Alas otso y medya na nang makarating ako sa lugar na pagdarausan ng naturang party na sinasabi ni Yuan. Ayon sa invitation na binigay niya sa akin, seven o'clock ang start ng party. Pero dahil mabagal akong kumilos late na akong nakarating. Anyway, wala naman akong balak kumain dito o maglasing. I came here for Yuan. Sabi ko nga hindi ko siya matitiis. Dahil bukod sa hindi ko naman maatim na magtaxi siya pauwi, ayaw ko rin naman na kung sino-sino na lang ang basta maghatid sa kanya. I know Yuan. Hindi naman siya lasenggera, pero mas nagiging aggressive kasi siya kapag nakakainom siya ng alak. So mas mabuti na ako ang makasama niya kesa sa kung sino lang na maaring mag take advantage sa kanya! Atleast ako harmless! Haha! Saka mabuti na lamang din pinayagan ako ni Mama nang mag paalam ako sa kanya. Sinabi ko kasi na si Yuan naman ang kasama ko kaya mabilis siyang umuo. Parang mas tiwala pa siya kay Yuan kesa sa akin. Haha.
Ipinunas ko ang dalawa kong kamay sa hita ko bago lumabas ng kotse. Napili kong magsuot ng blue skinny jeans na may konting punit sa dalawang bahagi ng hita na malapit na sa may baba ng tuhod saka ko tinernuhan ng spaghetti sequins na shirt na kulay black. At para naman tumangkad ako nagsuot ako ng wedge na kulay black din. Iniwan ko na lang ang sweater sa sasakyan tutal hindi naman malamig ang panahon.
Naglakad ako papasok sa loob. Sumalubong sa akin ang isang malawak na function hall na may mga tables sa gilid. Sa kabilang bahagi naman ay isang dance floor na may patay sinding ilaw at katamtamang lakas ng music. Parang sa disco bar ang style ng lugar. Nagpalinga-linga ako sa paligid at hinanap si Yuan. Marami akong nakikitang pamilyar na mukha na hindi ko naman alam ang mga pangalan. Ngumingiti lang ako at tumatango kapag binabati nila ako. May ilan na rin akong natatanaw sa dance floor na parang tinablan na ng espritu ng alak base sa pagsasayaw nila. Kinuha ko sa bulsa ko ang cellphone ko at tatawagan sana si Yuan. Pero pagtingin ko empty battery na pala ako. Napabuntong hininga ako at muling ibinalik sa bulsa ang cellphone ko. Paano ko pa hahanapin si Yuan nito? Nasa ganoon akong pag iisip nang may makita akong isang pamilyar na babae na kumakaway sa akin.
"Hey, Dani. Over here."
Nakita ko ang nakangiting mukha ni Maia. Napakasimple lang ng ayos niya. Napatingin ako sa suot niyang belted denim dress na may front two side pocket. Naka flat sandals lang siya na ka kulay ng dress niya. Nakalugay ang buhok niya na nangingintab sa pagkaitim. She's really beautiful. Nahihiya tuloy akong lumapit. Tila naman naramdaman niya ang pag aalangan ko kaya lumapit siya sa akin.
Sinalubong niya ako. "C'mon and join me. I don't have any company." Masiglang aya nito sa akin at hinila na ako sa kamay patungo sa table nito. Nang malapit na kami sa table niya, kumuha siya sa naka salubong naming waiter ng dalawang baso na may laman na hindi ko alam kung anong klaseng inumin. Inabot niya sa akin ang isa. "Wait.." Natigil ang pag abot nya ng baso. "Have you eaten?"
Mabilis naman akong tumango. "Kumain muna ako bago pumunta rito." Nagkibit balikat lang siya saka tuluyang inabot sa akin ang baso. "Salamat." Nakangiti kong sabi. Ipinatong ko ang bag ko sa mesa bago ako umupo. Maya-maya ko na lang hahanapin ulit si Yuan since medyo crowded pa ang lugar. Binalingan ko si Maia nang magtanong siya sa akin.
"So, you're alone huh?"
Nagkibit balikat ako at ininom ang laman ng kopitang hawak ko. Gusto ko sanang ibalik ulit sa baso ang laman nun dahil sa lasa kaso nakakahiya naman kay Maia na mataman akong pinagmamasdan. Ngumiti ako bago nagsalita. "Well, actually I'm not alone cause I'm here with you." Nakita kong napatawa siya sa tinuran ko. "But seriously speaking, hinahanap ko talaga si Yuan. Kaso baka mamaya ko pa makita yon. Unlike me, napaka friendly kasi non." I simply wipe my mouth. "Saka I was planning to call her, kaso low battery na pala ako."
"Sobrang close nyo rin ano?" Sabi nito at muli niya akong inabutan ng isa pang kopita.
Umiling-iling ako. "Tama na sa akin ang isa. The real reason why I'm here is to drive Yuan home safe and sound. Alam mo na."
"C'mon, this will not hurt you. Padalawa lang naman ito. Don't worry, I won't let you drunk." Pilit nito.
