At napahagulgol na lang bigla si Jacob na niyakap ng mahigipit ang anak. Nagkatinginan sila ni France at tumutulo na rin kapwa ang mga luha nila. Tears of joy ika nga nila. Finally mabubuo na rin ang matagal na pangarap ng anak na buo at masayang pamilya. "Group hug po tayo," sabi ng anak at nakisali na rin sila ni France saka sila nagkatawanan. "Pare mauna na ako ha, may meeting pa kasi ako." pagpapaalam ni France. "Sige pare, salamat." si Jacob. "Bye Tito France! " Kumakaway na sabi Cade. "Bye baby, pagaling ka na agad kasi nandiyan na ang Daddy mo." "Yes Tito." Hinatid niya ang kaibigan sa labas. "Masaya ako para sa inyo ni Cade Sweetheart." Sabi ni France sa kanya at hindi na naman niya napigilan ang mapaluha. "Thank you France." at minsan pay nagyakapan sila bago ito tuluy

