Hope's POV Maaga akong nagising kinabukasan. Alas sais palang ay nasa labas na ako at pinagmamasdan ang buong lupain. Wala naman akong magawa sa loob dahil hindi naman ako pinapayagan nina Nadia lalong lalo na si Perseus na humawak ng kahit anong gawain sa loob. "Morning..." si Perseus iyon na nasa likod ko. "Good morning din," "Wanna go somewhere? Are you bored here?" Umiling ako. "Hindi pa naman. Gusto Kong mamasyal pero maaga pa. Baka hindi ko rin maappreciate ang ganda ng mga lugar dito dahil kapag maaga, wala ako sa mood para mamasyal." I said as a matter of fact. "Okay then. Later," aniya. Hindi ko siya nililingon dahil baka kapag ginawa ko iyon. Mabuhay na naman siya at ang mga kalokohan niyang banat. "May signal ba dito?" tanong ko nang biglang may maalala. "