Wala akong nagawa kung hindi abutin ang kopita at dinerecho kong inom. Hindi ko maintindihan ang mga taong nagpapakalasing. Ang pangit-pangit naman ng lasa ng alak. Napangiwi ako ng maramdaman ko ang mainit na guhit ng alak mula sa aking lalamunan patungo sa aking sikmura. Damn! I really hate alcohol. "This will be my last okay?" Sabi ko sa kanya ng maibaba ko ang kopita.
Nagkibit balikat ito at ngumiti ng matamis. "Your wish is my command, my princess.." Malambing nitong sabi at kinindatan ako.
Pakiramdam ko namula ang mukha ko sa inasal niya. Parang lalong nag init ang pakiramdam ko. Suddenly I feel awkward at the moment. Parang gusto kong bawiin ang sinabi ko na last na yung shot na yon ah. Parang gusto ko pang uminom. Mabuti na lang at biglang nagring ang cellphone nya.
Tila humihingi ng paumanhin ang tingin nito. "Would you mind if I take this?"
Nagkibit balikat ako at ngumiti. "Okay lang. Ano ka ba? Take your time." Mas mabuti nga yon kasi medyo naiilang ako sa mga tingin mo. Bulong ko sa sarili ko. Tumayo ito at nag excuse bago sinagot ang tawag. Saka lang ako nakahinga ng maluwag.
***
I frowned in frustration when I saw Dani walking, hand in hand with that same woman whom I saw with her this afternoon. Sino ba ang babaeng 'yon? I don't know, why suddenly I feel irritated with her. Damn! Kumuha ako ng isang kopita sa nakasalubong kong waiter at mabilis na tinungga ang laman non. Napangiwi ako sa lasa. Damn vodka! Nakakailang shots na ako simula pa kanina at ramdam ko na ang pag iinit ng buo kong katawan pati na ang pangangapal ng mukha ko. Hindi ko rin itatanggi na medyo nahihilo na ako dahil sa tama ng halo halong alak na nainom ko. Tiningnan ko muna ulit sina Dani na ngayon ay nakaupo na sa isang sulok ng lawn at tila masayang masaya sa pakikipagkwentuhan sa babaeng 'I don't give a damn whoever she is'. Pinasadahan ko ng aking daliri ang medyo curly kong buhok bago ko napagpasyahan na lapitan sila. Eksakto namang tumayo ang babaeng kausap ni Dani kaya naiwan itong mag isa sa table. Just in time! Mabilis akong lumapit sa table at umupo sa harapan ni Dani. Tila naestatwa naman ito sa kanyang kinauupuan. Humalukipkip ako at pinag taasan ko siya ng kilay.
"I guess you don't like me here, huh?" Nagtatampo kong sabi.
"Hey!" Sabi nito nang tila matauhan. "Sorry ha! Since dumating ako ikaw agad ang hinanap ko. Kaso masyado pang crowded. Tapos hindi ko namalayan na empty battery na pala ang cellphone ko kaya hindi kita matawagan."
"Hmpt." Pinalungkot ko kunwari ang aking mukha. "Ganyan ka naman eh, porke may bago kang nakilala nalimutan mo na agad ako."
Pinitik niya ako sa noo. "Aray ko naman!?"
"Ang arte mo Yuan! Kalimot agad? Hindi pwedeng nawaglit lang sandali sa aking isipan ha?"
Hindi ko siya sinagot at nagkunwaring nagpalinga-linga sa paligid. Ilang sandali lang ang lumipas naramdaman ko na lang na nakadantay na ang malambot niyang palad sa aking braso at hinihimas himas yon, na nagdulot ng kakaibang kilabot sa buo kong katawan. Dati naman na nyang ginagawa sa akin ito ah. Mukhang marami na nga akong nainom dahil iba na ang nararamdaman ko. This isn't good!
"Sorry na nga eh." Pukaw ni Dani. "Wag ka na ngang magtampo dyan. Ikaw lang ang close friend ko ever!" Nakangiti nitong dugtong habang patuloy pa rin siya sa kanyang ginagawa at tila ba hindi siya aware kung anong epekto ang dinudulot nito sa akin.
"Close friend tlaga ha, Dani? Until now talaga hindi mo pa rin ako bestfriend?!" For an unknown reason, Dani never really considered me as her bestfriend. I know it's not a big deal pero nakakapagtaka na lagi niyang iginigiit sa akin na close friend niya lang ako. Sabay kaming nagkatawanan! Siguro dahil parehas kami ng iniisip.
"Lasing ka na ba ha, Yuan?" Biglang sabi nito at nagdududang tumingin sa akin.
"Nope!" Mariin kong tanggi. Totoo naman. Hindi pa ako lasing. Nahihilo lang ako oo, pero lasing? Nah! Iinom pa ako ng mga tatlong shots dahil medyo bitin ako. Speaking of shots, tamang tama ang daan ng waiter. Kumuha ako ng dalawang baso.
"Sigurado ka?" Hindi talaga siya kumbinsido. Akmang kukuhanin niya sa akin ang isang baso pero mabilis ko itong nailayo sa kanya at tinungga. Which made her frowned. Napangiti ako. Ang cute lang!
