Deep Thinking

2644 Words
Natagpuan ko ang sarili ko na nakatayo sa tapat ng kotse na pinagparadahan ko kanina. Medyo kumikirot na ang sentido ko. Napatingin ako sa relo ko. It's already past eleven. Anong oras kaya balak umuwi ni Yuan? Nang maalala ko si Yuan parang nagflashback sa akin iyong nangyari kani-kanina lang sa may dance floor! Sumandal ako sa kotse ko at pumikit. Hinilot-hilot ko ang sentido ko na parang lalong sumasakit dahil sa isipin ko kay Yuan. Now what, Dani? What's really happening? This is the first time I felt like this. Sa sobrang close namin ni Yuan at sa tagal na ng aming pinagsamahan ngayon ko lang naramdaman ang mga ganitong bagay. I can't be... Mabilis kong pinalis ang isiping iyon. "No, no, no, Dani! Dala yan ng alak na nainom mo! It was nothing okay." Kausap ko sa sarili ko habang umiiling-iling. "Saka for goodness' sake, she's your bestfriend!" And now your calling her bestfriend! Nakakolokong tuya sa akin ng mahadera kong konsensya! "Eherm!" Nagulat pa ako nang may tumikhim sa may gilid ko. Nakita ko ang nakangiting si Maia habang nakataas ang isang kilay. "So I never thought you have third eye?" She didn't even hide her amusement.  Napakunot noo ako sa sinabi niya. "Huh?!" Lumingon-lignon pa ako sa paligid ko dahil baka hindi naman pala ako ang kausap niya. Imbes na sumagot, humalakhak lang siya na lalo kong ipinagtaka. Now what's going on with people? Hindi lang ba ako ang naguguluhan tonight? Pati pala si Maia? "May solar eclipse ba ngayon Maia?" Dahil sa tanong ko lalo lang siyang tumawa. Hawak-hawak pa niya ang tyan niya sa sobrang pagtawa. Nag salubong na ang kilay ko. The least thing I needed right now ay iyong pagtawanan ako for some unknown reason! Mukha namang naka halata siya dahil nag 'wait sign' pa muna siya sa akin bago muling nag seryoso. "Well..." Nakahalukipkip kong sabi. "If you will just continue laughing at my own expense, you just better go back inside. I don't need any company here." Mataray kong dugtong. Sa totoo lang, naiinis na talaga ako sa mga nangyayari! Parang sasabog na ang utak ko sa kakaisip! Tapos pagtatawanan ka pa, ay pakshet lang talaga! "Hey, masyado ka namang seryoso dyan." Sabi nito na mukhang nakarecover na sa pagtawa. "Eh kasi naman, naabutan kitang nagsasalita dyan ng mag-isa. Naisip ko baka may nakikita kang mga engkanto rito kaya tinanong ko kung may third eye ka. Kasi wala naman akong nakikitang tao dito na pwede mong makausap." "Yeah right! That's so funny, Maia!" Puno ng sarkasmo kong sabi! Muli akong humalukipkip at tumingin sa malayo. Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin saka siya sumandal din sa kotse ko. "Solar eclipse pala ha?" Tudyo nito sa akin. "How come na magkakasolar eclipse ngayon?" Lihim akong napangiti sa sinabi nito.Yeah, bakit ko nga ba naisip yon? Parang tanga lang!   "Uuuuy, galit ka ba?" Tanong nito at marahang tinabig ng balikat niya ang balikat ko. Namisinterpret nya siguro ang pananahimik ko. "Uuuy, smile na yan. Wag ka ngang masyadong seryoso dyan, hindi mo ba alam na ikaw ang pinakamaganda tonight." Hindi pa siya nakontento sa pagtabig sa balikat ko sinundot pa niya ang tagiliran ko. Napaigtad naman ako dahil malakas ang kiliti ko sa parte na 'yon. "Wag ka nga, Maia! Ewan ko sa'yo!" Naggalit-galitan ako kunwari. Hinawakan ko ang kamay niya ng balak na naman nya akong kilitiin. "Uuuy, tatawa na yan. Tatawa na si Dani. Uuuyyy!" Patuloy nito sa panunudyo. Parang bata lang. Nakaalpas ang kamay niya sa pagkakahawak sa akin kaya sinundot na naman niya ang tagiliran ko para muli akong kilitiin. Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pagtawa. Lumayo ako sa kanya at sinalag ko ang mga kamay niya sa pagsundot sa akin na panay ang habol para lang maabot niya ako. "C'mon, Maia a-ayoko n-na. T-tama na..." Nanghihina kong sabi. Huminto ito at tumingin sa akin. "Sure hindi ka na galit?" Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita. Pakiramdam ko bigla akong nanlambot. Parang naubusan ako ng lakas. "Hindi naman ako galit." Nagdududa siyang tumingin sa akin. "Sigurado ka?" I rolled my eyes. Muli akong lumapit sa kotse ko at sumandal. "There's no reason to be mad, Maia. What made you think like that?" Nagkibit balikat ito at sumandal din ulit sa kotse ko. "Hula ko lang. I mean parang seryoso ka kanina, except dun sa 'solar eclipse' part." Napatawa ako sa tinuran niya. "Eh bigla ka kasing tumawa eh! Naisip ko kakaiba ang takbo ng utak ng mga tao ngayong gabi kaya baka kako may solar eclipse na magaganap at nahuli lang ako sa balita." Sukat sa sinabi ko ay muli na naman siyang humagalpak ng tawa. Ngumiti lang ako at hinayaan siya. Atleast she can distract me from what I'm thinking right now. I sighed. "Hey, what was that for?" Bigla itong huminto sa pagtawa at tumingin sa akin. "Ang lalim naman ng pinaghuhugutan mo ah." Tukoy nito sa pagbuntong hininga ko. "May mababaw bang pinaghuhugutan? Hindi ba kaya nga hinuhugot kasi malalim?" Pilosopo kong sabi. "Ha ha ha! Now I won't buy that joke, Dani. Even if it comes from you!" I can feel the sarcasm in her voice. "So tell me, what's bothering you?" Seryoso nitong dugtong. Tiningnan ko lang siya at nagkibit balikat. I don't even know what's really bothering me. No let me rephrase that, I don't like to know what's really bothering me. Ayaw ko ng palalimin pa ang pag iisip dahil baka sa paghuhukay ko eh hindi na ako makaahon. Or worst baka hindi ko magustuhan ang kapupuntahan ng pag iisip ko. "Hoy!" Pukaw nito sa malalim kong pag iisip. "What?" Nagtataka kong tanong. Tumingin ako sa kanya at pinagmasdan siya habang nakatagilid. She's really beautiful, parang wala kang maipipintas sa kanya. But then again, I prefer looking at Yuan more. Here I go again! Yuan na naman! "You know what Dani, there's something about you that's so mysterious." Sinasabi niya sa akin pero sa kawalan naman siya nakatingin. "It's like, you were smiling yet I feel like there's more with that smile. Those eyes were full of emotions and pureness but still I think there's something missing or something you don't like to reveal.." Saka siya tumingin sa akin ng makahulugan at nakipagtagisan ng titig. Well baka magkasore eyes ako kaya ako na ang unang sumuko sa titigan moment namin. Ngumiti lang ako at nagkibit balikat. "Ang dami mong alam, Maia!" Masyadong seryoso ang mga sinasabi niya, though hindi ko alam ang mga basehan niya para masabi yon. At ayaw ko ng palawigin pa ang mga ganong bagay. "You keep on saying na madami ng nainom si Yuan, hindi kaya ikaw ang marami ng nainom?" Pag iiba ko sa usapan at nagdududa ko pa siyang tiningnan. Tipid lang siyang ngumiti. "But I ought to know more about you, Dani.." Makahulugan nitong sabi. Hindi man lang siya nag react sa tanong ko kung siya naman ata ang marami ng nainom. Muli akong humalukipkip at nakataas ang kilay ko siyang tinanong. "And why is that?" Nagkibit balikat lang ito at tumingin sa malayo. "Sometimes we know already the answers to our questions..." Kunot noo ko siyang binalingan. Now hindi kaya siya ang misteryoso at hindi ako. Weird lang ah. "Hmm...?" Lumingon siya sa akin at tinitigan ako sa mga mata. Parang nang-aarok ang mga tingin niya. Parang may gusto siyang halukayin sa pagkatao ko at sa pamamagitan ng pagtitig niya sa akin mababasa niya ang lahat. This time ayokong ako ang unang sumuko, I'll prove her that there's nothing for me to hide. But then parang mas powerful ang titig niya, so after a moment I broke it. "The only problem is that we are afraid to deal with those answers because the truth is, it's not really the answers that we want.." Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at tumingin sa malayo. "You're weird." Imbes ay sabi ko. "Get to know me and you will see.." Tumingin ako sa kanya. Napakunot noo ako dahil naka nguso siya. Now, what she wants this time?! Pati ako napapanguso din. "Dani..." Dugtong nito at patuloy sa pagnguso. "W-what??" Ninenerbyos kong sabi. Ano ba namang itong si Maia? Lasing ba siya at gusto niya akong halikan! Parang biglang namula ang buo kong mukha nang maisip ang bagay na yon! "Si Yuan.." Sabi nito maya-maya at nakanguso pa rin. Saka lang ako natauhan! God Dani you're so stupid! Lumingon ako sa may likuran ko at nakita ko si Yuan na inaalalayan ni Miko. Nag salubong ang mga mata namin ni Yuan. Is she mad? Bakit parang gusto nyang manapak? Jusko, give me a break for this night! Iyong aura ni Yuan parang any moment mangangain siya ng tao! So help me God!  *** Sumasakit na ang ulo ko dahil na rin siguro sa dami ng nainom ko simula pa kanina. At sa ginagawa naming pagsasayaw ngayon ni Miko parang lalong nadadagdagan ang sakit ng ulo ko. Saan na ba si Dani? Nag uumpisa na naman akong mainis! "Miko, wait..." Bumitaw ako sa pagkakahawak niya sa akin. "I'm kinda tipsy right now, can I just excuse myself?" Nakita ko ang biglang pag aalala sa mukha niya. After that date with him and Byron, I realized that he's just a friend for me. Pero he seems so persistent on winning me to be his girl kahit ilang beses ko na rin namang sinabi sa kanya na kaibigan lang pala ang turing ko sa kanya. "Are you okay? You want me to drive you home?" Nag-aalala nitong tanong. "Yeah I'm fine." Actually I'm kinda pissed! Sabi ko sa sarili ko. "No need to bother, Miko. Dani's here to drive me home." "Are you sure?" Nagpalinga-linga ito sa paligid at tila hinahanap si Dani. Iginiya niya ako sa isang table at pinaupo. Kumuha siya ng isang baso ng tubig sa isang waiter na nakasalubong namin. Inabot niya sa akin ang tubig. "Here, drink this first. Hindi kaya umuna na si Dani na umuwi? Parang hindi ko na siya napapansin dito." Sabi pa niya habang panay ang tingin niya sa paligid. Sukat sa sinabi nito biglang nadagdagan ang kanina ko pang mainit na ulo! Mabilis kong tinungga ang isang baso ng tubig na iniabot niya sa akin. Parang nasa 50 degrees celsius na ang init ng ulo ko, kaya any moment sasabog na talaga ako! Dani can't do that to me! Hindi niya ako kayang iwan dito! Or can she? I sighed in frustration! Now what? Naalala ko pa naman ang sinabi niya na low battery na ang cellphone niya. Paano ko pa siya matatawagan? Nagpalinga-linga ako sa paligid upang hanapin si Dani, pero kahit ata anino nito hindi ko makita! Tumayo na ako. "Hey, mas mabuti pa sigurong ako na lang ang maghatid sa'yo pauwi.." Prisinta pa ni Miko. "C'mon nasa labas lang iyong kotse ko." "No it's okay Miko. Isakay mo lang ako ng taxi and I'll be fine." Tanggi ko. It's Miko's party, alangan namang mawala siya rito. "Are you sure?" Tila naghehesitate pa ito. "But you told me you're kind---" Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin niya at tipid na ngumiti. "I'll be fine ok? Don't worry, tatawagan agad kita kapag nasa bahay na ako. Just get the plate number of the taxi para alam mo kung sino ang ha hantingin mo kapag may nangyari sa akin." "But, Yuan, alam mo nam----" "Shhhh! No buts no ifs. Halika na at ihatid mo na ako sa may labasan. Marami ka pang bisita na i-e entertain." Nagpatiuna na ako sa kanya sa paglalakad, pero mabilis naman siyang nakahabol at inaalalayan ako. Magtutuos tayo Daniela Ramirez! Bulong ko sa sarili ko. Naikuyom ko ang dalawa kong palad. This is the first time na ginawa niya sa akin ito at talagang nakakapagtampo! "Ayun naman pala si Dani oh!" Sabi sa akin ni Miko ng maka labas kami ng gate. Sinundan ko ang itinuturo niya. Great! Ang babaeng kanina ko pang hinahanap nandito lang pala kasama ang ibon na kinaiinisan ko! "Damn! What a great night!" Puno ng sarkasmo kong bulong sa sarili ko. "What?" Baling sa akin ni Miko. Pinilit kong ngumiti kahit sa loob loob ko gusto ko ng manakit ng tao. "Ah wala. Sabi ko nag enjoy ako this night, salamat Miko." You're a great pretender Yuan!  Ngumiti rin siya sa akin. "Salamat din, Yuan. I really appreciate it." For some instances I might really like Miko. Pero kung bakit hindi ko maintindihan ang sarili ko. Parang may hinahanap ako na hindi ko makita kita. Tumango lang ako at bumitaw na sa pagkakaalalay nya sa akin. "Salamat ulit Miko. Sige na. If you'll excuse me." Hindi ko na siya hinintay pang magsalita. Tumingin ako sa direksyon kung saan nakatayo ang magaling kong kaibigan. Nakataas ang kilay na lumapit ako sa kanila! Binalingan ko ang ibon na nasa may likuran niya at nakatingin din sa akin. Nakangisi na naman siya ng nakakaloko! Napatiim bagang ako sa sobrang inis! Eh kung tiradurin ko kaya ang ibon na ito nang mawala na sa eksena namin ng Dani ko! Uy ang possessive naman, 'Dani ko'. Tudyo ng isang bahagi ng utak ko! Mukha namang nahalata ni Dani na nag uumapaw na ako sa inis. "Ahm, Y-Yuan, u-uuwi na ba tayo?" Base sa pagsasalita niya na medyo nauutal at base sa mukha nyang hindi makapag decide kung lalapitan ba ako o hindi. "Unless gusto mo pang magstay dito dahil nag eenjoy ka sa presensya ng ibang tao rito?" Nakataas ang kilay ko at nakahalukipkip ako sa harapan nila. Binigyang diin ko ang salitang 'ibang tao' para mahalata ng ibon na ito na wala siyang papel dito! "H-hindi naman. I mean, kanina pa nga kitang hinihintay dito dahil gusto ko na ring umuwi." Bumaling si Dani kay Maia. Narinig ko pa ang sinabi niya. "Pasensya ka na, medyo nakainom lang siya kaya ganyan. Pero mabait yan. Sige mauna na kami." "What was that, Dani?!?" Mababakas sa boses ko ang sobrang pagkainis. Lumingon sa akin si Dani at pilit na ngumiti. Hinawakan niya ako sa kamay at iginiya na patungo sa passenger's seat. "Nothing. Let's go.." Tinapunan ko muna ng masamang tingin si ibon bago nagpahinuhod kay Dani. Ayokong makipag talo sa aking kaibigan lalo na't may ibang tao kaming kaharap at may espiritu ng alak ang aking katawan. Sinundan ko ng tingin si Dani ng umikot siya sa may driver's side. Hindi pa muna siya sumakay at tila may sinasabi pa kay ibon. Dumukwang ako sa may driver's seat at ibinaba ang salamin ng pinto ng kotse at sumilip. "C'mon Dani! If you don't like to go home I can call a taxi!" Inis kong sabi! Ano ba kasi ang napaka importanteng bagay na dapat pa niyang sabihin sa babaeng 'yon! "Sige na Dani, go ahead. Mukhang inis na inis na yang kaibigan mo." Si Maia na sinasadya pang iparinig sa akin ang sinasabi, imbes na si Dani ang sumagot. Ngumiti pa muna siya sa akin ng matamis bago hinalikan si Dani sa pisngi. "Goodnight, Dani! See you again! Bye!" Paalam nito at kinindatan pa sang best friend ko. Nagpupuyos ang dibdib ko sa galit at inis! Sinasagad talaga ako ng ibon na yon! Nakita ko ng tumalima si Dani kaya umayos na ako ng upo. Tiningnan ko siya ng masama nang makita kong nakatingin siya sa akin. Magsasalita sana siya pero agad ko siyang naunahan. "I'm really pissed, Daniela Ramirez!" Putol ko sa kung ano pa mang sasabihin niya. Hindi na ito nagsalita pa at saglit lang akong sinulyapan. Huminga pa muna siya ng malalim na hininga bago nag seat belt. Saka niya ini-start ang makina at nag umpisang magmaneho. Kumaway pa siya kay Miko na tila ba hinihintay ang pag alis namin bago muling pumasok sa loob. Wala ni isa man ang nagsalita sa aming dalawa sa buong byahe namin pauwi. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD