Hope's POV "Mangan–este kain ka lang diyan, Madame! Huwag kang magpapagutom dahil kami ang malalagot kay Ser," ani Nadia pagkatapos itulak sa banda ko ang pinggan na may lamang turon. "Busog na ako tsaka...huwag mo na akong tawagin, Madame. Masyadong pormal," nginitian ko siya. "Sige pala Hope. Kung gusto mong mamasyal. Sabihin mo sa amin. Kung gusto mong pumunta sa karayan okay lang, maganda do'n!" aniya. "Karayan?" Kunot noong tanong ko. "Ay sorry! Ilog yun. Ilokano ng ilog," tumawa pa siya. "Hindi ka nga pala nakakaintindi ng Ilokano. Hayaan mo, tuturuan ka namin." "Tsaka kung gusto mo...sa bukid din p'wede basta magpaalam tayo kay Ser Perseus," she said. Tumango ako. Gusto ko ngang mamasyal kaso baka bukas na dahil medyo gumagabi na. "Uhm...matagal pa ba si Perseus?"

