WALA nang tao sa loob ng gymanasium at hanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam kung sino ang nakakuha sa kanya. Kanina pa wala si Reese dahil kinuha na nito ng lalaking nakasuot ng anbu na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin niya kilala. Nangako naman itong tatawagan siya kapag nagkaroon na ito ng libreng oras.
Sa ngayon naiinis na siya dahil hindi pa rin nagpapakita ang taong gumastos ng pagkalaki-laki para lang magkaroon ng isang linggong kasama siya. Kaya anong karapatan niya para magreklamo samantalang ang laki ng pera ang inilabas nito para lang sa kanya? Sweet sana kung hindi lang niya ito kilala at pinagaantay siya rito ng parang ewan.
Nakapatong ang mga braso niya sa hita niya habang nakapangalumbaba sa kanina'y stage nila pero daig pa ang ghost town dahil siya na lang ang tao.
"Hoy!" she almost jump as she heard a very familiar voice from her back. Mukhang kakaisip ay hindi man lang niya namalayang nasa likuran na pala niya ito.
She glared at him. "What are you doing here?"
"Claiming my prize, I guess." he shrug. Then realization hit her and she hit him--- literally at his arm as she already knew what the heck is he doing there.
"Ow! dahan-dahan naman, Rina gusto mo yatang baliin ang buto ko eh." angal nito habang hinihimas ang nasaktang braso.
Bakit ba hindi man lang sumagi sa isip niya may tendency nga palang gumawa ang lalaki na hindi niya inaasahan? Bata pa lang sila ay ganoon na ito ang nakakainis lang bakit ba laging nawawala 'yon sa isip niya? Kung hindi ba naman siya masyadong ewan. Napabuntong-hininga na lang siya para pigilan ang pagka-irita dahil sa ginawa ng kaibigan kung sana sinabi lang nito ang bagay na iyon sa kanya, eh 'di sana hindi siya kinabahan ng ganoon ay kung ano-ano ang iniisip.
He peek through him. "So, Shall we go and have my date?" he casually said as he tried to help her get to his feet.
She pouted. "Kahit kailan talaga ang hilig mong pa-probelamahin ako." she said as she stood still.
"Para cool!"
She poke his head. "Paano mo naman nagawang makapag-bid ng hindi na nahihirapan man lang?"
He playfully wink at him. "Secret." but of course she knew alam niyang barya lang ang ganoong klaseng halaga sa yaman ng mga ito, well kahit naman sila mayaman pero kung ikukumpara nila ang assets ng pamilya nila sa mga ito siguradong ni wala pa nga yata sila sa kalingkingan ng yaman ng mga ito. Nauna na itong lumakad sa kanya kaya wala siyang nagawa kundi ang sumabay na lang dito.
Pagkalabas palang nila ng gym ay agad niyang napansin ang dalawang pinsan nito na may kasama yata sa tantiya niya ay eight years old na batang babae na nakakapit sa kamay ni Jeff.
Agad silang napansin ni Jeff. "Kanina pa namin kayo hinahanap nandito lang pala kayo."
"Sino 'yang batang kasama mo? Anak mo?" ininguso ni Ave ang batang nakatingin ngayon sa kanilang dalawa
"He's her babysitter for the day." sagot ni Marlon sa tabi ng mga ito na nginisian lang ang binata nang tignan nito ito ng masama.
"Nice I thought you prefer a more mature women than kids?" Ave teased as she saw the iritation etched at his face.
"Get lost." he roared as the two guys laugh.
Napatingin naman siya nang maramdaman niyang parang may humihila ng damit niya. Noon lang niya napansing hindi na pala ito nakahawak kay Jeff at kanina pa siya tinitignan. She tug her dress again as if she wants her to kneel na agad naman niyang ginawa.
Nagkapantay na ang tingin nila at noon lang niya napansin ang abo nitong mga mata. As if she could see smoke coming from it. She gingerly touch her cheek with her hand and something, a very unexplainable thing crept through her. She slowly close her eyes then she just felt someone drag her away from her.
"Eden, I think we better go. You said you want to have a teddy bear right." Jeff said as she almost drag the poor girl out of her sight while Ave is trying to help her get up.
