure to be your partner." Naramdaman ko pa ang marahan niyang pagpisil sa kamay ko. "Pero syempre ayoko muna ring mag commit. Baka mapasubo ako. You know."  "Great! Of course naiintindihan ko!" Mukha namang sincere siya at nagustuhan niya ang sinabi ko dahil umaliwalas ang mukha niya. "So, saan ka ngayon? Pauwi ka na ba or what?" "Ahhh, yeah.. Actually uu---"  "Daniiiii!"  Naputol ang iba ko pang sasabihin nang marinig ko na naman ang boses na yon ni Yuan. Muli kong nginitian si Maia. "Kaibigan ko yon! Masyadong excited na makita ako kaya sumisigaw. Teka lang ha?" Pasimple ko siyang tinalikuran at hinarap si Yuan na palapit na sa kinatatayuan namin. Deadma lang ang bruha kahit makabunggo siya ng ilang estudyante. Bakit kaya nagmamadali na naman itong babaeng ito? Ano na naman kayang meron?  Humihingal pa siyang lumapit sa akin saka hinawakan ang magkabila kong balikat. "Dani, tapos na ang finals natin!" Excited nitong sabi.  "And so?"  "And so?! So pwede na tayong umattend sa party ni Miko. Tsaran!" Itinaas niya at winagayway pa sa harapan ko ang isang maliit na puting sobre na ngayon ko lang napansin na hawak hawak niya. "Ano naman yan? Saka anong party?" Magkasalubong ang kilay kong tanong. Hindi naman talaga ako mahilig sa party, napapasama lang ako dahil hindi ko matiis si Yuan. Especially pag may inuman na kasama.  "Invited tayo. See?" Inabot niya sa akin ang isang sobre na may nakasulat na pangalan ko. "That's tonight! Kaya be ready okay? Doon na lang tayo magkita sa party ha? Kasi may dadaanan pa ako, pero sa'yo ako sasabay pauwi kaya dalhin mo ang kotse mo ok?" "Pero Yuan, alam mo na---" Hindi ko na naman natapos ang sasabihin ko nang bigla niya akong halikan sa pisngi at nagpaalam na. "I have to go, Dani. I'll just see you there okay. Bye!" Tumalikod na siya at iniwan ako. "I'll just call you, okay?" Lumingon siyang muli saka nag flying kiss.  Napatanga na lang ako sa kanya habang sinusundan ko ng tingin ang papalayo nyang bulto! Seriously?! Nakakainis na talaga iyong babaeng yon! Palagi na lang akong ninanakawan ng halik! Abuso na siya ha! Saka akala niya pupunta ako sa party na yon! Kahit may invitation wala akong pakialam! Bahala siya. 'Yeah right! As if you can say 'no' to Yuan!' Agoy! Pati iyong natatago kong konsensya sumasabat pa! "Eherm!"  Saka lang ako nabalik sa kasalukuyan nang marinig ko ang tikhim na yon mula sa aking likuran. Naalala kong kausap ko nga pala si Maia. Binalingan ko siya at tipid na ngumiti. "Sorry about that. Nagmamadali siya kaya hindi na kita naipakilala." Nagkibit balikat lang ito at ngumiti rin. "It's okay, no worries. Marami pa namang araw. And by the way, ang cute nyong tingnan."  Ang ganda niya lalo kapag ngumingiti siya ah, in fairness. Pero iba pa rin ang dating sa akin ng kaibigan ko. Loyal fan ata ako ni Yuan! Pero mas loyal fan ako ng sarili ko! Nyahahaha! "Anong cute don? Parang tanga nga eh. Anyway, I think I have to go now." "So you'll come at the party? Parang hindi ikaw iyong tipo na party goer.." Komento nito na hindi naman nakaka offend. Parang gusto pa niyang makipag kwentuhan.  Nagkibit balikat lang ako. "I don't have any choice. I need to go for Yuan." Hindi naman talaga ako mahilig sa party. Isa iyon sa nga bagay na ipinagkaiba namin ni Yuan. Napipilitan lang akong mag attend kapag sasamahan ko siya or kapag magpapasama siya.  Tumango-tango ito. "I see. She must be special para gawin mo ang bagay na hindi mo gusto." "No, not really. I mean, hindi naman sa ayaw ko sa mga party, hindi lang ako mahilig. And yes you're right. Yuan's special to me, she's my only close friend." "Ah okay." Tumango-tango siya. Tila ba may gusto pa siyang sabihin pero hindi niya masabi. "Well, I guess I'll just see you there?" Napa kunot noo ako sa sinabi niya. "Huh?!" Itinaas niya ang isang sobre na tulad din ng sobre na ibinigay sa akin ni Yuan. "I've got invitation too!" Matamis ang ngiti nito. Katulad ng ngiti ni Yuan. Excited din? "Oohh.." Tumango-tango ako. "Now that's great! The more the merrier!" Sabi ko pa sa masiglang boses. "Siya sige na. See you around. And by the way nice meeting you Maia!"  "The pleasure is mine, dearest Dani." Makahulugan siyang tumingin sa mga mata ko bago ngumiti. Tinalikuran ko na siya at mabilis na naglakad palayo. What was that? Weird. Parang may gusto siyang ipahiwatig sa ngiti niyang yon pati na sa tingin niya. Hay naku, Dani! Ang dami dami ng problema ng mundo pati ba naman yan poproblemahin mo pa! Pinalis ko ang isiping yon at nagpasyang umuwi na lang ng bahay para mapaghandaan ko ang party na yan!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD