bc

And The Ocean Still Sing

book_age16+
1
FOLLOW
1K
READ
drama
comedy
sweet
like
intro-logo
Blurb

She is a transferee entering a university. Sumama siya sa antipolo upang doon na tapusin ang kaniyang pag-aaral dahil andoon ang kaniyang pamilya. tatlo silang magkakapatid at siya ang pangalawa. Hindi siya mahilig mag-aral ngunit dahil sa kaniyang ina ay napilitan siyang pumasok at tapusin ang grade 11. Hindi siya nagcu-cutting ngunit madalas siyang absent at laging na sa kwarto.

makatapos kaya siya ng pag-aaral kung ang unibersidad na papasukan niya ay hindi magiging maganda para sa kaniya dahil sa isang taong puro kabastusan lang ang alam?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
“Ano?! ayoko doon dad! dito lang ako!” pagmamatigas ko. Pilit nila akong isinasama sa Antipolo dahil ako lang ang mag-isa rito sa Makati. Sa totoo lang ay gusto ko naman talaga sa Antipolo dahil andoon ang lolo ko. ang hindi ko lang gusto ay makakasama ko ang mga kapatid ko at ang lola ko. Simula bata pa kasi ako ay lagi nang mainit ang ulo ng lola ko sa akin kaya hangga't maaari ay gusto kong lumayo sa kaniya dahil sawang-sawa na ako mabungangaan. Si kuya clyde naman ay over-protective sa akin to the point na nakakasakal na. Si chelsea naman ay hindi ko talaga kasundo dahil na-brain wash nang lola ko. “Pero anak, hindi ka ba naboboring rito? ikaw lang mag-isa” nag-aalala niyang sabi. andito kami ngayon sa sala. umupo ako sa couch at tiningala siya. “sanay ako, dad. Hayaan niyo na lang ako rito” sabi ko at umiwas nang tingin sa kaniya. Narinig ko ang buntong hininga niya at ang kawalan nang pag-asa na hindi ako makukumbinsi. “Ang mommy mo...” napatingin akong muli kay daddy ng banggitin si mom. “hinihintay ka niya” nakangiti ngunit makikita ang lungkot sa mata ni daddy ng sabihin iyon. sandali akong natigilan at agad ko ding iniwas ang tingin ko. “si lolo julian mo naman ay masaya sa pagbabalik mo. kapag nalaman nun na hindi ka sasama sa akin pag-uwi, talagang malulungkot iyon” napapikit ako at napakagat ng labi. tumayo ako at tumalikod na sa kaniya. “hintayin niyo ako. mag-iimpake lang ako” sabi ko at umakyat na para mag-impake. ilang minuto lang ay ayos na ako kaya binuhat ko na ang maleta pababa. sinalubong ako ni daddy at siya na ang naglabas noon para isakay sa kotse. Nang maiwan akong mag-isa ay napabuntong hininga ako at yumuko. kahit anong gawin kong iwas sa pamilya ko ay babalik at babalik talaga ako. Nang makasakay ako ay agad ng pinaadar iyon. nakatanaw lang ako sa labas ng bintana habang si daddy naman na na sa passenger seat ay tingin nang tingin sa akin. “Nakalimutan kong sabihin na gusto ng lola mo na ituloy ang pag-aaral mo. Are you agree with that, Millar?” tumango na lang ako para hindi na humaba pa ang usapan, pero muli na naman siyang tumingin sa akin. “Senior high ka na diba? anong strand ang kukunin mo?” Tanong niyang muli. “Tsaka na iyan, dad. ilang weeks pa naman bago ang enrollan” sagot ko. tumango-tango naman siya at hindi na nagtanong hanggang sa makarating kami sa bahay ng lola ko. “we're here” saad ni daddy ng makapasok na kami sa gate. nang ihinto ang kotse ay agad ng lumabas si daddy. pinagbuksan niya ako ng pinto at inalalayan pababa. “asan sila?” tanong ni dad sa katulong namin na sinalubong kami para tulungan ako sa mga gamit ko. Palihim akong napangiti dahil ngayon na lang ulit ako nakadalaw sa bahay na ito. dalawang tao o mahigit din akong hindi umuwi rito para takasan ang mga tao na ayaw kong makita. “Do you miss this place, anak?” nakangiting tanong sa akin ni daddy ng mapatingin ako sa kaniya. tipid akong ngumiti at nauna ng pumasok sa bahay. sa tagal nang panahon kong hindi pumunta rito ay maraming nagbago sa lugar na ito. simula sa kulay ng bahay na dati ay puti, ngayon ay gray na. nagkaroon na rin ng maraming paintings sa living area at bagong sofa. mas lalong lumaki rin ang tv at lahat nang furnitures dito sa bahay ay mga bago. “Stay here. tatawagin ko lang sila” excited niyang sabi. tumango lang ako at nagpunta sa gilid para tignan ang mga frame. pansin kong iilan lang ang mga litrato ko rito. halos lahat ay sila na ang nandoon. sunod kong tinignan ang painting ni chelsea. Simula bata ay mahilig na siyang mag-paint at sobrang galing niya pagdating sa larangan na ito. “Millar!!” Agad akong napalingon ng tawagin ang pangalan ko ni lolo julian. kitang-kita ang saya sa mata niya habang nakasalubong ang dalawang braso para yakapin ako. “Lolo” masaya kong tawag sa kaniya at sinalubong siya ng yakap. “I miss you, lolo” bulong ko sa kaniya kaya naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya sa akin. Nang kumalas siya ay hinawakan niya ang mukha ko at tinignan ang kabuuan ng mukha ko. “pumayat ka yata. pinapabayaan mo ba ang sarili mo?” nag-aalala niyang tanong kaya napangiti ako at agad umiling. “Hindi po, lo” sagot ko at agad tumingin sa likuran niya dahil nandoon na sila mommy at ang iba pa. umalis si lolo sa harapan ko para makalapit si mommy sa akin na naiiyak. “Anak ko” Tawag niya at niyakap ako ng mahigpit. nakita kong napairap si chelsea ngunit hindi ko na lang iyon pinansin at kay mommy na lang tinuon ang tingin. “Kumusta ka?” naiiyak niyang tanong at pinasadahan ako ng tingin.“Hayaan mo anak, patatabain kita” masaya niyang sabi ng mapayatan sa katawan ko. “Hoy, millar. kumusta ka na kapatid” singit ni kuya clyde at ginulo ang buhok ko. “Pangit mo pa rin” Pangangasar niya kaya nakatanggap siya ng saway ni mom. “Joke lang, eh” simangot niya kaya napangiwi ako dahil hindi bagay sa kaniya. “Anong pumasok sa isipan mo at naisipan mong umuwi?” Napalingon ako kay mamita na kanina pa tahimik sa gilid ni chelsea. lahat kami ay natahimik maski ako ay hindi nakaimik at nanatiling nakatingin sa kaniya. “Huwag mong isipin na masaya ako sa pagbabalik mo. hindi ko pa rin nakakalimutan ang paghinto mo sa pag-aaral! sinasayang mo ang taon Chloe mhir!!” Galit nitong sabi. napangisi naman si chelsea sa gilid niya. bumuntong hininga ako at hindi na sumagot. “Hindi ba pwedeng huwag mo munang pagalitan ang apo mo? kadarating lang ni millar at ayan agad ang ibubungad mo!” Galit ring sabi ni lolo at tinignan ako. “Halika hija sa kwarto mo. magpahinga ka muna” sabi niya sa akin kaya tumango na lang ako. “Padalhan nang pagkain sa kwarto si millar” utos niya sa mga katulong bago kami tuluyang makaakyat. Nang makapasok kami sa kwarto ko ay agad akong nahiga sa kama ko. parang napagod ang katawan ko at gustong mahiga sa malambot kong kama. “ilagay mo lang diyan” rinig kong sabi ni lolo ng dalhin sa kwarto ko ang pagkain. “apo, kumain ka muna bago matulog, bababa lang muna ako” Agad siyang lumabas ng sabihin iyon kaya napapikit ako at lalamunin na sana ako ng antok ng may pumasok sa kwarto ko at pabagsak na sinara ang pinto. inaasahan ko ng si chelsea ang bubungad sa akin ngunit ang kuya ko ang nakita ko kaya napakunot ang noo ko dahil tatawa-tawa siyang naupo sa dulo ng kama ko. “Bakit?” Taka kong tanong. Napahinto naman siya sa kakatawa pero nandoon pa rin ang saya sa mukha niya. “Ano na namang katarantaduhan ang ginawa mo at dito ka pa sa kwarto ko nagtago” inis kong sabi. “Hoy, Millar! ang yabang mo na, huh! parang hindi ka naging uhugin dati” pangangasar niya at tumawa ulit. “Baliw itong si Chelsea. Pupunta dapat rito buti na lang hinila ko iyong buhok pabalik sa kwarto niya hahahahahaha” kwento niya kaya napangisi ako at muling humiga. “Humanda ka kay mamita” pananakot ko pero wala lang sa kaniya dahil sanay rin siyang pagalitan. Halata namang sa aming tatlo ay si chelsea ang paborito niya dahil lagi raw may honor at hilig ang pag-aaral. “Pagbuhulin ko pa sila, joke” Agad niyang bawi at nag-peace sign pa kaya natawa ko dahil hindi bumabagay sa kaniya ang mga ganoon dahil sa pagiging manly ng katawan niya. kung titignan si kuya ay mukha siyang maangas, basagulero at mukhang chickboy. Pero totoo talagang chickboy siya, iyong dalawa lang ang hindi tama. Si kuya clyde kasi ay gentleman sa babae na magaganda. Ginagamit niya ang pagiging gwapo niya para makakuha ng babae sa school, sa bar at kung saan-saan. “Kumusta ang buhay independent mo?” Bigla niyang tanong kaya nilingon ko siya. “Sayang at hindi ko naranasan iyon dahil pinababantay ako sa body guard ni mamita. lakas ko maka-presidente sa dami ng body guard sa tuwing papasok ako hahahaha” “OA mo!” Hindi aaksayahin ni mamita ang pera niya para sa mga hampaslupa niyang apo. Ayon ang sabi niya noon. “Imposibleng magka-body guard ka. kung ikaw ang body guard, baka maniwala pa ako” Pangangasar ko kaya binato niya ako ng unan. “Aray!” “OA mo! Walang nakakasakit sa unan” Ganti niya ng pangangasar sa akin. “So ano nga? Anong nangyare sa pagiging Independent mo? Muli niyang tanong kaya muli rin akong sumeryoso. “Freedom” Matapos kong sabihin iyon ay bumuntong hininga ako. “Lahat nang gusto ko nagagawa ko noon dahil walang naninita sa mga kilos ko. Tuwing hindi ako papasok ay walang manenermon at pipilit sa akin” Tumingin ako sa kaniya at ngumiti nang makitang nakikinig talaga siya. Muli kong ibinalik sa kisame ang tingin ko. “Kaso mahirap din dahil kailangan mong magtrabaho para makakain ka. Naranasan kong magtinda sa palengke, Kumain ng isang beses sa isang araw” “Kaya ba bumalik ka rito dahil hindi mo kinaya ang buhay mo sa makati?” Tanong niya. Agad akong umiling sa tanong na iyon. “Hindi ako bumalik rito dahil lang sa nahihirapan ako. Bumalik ako rito dahil pinilit ako ni daddy at saka... si lolo at mommy. Namiss ko sila kaya ako umuwi rito” “Talagang miss ka na. lagi ka ngang bukang bibig noong mga iyon, eh” Napangiti ako ng sabihin niya iyon. Tumayo siya at tinuro ang pagkain ko sa sidetable.“Kumain ka na. lalabas na ako” Paalam niya at dumeretso na sa pinto at muling huminto at tinignan ako. “i-lock mo ito. Iyong papampam baka puntahan ka rito hahahahaha” bilin niya at siya na nagpindot ng lock bago ito pabagsak na isinara. “I-lock ko raw pero siya naman ang gumawa” bulong ko at umiling-iling. kinuha ko ang tray sa sidetable at nagsimula ng kumain. Nang matapos ay nagtawag lang ako ng maid para kuhain na ito bago ako nakatulog. Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil may kumakatok sa pintuan ng kwarto ko. tamad akong tumayo at pumupungay pa ang mata ng buksan ko iyon. “Anong kailangan mo?” Tanong ko kay chelsea ng makita kong bihis na bihis siya. nginiwian niya ako at inirapan. “Iyon lang? Mananaray ka lang sa umaga? Sige, isasarado ko na” Sabi ko at isasara na sana ng iharang niya ang kamay niya kaya agad ko iyong inihinto. Kung demonyo lang ako, baka wala ng kamay ito ngayon. “You are really stupid! Mag-eenroll tayo at isama raw kita sabi ni mamita para ma-enroll ka na rin” Naiinis niyang sabi. kumamot ako sa ulo ko dahil ang alam ko ay next week pa iyon. “Hindi ba, next week pa ang enrollment ng senior high?” Taka kong tanong sa kaniya. “You know what? Just take a bath!” Masungit niyang sabi at naglakad na paalis. Nadaanan pa niya si kuya clyde ay hinawian ng buhok bago magtuloy sa paglalakad. “Luh, parang bobo!” Sabi ni kuya habang naglalakad papunta sa direksiyon ko, pero ang tingin ay nakatanaw kay chelsea. “May pahawi-hawi pa ng buhok” Iiling-iling niyang sabi at tumingin na sa akin. “Isa ka pa! kanina ka pa ginigising ayaw mo magising! maligo ka na!” Sigaw niya sa akin kaya gulat ko siyang tinignan. “Oo, maliligo na!” Sigaw ko rin at sinarado na ang pinto. “Ang iinit ng ulo ng mga tao ngayon, nahahawa tuloy ako” Mabilisang liguan ang ginawa ko dahil baka iwanan ako ng dalawa. nagtootbrush na rin ako at nagsuot ng ripped jeans at longsleeve croptop na white at nag-sneakers. hindi na ako nagsuklay. mamaya na lang siguro sa kotse. “Good Morning, lo” Bati ko ng makita ko siya sa dining na kumakain, kasama ang iba. bumeso ako kay mommy