Katatapos niyang magbihis ng katukin siya ng isa sa mga tauhan nila doon at magtatanghalian na daw. Lumabas na siya ng silid at nandoon na nga silang lahat. Siya na lang pala yung hinihintay. Ipinaghila naman siya ni Jacob ng upuan sa tabi nito at nagsimula na nga silang kumain. "Something wrong?" puna ni Janna. Hindi yata sanay ito sa katahimikan nila. "Nothing!" sagot ni Jacob at sinabayan na niya ito ng tayo. "Eh bakit parang galit ka? Are you jealous?." "Why would I get jealous?" inis na sabi nito saka sila nito tinalikuran. "Hoy Jacob Alam ko na yung mga galawang ganyan! alam ko nagseselos ka!" sigaw ni Janna. "Damn!" Mura pa nito. "Anong problema nun?" tanong sa kanya ni Janna. Nahihiya siya kasi kaharap nila ang mga magulang nito. "Hindi ko alam." sagot niya dito. "Baka ma

