Hapon na noon kaya inihanda na ng mga katiwala ang gagamitin nila sa pag iihaw. Huling araw na kasi nila kaya naisipan nilang mag barbeque, hotdog, longganisa,isda,pusit at kung anu ano pa na pwede ihawin. Kasalukuyan siyang nag iihaw ng barbeque ng lapitan siya ni Jacob. "Misis ako na diyan." hinawakan siya nito sa baywang. "As if naman marunong ka?." biro ni Janna na kanina pa kumakain. "Nag salita ang taga kain." ganting biro din nito. "Daddy I want hotdog." sabi ni Cade inihanda naman nito ang kakainin ng anak. "Yummy?" "Yes Daddy." "Siyempre luto ni Daddy eh!". "Para ihaw lang, basic!." kontra ni Janna sa kapatid. "Ikaw kaya dito?" angil naman ni Jacob. "No way! masisira itong skin ko." maarteng sabi nito. Napatawa naman ang mag asawa sa simpleng bangayan ng mag kapatid. "

