Huminto ang kotse ni Cade sa isang napakagarang mansion, kusang bumukas ang napakalaking gate nito. Mag aalas siyete na ng gabi ng makarating sila. Isang oras din ang biniyahe nila. "Here we are." Nakangiting sabi ng binata. "Jacob." kinakabahang sabi niya. "Relax misis, mababait ang parents ko." Pinisil siya nito sa baba saka kinindatan pero hindi parin nawala ang kanyang kaba. Ganito ba talaga ang pakiramdam kapag ipapakilala ka na sa Parents nito? "Halika na!." Kinuha niya si Cade sa kanya dahil natutulog ito at ito na ang kumarga sa anak tapos hinawakan siya nito sa kamay papasok sa loob ng bahay. Asiwa siya sa itsura nila pero binalewala na lang niya iyon. " Magandang Gabi iho, Magandang Gabi sayo iha." Bati ng isang matandang sumalubong sa kanila. "Magandang Gabi rin Nanay Sal