"Ayos ka lang?" tanong nito at parang wala sa sariling napatango na lang siya. What the heck is really going on? Bakit ba pakiramdam niya ang daming mga hindi niya maipaliwanag na bagay ang nangyayari sa kanya nitong mga nakaraang buwan? That really confuse her.
HALOS hindi nagsalita si Rina sa buong durasyon yata ng biyahe nila na hinayaan na lang niya. Sigurado siyang hindi naman niya ito makakausap ng matino sa mga ganoong pagkakataon lalo na ang mga nangyari kanina lang.
Hindi niya akalaing isang witch ang batang babaeng inosenteng nakatingin sa kanila hanggang sa lumapit ito kay Rina. Hindi talaga niya alam ang ginawa nito sa dalaga pero naramdaman niya ang tila biglang pagkabalisa ni Jeff at agad na inilayo ang bata kay Rina. 'Ni hindi nga niya akalaing isa pala itong witch kung hindi lang sinabi sa kanya ni Jeff sa pamamagitan ng isip kung sino ito.
He curse under his breath siguradong nagtataka na ang dalaga kung ano ang mga nangyayari at hindi ito ang tamang panahon para sabihin sa kanya ang lahat lalo pa sa kalagayan niya ngayon.
Hindi niya mapigilang magtagis ang bagang malapit na ang conversion niya at kung hahayaan niyang malaman nito ang lahat hindi niya sigurado kung kaya niya itong maprotektahan lalo pa at nanghihina siya sa kasalukuyan. Isa pa may importante siyang bagay na kailangang sabihin dito para na rin magawa niyang tuluyang maprotektahan ito. Hindi nga lang niya alam kung magagawa niya ng maayos ang bagay na 'yon Kung sabagay nagawa rin na naman niya ito dati rito, ngayon nga lang ay ibang pagkakataon at komplikadong sitwasyon ang meron sila. Pero kailan ba hindi naging komplikado ang lahat simula nang makilala niya ito?
Sa ngayon ang kailangan muna niyang maisagawa ng tama ang mga plano niya kung hindi baka sipain siya nito palabas sa buhay nito.
NANLAKI ang mga mata ni Rina nang mapansin niya kung saan siya dinala ni Ave. Kakaisip niya hindi niya halos namalayan kung saan sila pupunta at malayo-layo na pala ang ibinyahe nila sakay ang Lexus LFA nito.
He pulled his car out of enchated kingdom's car park and she almost jump out of her seat as she saw the arc. Nakalimutan ba niyang sabihin ang pinakapaborito niyang lugar sa buong mundo ay ang mga amusement park.
"Here's our first date." he announce cheerily.
She grinned at him he really knows how to make her smile. Lahat tuloy ng kasalanan nito nang araw na 'yon sa kanya ay kinalimutan na niya. Galing 'no? ang bilis niyang masuhulan.
This time she's the one who caught his wrist and drag him inside the park.
LAHAT yata ng mga rides ay sinakyan nila and Ave really made sure she will enjoy every second of it. Laking tuwa rin niya dahil 'ni minsan ay hindi man lang ito nagsuka sa mga sinakyan nila samantalang noon ayaw nitong sumama sa kanya dahil parati itong nahihilo sa lahat ng umiikot na sasakyan.
Pero ngayon ay ito pa mismo ang nagyayaya sa kanya sa mga rides tulad ng space shuttle and rio grande. Ngayon hinuli nila ang ferris wheel para naman makita nilang dalawa ang sunset which is actually awfully romantic kung magboyfriend sila that is. But it can really be considered since parang ganoon nga ang ginagawa nila ngayon.
Nang dumating na ang ferris wheel cart sa pinaka ituktok at saktong pababa na ang araw. Doon lang niya napansing parang hindi mapakali si Ave sa harap niya.
"Anong nangyayari sa'yo? Nasusuka ka ba?' tanong niya.
He shook his head as he breath harshly. "Rina I have something to tell you."
She rolled her eyes as she can clearly see his making a suspense it. "Spill it out then." but as his dark blue eyes intently gaze at her. Her heart start to beat rapidly mukhang may gagawin na naman ito ng hindi niya inaasahan.
"I want to tell you that, I love you."