Unfamiliar Feelings

1872 Words
"So anong meron?! Paki explain naman!"  Nakahalukipkip kong tanong kay Yuan habang nakataas ang kilay ko. Dinala ko siya sa banyo kung saan kaming dalawa lang ang tao. Unang bungad pa lang ni Maia, pansin ko na agad ang disgusto ni Yuan para sa babae. Sa totoo lang, hindi naman talaga ako pala kaibigan. Si Yuan lang talaga ang malapit sa akin. But when Maia approached me this afternoon, I knew right there and then that she can be a good friend of mine. It may be too early to say, pero I can't deny na magaan agad ang pakiramdam ko para kay Maia. Actually no one can replace Yuan as the closest person (aside from my Mama and Andrew) in my heart, but that doesn't mean na hindi na ako pwedeng makipagclose o maging malapit sa iba. Hindi ko lang nagustuhan ang ikinilos niya sa harap ni Maia dahil in the first place wala namang ginawang masama ang tao. Saka naging maayos naman ang approach ni Maia sa kanya. And I was not expecting her to act like that. She looked surprised. "What do you mean, 'anong meron', ha Dani?" Nagsisimula na akong mainis! Magmamaang-maangan pa siya. Alam naman niya kung anong tinutukoy ko. Humugot ako ng malalim na hininga. "Yuan, you know what I'm talking about. So let's just cut this drama and tell me directly what is your problem?" Nagsalubong ang kilay niya at humalukipkip din sa harapan ko. Magsisimula na naman bang lumabas ng 'maldita' sides namin ni Yuan? "Hindi ko alam ang sinasabi mo!" Nakipagtagisan pa siya ng tingin sa akin. She's really stubborn! Ang gusto pa niya magkainitan pa kami bago niya sabihin kung anong totoo. "Baka nga tama si Maia. I think marami ka ng nainom." I've tried to control my temper. Dahil hanggang maaari hindi ko gusto na nagtatalo kami ni Yuan. And worst, not at this place and not in this situation. "Seriously Dani?! You know me very well when I'm drunk! Indeed, uminom ako but that doesn't mean na lasing na ako. Right now my mind is clear and I know exactly what's happening!" Tuya nito. Biglang namula ang pisngi niya, senyales na nag uumpisa na siyang mainis.  "Then tell me, why did you act like that in front of 'ibon'!" Itinaas ko pa ang dalawa kong kamay na nag aakto ng qoute and unqoute at binigyang diin ang salitang 'ibon'.  Imbes na sumagot ay humalakhak lang siya. Napailing iling ako. Wala ito! Kung hindi siya lasing then baka nagkahalo-halo na ang nainom niyang alak kaya naapektuhan na ang takbo ng utak niya. "It's not even funny, Maria Juana!"  Saka lang siya nag seryoso ng banggitin ko na ng buo ang mabantot niyang pangalan. Iyon ang isang ugali namin parehas ni Yuan. Kapag binanggit na ng bawat isa sa amin ang buo naming pangalan it means that we are really serious! Hindi man namin direktang napag usapan basta alam lang namin sa isa't isa. "C'mon Dani, you just met her this afternoon and you're acting like you've known her for a decade!" She rolled her eyes with sarcastic tone.  "You know very well that it's not my point here, Maria Juana.." She's being unreasonable. Iginigiit pa rin niya yung gusto niya.  "Ok, ok, fine!" Itinaas niya ang dalawa niyang kamay bilang pag suko. "I'm sorry! But to be honest, Dani, I just don't like her, that's why." Magsasalita sana ako pero mabilis niyang itinaas ang kanang kamay niya na parang sinasabi na 'wait I'm not yet finish'. "And please, just don't ask me why, dahil even for myself I also don't know. I just don't like her that's it! So don't you dare try to tell me to be nice to her, because you know me. Hindi ako plastic!" "Alright! Just atleast try to be civil!" Katwiran ko. Kapag ganito na si Yuan, hindi ko na mapigilan ang mainis! Napaka stubborn niya na kahit wala na siya sa katwiran ayaw pa rin niyang magpatalo. "Fine! But don't shout at me!" Bulyaw nito! "I'm not shouting! I'm just trying to explain here." Napataas na rin ang boses ko. "And for goodness sake, parang napaka walang kwenta naman ata ng pinagtatalunan natin Yuan. I've know you since we were eight at hindi ka naman ganyan." I heaved a sigh. "And for the record, when you don't like a person sinusubukan mo pa rin namang maging maayos ang treatment mo sa kanila kasi sabi mo nga 'we cannot please everyone' right? So now what was that?!"  Tila wala na siyang maikatwiran kaya napahugot na lang siya ng malalim na hininga. She chuckled and walked out on me. I sighed in frustration when I heard the door closed.  C'mon Dani, breathe in breathe out! Nakainom na si Yuan, kaya dapat hinabaan mo pa ang pasensya mo sa kanya at hindi na lang nakipagtalo pa. Humugot pa ulit ako ng malalim na hininga bago ako lumabas ng banyo para sundan siya.  Mas mabuting umuwi na lang kami at matulog! *** Hindi ko na napigilan ang pagkainis ko kaya nagwalk out ako at iniwan si Dani sa banyo! Nasa kanya naman na lahat ng katwiran kaya ano pang isasagot ko?! Kesa magkapikunan kami ng tuluyan mas mabuti pang dumistansya muna ako sa kanya. Ayoko sa lahat ay iyong nagkakasigawan kaming magkaibigan. Hindi lang naman ito ang unang beses na nangyari ito sa amin ni Dani. It's just that, sobra talaga akong naapektuhan ng presensya ni Maia. I know I'm being unreasonable, pero I really felt like Maia will take Dani away from me. Alam kong hindi ko naman pagmamay-ari si Dani, pero normal lang naman siguro na makaramdam ako ng ganoong bagay. After all Dani's been with me since I was eight. And she is the only one who knows me inside and out. I know it sounds selfish, but I want Dani just for myself! Kaya kanina noong nakita kong nagtatawanan sila hindi ko na napigilan ang inis na namuo sa dibdib ko para kay Maia. And Dani's right. Hindi naman talaga ako ganito. Atleast I know I should still have my manners. Ewan ko ba. Baka dahil sa nainom ko kaya ako biglang nagkaganito! O baka dahil deep inside me I know Maia is nice at hindi malabong mangyari na maging malapit din siya kay Dani.  I sighed in frustration! At sa sobrang inis ko, tinungga ko ng sunod-sunod ang tatlong baso ng alak na nakita ko sa isang bakanteng table. Napangiwi ako sa lasa at hapdi na dulot nito sa aking lalamunan. Pagkababa ko ng huling baso nakita ko pa si Maia na nasa may bandang dulo ng lawn, nakatingin sa akin at nakangiti ng nakakaloko. Para bang nababasa niya ang nasa isip ko at this moment. "Yuan..." Marahang tawag sa akin ni Dani mula sa aking likuran. Huminga ako ng malalim. Nakita kong nakatingin pa rin sa akin si Maia. Nang isang ideya ang pumasok sa kukote ko. I smirked at Maia before I turned around and smiled sweetly at Dani. "Let's dance Dani!" Hindi ko na siya hinintay pang magsalita. Hinila ko na siya sa kamay papuntang dance floor. Pasimple kong tiningnan si Maia at nakita kong biglang nawala ang ngisi sa mukha niya. Now what? Haha! You want to play games? I'll play games with you Maia!  