LANCE Sinubukan kong umakto ng normal sa harap ng asawa ko kahit mahirap nang sunduin ko s'ya sa restaurant. Napakahirap palang magpretend na okay ang lahat kahit hindi naman. Pilit pa rin na umuukilkil sa isip ko ang usapan namin ni Eliana kanina. Ilang minuto pagkaalis n'ya ay tinawagan ko si Heidi at nagpahanap ng mauupahan na bahay. Doon muna pansamantala ang mag-ina habang inaayos ko ang mga kailangang gawin. The weird thing is, wala naman akong naramdaman o nahalata sa kanya na gusto n'yang makipagbalikan sa akin. Lahat ay puro sa anak n'ya. I feel such an asshole because I can't claim Ethan as my son. At least not yet. Hanggat walang solid na ebidens'ya na makakapagpatunay na totoong anak ko s'ya ay hindi ako maniniwala. "Lance, is everything okay?" tanong sa akin ni Dye. Ngu

