DYE I continued eating at nang sumaglit si Lance sa washroom ay naiwan ako. Kung ano man ang balak ng babaeng ito ay hindi ako natatakot. Palagi akong may bantay. Ayaw ko mang mag-isip ng masama ay para akong nakaramdam ng kaba sa kanya. Hindi ako nagpahalata at ipinagpatuloy ang pagkain ko. When my husband returned, hindi na ako nakatiis. "Lance, do you know that woman? Pangalawang mesa mula sa atin. She's slightly across from us," sabi ko sa kanya sa mahinang boses. Kumunot ang noo ni Lance at pasimpleng nilingon 'yon. "There's no one there." Nang lingunin ko ang kinatatayuan ng babae kanina ay wala na s'ya. Is it just my imagination then? Pero nandoon s'ya kanina. It's the same woman from earlier. "Why? Did she say anything to you?" Umiling ako. "No. She's just... I thought I