"Yap. I'm sure, bulinggit!" I teased! "Saka hindi ka pwedeng mag inom, remember ayaw mo ng lasa ng alak at saka magdadrive ka right?"
She rolled her eyes. "Hindi ka pa lasing niyan ha! Sige lang! Bukas ka lang! Bulinggit pala ha!"
Napahagalpak ako ng tawa. Epic ang reaction ng mukha ni Dani. When it comes to height matter kasi she's so sensitive! Pinisil ko ang pisngi niya. "You know, even you're not that tall, you're still the prettiest for me!"
"Yeah right!" Puno ng sarkasmo nitong sabi.
"Totoo nga." Tinanggal ko ang pagkakapisil sa kanyang pisngi at tinitigan ko siya. Really, lately parang ang ganda-ganda ni Dani. The more that I looked at her the more that I want to...the more that I want to...napadako ang tingin ko sa mga labi niya. I wonder what it tastes like? Nagulat pa ako ng may marinig akong tumikhim sa likuran ko. What am I thinking! For sure I am not drunk! Or better yet I need another shot!
"You're back! Tapos ka ng makipag usap?" Narinig ko pang sabi ni Dani na nakatingin sa may bandang likuran ko at nakangiti ng matamis. Napakunot noo ako at nilingon kung sino ang kausap niya. I rolled my eyes when I found out who.
"Yap. So I see you already found new company huh?" Turan nito na ako ang tinutukoy.
"No I'm not company, tao ako!" Sabat ko na nakataas ang kilay. I don't know why I have this feeling na hindi kami magkakasundo ng babaeng ito!
"Yuan!" Saway sa akin ni Dani. Pinanlakihan niya ako ng mata at parang sinasabi na 'what was that for?'
"What?" Maang-maangan kong tanong.
"I guess, marami ng nainom itong kaibigan mo Dani." Sabat ng babae. Feeling close ha! Nakiki Dani akala mo kung sino. At umupo pa sa harapan namin. Oh I want to remove that devilish smirk on her face! I can feel that she don't like me either! Plastic!
"Ahm, well, Maia, I want you to meet Yuan." Pakilala sa amin ni Dani. Pinagsalitan niya kaming tiningnan. Mukhang napapansin ni Dani na hindi namin gusto ang isa't isa. "Yuan this is Maia."
Ngumiti ng nakakaloko ang ibon na nasa harapan ko! (Bakit ibon? Hindi ba ang maya ay isang ibon?! Saka mukha siyang ibon!) Inabot pa niya ang kanyang palad para makipag shake hands. Hindi ko sana tatanggapin pero napansin kong nakatingin sa akin si Dani. I sighed before I extend my hand for a handshake that she's expecting. "Nice meeting you, Yuan."
"Yeah, nice meeting you too, Ibon, este Maia pala. And correction, konti pa lang ang nainom ko!" Patuya kong sabi!
Tila balewala naman ang pang iinis ko sa kanya dahil lalong lumapad ang pagkakangiti niya. Instead binalingan niya si Dani. "Palabiro pala itong kaibigan mo Dani lalo na pag lasing!"
"I told you I'm not drunk!" Gigil kong sabi! The nerve of this girl! Ngayon parang gusto kong maging maldita!
"Yuan..." Saway sa akin ni Dani. Nananaway na ang paraan ng tingin niya sa akin.
"What?!" Inis kong baling kay Dani.
Nagtaka ako ng tumayo si Dani at hinila ako. "Samahan mo ako. Gusto kong magbanyo." Tumingin ito kay Maia bago nagpaalam. "Excuse us, Maia." Hindi nawala sa pansin ko ng ngitian pa niya ang babae.
"Gusto mo ako na ang sumama sa'yo, Dani? Familiar ako dito sa place na ito. I can show you where the bathroom is. Besides..." Tumingin pa siya sa akin patungo sa kamay namin ni Dani na magkahawak bago nagpatuloy. "Mukhang mas mabuti pang nakaupo na lang itong si Yuan, kasi parang nahihilo na siya."
Huminga ako ng malalim at bumilang ng tatlo! Talagang sinasagad ako ng babaeng ito! Magsasalita pa sana ako pero naunahan na ako ni Dani.
"No it's okay, Maia. Salamat. I know Yuan very well. She can manage. I just see you around." Hindi na hinintay pa ni Dani na magsalita pa ulit si ibon! Hinila na niya ako patayo sa kinauupuan ko. "Let's go, Yuan.."
Bago ako tuluyang magpahila kay Dani, nilingon ko muna si ibon at ngumiti ng nakakaloko! Buti nga sa'yo! Akala mo ha! Eh di nganga ka ngayon! Hahaha!
Bago ako tuluyang makalayo nakita ko pa ng bumuka ang bibig niya at sinabing 'Tonight is your night! I'll get mine soon!' Hindi ko alam kung nahihilo na ba ako at kung ano ano na ang naiimagine ko or kung iyon ba talaga ang sinabi niya. But whatever it is suddenly I feel threaten. For what reason, I'm afraid to know...