Bulong ko sa sarili ko. Marami na ang nagsasayaw sa gitna ng dance floor. Merong mga magbf/gf, meron ding lalaki sa lalaki at babae sa babae, may iba rin na grupo. Ang iba nagsisigawan pa at nakikisabay sa kanta. Tumingin ako kay Dani at ngumiti. Ngumiti rin siya sa akin at sabay pa kaming umindak sa saliw ng kanta. Hinapit ko siya para mas lalo kaming magkadikit. Inilapit ko ang bibig ko sa may tenga niya. Since mas matangkad naman ako sa kanya kinailangan ko pang yumuko ng kaunti. "I'm sorry." I whispered in her ear with sincerity. Lasing na nga ba ako? Bakit ganito ang pakiramdam ko? Hindi ko mapigilan na amuyin si Dani. Damn! Why she smells so sweet? Parang nakakaadik. Napapikit pa ako at nilanghap ko pa siyang lalo. I can feel Dani stiffened. Inangat ko ang mukha ko at tinitigan siya. I can't read what's on her mind! Is she feeling the same way... the way I feel about her right now?  All of a sudden parang nagkaroon kami ng sarili naming mundo. O ako lang ba ang nakakaramdam non? But the way Dani look at me also parang binabasa niya rin ang nasa isip ko. Saka is that my heartbeat or was it hers? Now I'm confused!  Isang tinig ng lalaki ang nagpabalik sa amin sa kasalukuyan. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig at nagising ako sa isang napakagandang panaginip. *** Nagulat pa ako nang may marahang tumapik sa aking likuran. Saka lang ako natauhan. Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakaramdam ng kakaiba ng hapitin ako ni Yuan palapit sa kanyang katawan. Parang saglit pa ngang nanigas ang katawan ko ng bumulong siya sa tenga ko at maramdaman ang pagsamyo niya sa may leeg ko na nagdulot ng bolta-boltaheng kuryente hanggang sa kadulu-duluhang bahagi ng katawan ko. Pati iyong pag t***k ng puso ko parang biglang naging abnormal. Hindi naman ito ang unang pagkakataon na naging ganito kami kalapit ni Yuan sa isa't isa pero bakit iba ang pakiramdam ko ngayon?  "Hey, Dani, can I dance with Yuan?" Nalingunan ko si Miko na nakangiti sa aking likuran. Tumingin pa muna ako saglit kay Yuan na hindi ko mabasa kung anong tumatakbo sa kanyang isipan bago ko ulit binalingan si Miko. "S-Sure. I-I t-think I'll just get some drink. Excuse me." Seriously! Bakit kailangan talagang mag stammer ako? Holy cow! I must really needed a drink! Saglit ko lang sinulyapan si Yuan na blanko pa rin ang ekspresyon saka ako tuluyang dumistansya sa kanilang dalawa.  Iniwan ko na sila sa dance floor at nagpalinga-linga sa paligid. Only to be locked up by those pair of eyes ni Maia. There's something about her that I can't name. Something that bothers me. Para bang may gustong sabihin ang mga mata niya na hindi masabi ng mga labi niya. Para bang may nalalaman siyang lihim tungkol sa akin. Umiwas ako ng tingin sa kanya at tumingin sa ibang tao sa paligid. s**t! What's happening tonight?  Parang sasabog na ang ulo ko sa kakaisip. Pati dibdib ko hindi pa rin nakaka move on sa mabilis na pagtibok nito nang mapalapit ako ng sobra kay Yuan. Pakiramdam ko nakadikit pa rin ang mainit na hininga ni Yuan sa may leeg ko. Muli ko silang nilingon. Sa hindi ko maintindihang dahilan parang may tumusok sa puso ko nang makita ko ang ayos nila. Nakapulupot ang mga kamay ni Yuan sa leeg ni Miko habang nakasandig ang ulo niya sa dibdib nito, samantalang mahigpit namang nakapulupot ang kamay ng lalaki sa bewang ni Yuan. Parang hindi naman sila nagsasayaw eh, nagyayakapan! Mabilis akong kumuha ng isang baso ng alak sa waiter na napadaan sa harapan ko. Agad kong ininom ang laman ng baso at nag umpisa ng maglakad palayo sa kinatatayuan ko. I need some air! I need to figure out certain things that's only new for me. This unfamiliar feelings are really disturbing!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD