SHOCKED was the right word for her reaction on what he just said. Sino ba naman kasing matinong tao na maniniwala rito gayong sa tagal nilang magkakilala ay madalas na hindi ito nagseseryoso sa mga sinasabi nito?
Huminga ito ng malalim nang wala pa rin siyang sinabi dito. "I didn't intend you to say that you also love me as a friend. Hindi 'yon ang gusto kong marinig sa'yo, gusto kita ng higit pa sa kaibigan kaya wag mo kong babanatan na ewan mo. Umayos ka." grabe talaga si Ave kapag nagsasalita ng seryoso daig mo pa ang bibitayin kapag nagkamali ka man lang ng sasabihin.
"Maayos naman ako ah, ikaw itong palaging magulo." katwiran niya pero sinamaan lang siya nito ng tingin. Okay, it's not really good if your pissing him off in this kind of state. Well actually minsan talaga nagkakabaligtad sila ng posisyon tulad na lang ngayon. Siya ang dapat manahimik at hayaan itong magsalita kundi malaking g**o ang mangyayari.
"I-I love you ever since I can't remember. Kahit noon pa." nagbaba ito ng tingin parang nahihiyang hindi niya malaan. "And when we started to grow together pakiramdam ko nagi-guilty ako tuwing niyayakap ka katulad nang mga nakasanayan ko noong mga bata pa tayo kasi hindi na basta na basta kaibigan na lang ang turing ko sa'yo.." hindi niya maiwasang manlaki ang mata sa pakahulugan nito sa sinabi. "Sorry, sorry that I let my feelings grow for you. Kahit na alam kong baka hindi mo magustuhan, nagawa ko pa rin."
Everything he says is swirling around her mind as if she can't process it by her blasted brain cells. Wala sa sariling napatingin siya sa labas ng ferris wheel cart. "Kung tatalon kaya ako dito, mabubuhay pa kaya ako?"
He sigh irritably. "Here I am confessing my love for you then your asking me if you could still live after you jump on this blasted ferris wheel?" he said frustated then after a while he burst out of laughing. "Kahit kailan talaga napakaimpossible mong babae yet that the unique trait that I love most about you."
Then she blush, she actually blush! by his simple compliment he has a power to make her blush! Then realization hit her. The unusual beating of her heart, bakit ba ganon? kaasar!
Pero nang tumigil ito sa kakatawa at nakitang tahimik pa rin siya ay napabuntong-hininga na ito. "Don't worry, Rina." he smiled sadly at her. "I've already got the message so don't worry." pagkakuwan ay nanahimik na ito at tumingin sa bintana habang patuloy lang sa pag-ikot ang ferris wheel.
The silence between them almost make her mad, paano ba naman ay hindi talaga siya sanay kung ano ang magiging reaksiyon niya sa mga ganoong pagkakataon. Ang sarap tuloy sabihin dito na 'ni minsan hindi pa niya nanaranasang ma-inlove. Kung hindi nga lang niya ito kaibigan baka maisip niyang ginagamitan na siya nito ng reverse pyschology.
Nang huminto na ang pag-ikot ng ferris wheel ay walang imik siya nitong inalalayan makababa bago ito walang lingon-likod na nauna na sa kanya. Tama bang gawain 'yon?
But then as she saw him walk away she feel that he will also get out of her life for good. Agad niyang ipinilig ang ulo may pangako ito sa kanya na hindi siya nito iiwan kahit na anong mangyari. Then sudenly parang nagflash back lahat sa isipan niya ang mga kakaibang nararamdaman niya nitong mga nakaraang linggo.
The crazy fluttering of her stomach...
Crazy beating of her heart..
and crazy thing she always tell to herself para naman kahit papano ay kumalma siya tuwing nasa tabi niya ito.
Oo na aaminin na niya lahat na lang crazy pero kung ako naman ang ikukumpara mo sa kanya mas malala pa rin siya sa'kin. Tama bang mahalin niya ako ng ganoong katagal? samatalang kung sinabi lang niya agad 'di sana sinagot ko na agad siya na mahal ko din siya.
Wait a minute did I just say I also love him? Hala ka! wala sa sariling naipukpok niya ang kamay sa ulo. Bakit ang engot mo yata ngayon at ngayon lang niya na-realize? The simple things he always done for her, he's always protecting her in his own little ways, and lastly secretly loving her behind. Nakakainis talaga ang lalaking 'to! hindi niya tuloy napansin na umiiyak na pala siya.
"Ave!" sigaw ko sa kanya sabay takbo papalapit dito pero ang hudyo mas lalo pang binilisan ang paglakad! Sa sobrang asar niya at hindi niya ito maabutan ay tinanggal niya ang sapatos niya at ibinato rito pasalamat na lang ito hindi siya mahilig magsuot ng may takong na sapatos kung hindi bukol ang abot nito.
"Aray!" daing nito bago lumingon sa kanya sapo ang nasakang bumbunan. "Rina naman----" natigilan ito ng makitang umiiyak na siya dali-dali naman itong lumapit sa kanya at pinunasan ang mga luha sa mata niya sa pamamagitan ng kamay nito. "Shhh... sorry na hindi na mauulit promise."
Marahan niyang tinabig ang kamay nito. "Nakakainis ka! I hate the way you make me smile, I hate the way you always complete my day, I hate the way you make my heart beat faster, I hate the way you make me uneasy at all times when your beside me. Hate the fact that no matter what I do your always there to help and protect me. And that how you make me fall in love with you." kahit na umiiyak pa rin siya ay nagawa niyang sabihin dito ang lahat ng nilalaman ng puso niya (Korny 'no? hehe pasaway na writer)
Ngumiti ito sa kanya at dahan-dahang lumapit ang mga labi nito sa kanya. She can't explain the familiarity she felt when she tasted that sweet lips of his parang akmang-akma ang mga labi nila para sa isa't-isa. Na akala mo tuloy lumulutang ka sa ulap habang ninanamnam nito ang labi niya.
The kiss ended and they both smile at each other saka lang nila napansing lahat na pala ng tao ay nakatingin sa kanila at nagpapalakpakan. Bigla tuloy siyang namula at isinubsob ang mukha sa dibdib ng kasintahan. Her smile just widened.
"Thank you for all your support! imbitado kayong lahat sa kasal namin!" natatawang hinampas lang niya ito sa dibdib bago niya ito kinaladkad palabas dahil baka kung ano na namang kalokohan ang masabi pa nito.
Kumain muna sila sa isang fine dinning restaurant bago siya nito inuwi sa bahay nila. Nagtaka lang siya nang bumaba rin ito sa kotse.
"Bakit?"
"Anong bakit?' balik tanong lang nito.
"Bakit ka pa bumaba? Hindi ka pa ba uuwi?"
"Anong tingin mo sa relationship natin dapat itago? Dapat lang 'to malaman ni Tito at Tita 'no."
Napakagat siya sa labi ng maalala ang mga magulang. Ano kaya ang magiging reaksiyon ng mga ito sa oras na malaman ang tungkol sa kanila ni Ave.
"Don't worry, Rina nandito naman ako." hinawakan nito ang kamay niya bago sila sabay na pumasok sa loob.
(STRANGER'S POV)
SA WAKAS nakita na niya ang bahay ng totoong mga magulang. Ilang taon na rin ang nakalipas at marami nang nagbago sa paligid kaya hindi niya agad nahanap ang bahay na 'yon kahit na hindi naman lumipat sa ibang lugar ang mga ito.
Napangiti siya. "Finally, I'm home. 'Ma, 'Pa I hope you've wait for me." but he stop dead on his tracks as he saw a car coming on his way. In a blinding speed he immediately hid in a dark corner where he could see what is happening.
Agad niyang nakitang bumaba ang isang dalaga na sa tingin niya ay disi-otso palang mula sa isang magarang sasakyan kasabay rin ng pagbaba ng isang binata. Agad na nalukot ang ilong niya nang may maamoy siyang kakaiba mula sa lalaki. Hindi niya maintindihan pero alam niyang hindi ito tao pero hindi niya maintindihan kung ano ba ito pero alam niya sa sarili niyang hindi ito pangkaraniwan.
Kahit na malayo siya sa mga ito ay rinig pa rin niya ang sinasabi nito kaya hindi niya maiwasang mapakunot ng noo sa sinabi ng binata para bang kilala nito ang mga nakatira sa bahay na iyon. alam niya sa sarili niyang nadoon pa ang mga magulang dahil nararamdaman pa rin niya ang presensiya ng mga ito pero ano naman kaya ang kinalaman ng dalawang iyon sa kanila?
Hindi pa marahil tamang panahon para magpakita siya kailangan muna niya manmanan ang paligid lalo na at alam niyang hindi lang siya ang hindi pangkaraniwang tao na naroroon. Mabilis siyang naglaho mula sa dilim nang makita niyang tila umikot ang tingin ng binata mukhang tama nga ang hinala niya na hindi rin ito pangkaraniwan dahil agad na naramdaman nito ang itinatago niyang presensiya.