Hope's POV Pagkatapos naming magluto ay pumunta muna kami sa bukid para ihatid ang pagkain ng mga tauhan niyang abala sa pagtatanim. "Salamat, Ser! Ang sarap ng luto niyo," anang isang tauhan niya na hinuha ko ay taga araro dahil siya iyong nakita ko kaninang nagpastol ng kalabaw. "Oo nga, Ser. Pati narin kay Ma'am Hope. Ang galing naman palang magluto!" segunda pa ng isa. Ay hindi po ako ang nagluto. Taga hiwa lang po ako, palpak pa! "Let's go?" yaya niya sa akin. Nilingon ko siya at tinapunan ng nagtatakang tingin. "Huh? Let's go saan?" "We'll visit my favorite place here." aniya at saka siya naglahad ng kamay sa akin. "Ayun naman pala eh. May lakad..." si Nadia na nagsisimula na naman sa mga mapangasar niyang tono. "Sige po...alis na po kami," paalam ko sa kanila.

