Hope's POV Pangatlong araw namin ngayong pananatili rito sa probinsiya. Maayos naman ang pakikitungo ng mga tao rito kagaya ng sinabi niya. Ngayong araw, mag aaral ako kung paano magluto. Mabuti nalang at kumpleto naman ako sa gagamitin at ang mga kailangang iluto dahil malayo pa ang bayan dito sa kanila. You need at least 1 hour to get to their public market. Kaya mabuti nalang at kumpleto naman ako sa mga sangkap. "G'morning," Perseus greeted me with his hoarse voice. Mukhang kagigising lang dahil medyo magulo pa ang buhok at nakasando lang na may ternong gray shorts. "Good morning," lingon ko sa kanya. "What are you gonna cook?" he asked habang nasa lababo siya at nakatalikod. Nakatukod ang kanyang dalawang kamay doon. "Ikaw ba anong gusto mong ulam para mamaya?" Kung an

