LANCE I drove my wife to the restaurant kung saan sila magkikita ni Astrid kasama ng kapatid nito. At dahil hindi naman ito kalayuan sa bahay ay nagpalipas ako ng oras sa isang local coffee shop. It's actually a bookstore too. Napansin ko na hindi puno ang shop pero may mga tao rin. Umorder ako ng kape at saka umupo sa isang table sa sulok. Fully charged naman ang phone ko kaya doon ko nilibang ang sarili ko and there's also e-book. Nakakatapos pa lang ako ng isang chapter ay may umupo sa bakanteng silya sa tapat ko. Nang mag-angat ako ng tingin ay kumunot ang aking noo. "Eliana?" I haven't seen her for so many years. I'm thirty now so it's like nine or ten years give or take. Kung hindi ko s'ya kaharap ngayon ng malapitan ay hindi ko s'ya mamumukhaan. I dated her casually back in colle

