DYE Mabilis na lumipas ang mga araw at appointment ko ngayon sa bloodwork. I was given a choice about the ultrasound if I want to do it with Dra. Valentin tomorrow or if I want it done today. Ang sabi nila sa akin, kung ano man daw ang katanungan na mayroon ako sa results ng ultrasound ay kailangan din hintayin bukas kasabay ng bloodwork so I opted to do it with my OB at dugo na lang ang pinacheck. As much as I want Lance with me, kinailangan n'yang umalis two days ago para sa shipment ng diamonds na hanggang ngayon ay hindi pa dumarating. Pinag-usapan namin 'yon at hiningi n'ya ang permiso ko. Kapag sinabi ko daw na hindi, ay hindi s'ya aalis. Pero negosyante rin ako at nasa parehong industry kami. Alam ko ang pakiramdam ng naglabas ng malaking halaga at hindi mapakali hanggang hindi du