at kay daddy. bago tumingin kay mamita. “Good Morning po” Magalang kong sabi at umupo na sa harap ni chelsea. Tahimik na kumakain ang lahat at tanging mga kubyertos lang ang nagbibigay ingay sa paligid. Nahihiya rin akong sumubo dahil na sa akin ang tingin ni mamita. “Mhir” Tawag ni mamita kaya agad ko siyang nilingon. “Don't put yourself in any kind of mess kapag nagsimula na ang klase, naiintindihan mo ba ako?” ma-awtoridad na sabi niya sa akin. tumango lang ako at nagsimula na ulit kumain. “And, I don't want you to always be absent from school because that will ruin your performance” Saglit akong napahinto sa pag-nguya. “Always imitate your sister chelsea because she has a good grade in school and always has high honors” “High honor din ako dati, wala lang kayong pake” Hindi ko na mapigilan ang sarili kong hindi sumagot dahil sa inis. “May sarili akong utak kaya hindi ko gagayahin ang iba” “Then, use it” Singit ni chelsea kaya sa kaniya nabaling ang paningin ko. “Para saan pa ang utak kung hindi mo rin naman gagamitin” “Gamitin mo rin ang iyo. High honor nga, wala namang alam sa values. excuse me” Iniwan ko sila roon at agad ng dumeretso sa kotse para doon sila hintayin. ilang minuto lang ay dumating si lolo na may dalang bote ng tubig. “Nakalimutan mong uminom ng tubig, apo” Nakangiti niyang sabi at ini-abot sa akin ang tubig. napangiti naman ako at yumakap sa kaniya. “Thank you, lo” Sabi ko ng kumalas ako sa yakap. uminom muna ako ng tubig bago ulit magsalita. “Sorry nga pala sa nangyare kanina. Hindi ko na kasi napigilan iyong sarili ko na hindi sumagot” Nahihiya kong sabi kaya natawa siya. “Wala namang bago doon. Lagi namang ganoong kahit noong wala ka rito” Tatawa-tawa niyang sabi. “Don julian, oras na po ng inom nang gamot niyo” Singit sa amin ng nurse ni lolo. “Sige na, dito na ako at tinatawag na ako ng nurse ko” humalik muna siya sa noo ko bago lumakad papasok ng bahay. Nang mawala sa paningin ko si lolo ay nawala agad ang ngiti sa labi ko at muli akong sumeryoso. Naiisip ko pa lang na kontrolado na naman ni mamita ang bawat kilos o ginagawa ko ay mas gugustuhin ko na lang na umuwi sa makati at mangalakal doon kesa naman sa ganito ako. Ilang minuto pa bago dumating ang dalawa. agad tumabi sa akin si kuya clyde bago si chelsea. napapagitnaan namin si kuya. “Dito na ako sa gitna, baka maghablutan kayo ng buhok, eh” Tatawa-tawa niyang sabi at tumingin sa akin. “Hanep ka, huh. galing ng rebat mo dito kanina” Turo niya kay chelsea. “Titigil ka o hahatakin kita pababa?” Seryosong sabi ni chelsea kaya agad ng tumigil sa pangangasar si kuya. Walang imikan hanggang sa bumaba na kami ng sasakyan dahil na sa tapat na kami ng school. Sa labas pa lang ay maganda na at malaki ang eskwelahan kaya na-excite akong pumasok. pero si kuya ay hinila ang kwintas ko kaya napabalik ako sa kinatatayuan ko. “Huwag kang atat, wala ka pang SC” Sabi niya kaya nagtaka naman ako. “School Card” Sabi niya ng makitang kumunot ang noo ko dahil sa pagtataka. school card naman pala iyon. Sabay-Sabay kaming pumasok tatlo. may scanner doon at itinapat nila doon ang SC nila bago pumasok. Nauuna si chelsea na nakataas ang noo. Si kuya naman ang susunod na parang akala mo hindi siraulo sa seryosong mukha na ipinapakita niya sa tao. Ganito ba talaga itong mga ito? Parang ewan lang. Huminto sila sa isang pinto kaya huminto rin ako. Tinignan ko ang nakasulat sa taas at REGISTRAR ang nakalagay kaya baka dito pumupunta ang mga nag-eenroll. “Mag enroll ka na” Utos ni chelsea kaya pumasok na ako para mag-enroll. Saglit lang naman iyon kaya agad din akong pinalabas at sumunod naman si chelsea at kuya. ayaw talaga kaming magsamahin ni chelsea kaya isinama niya sa loob. Nang matapos kami ay nag-aya si chelsea na kumain sa cafeteria kaya nagtungo nga kami roon. “Kapag dito ka na nag-aral ang binabayad dito kadalasan ay credit card kaya ayon iyong ibayad mo” Bulong na turo sa akin ni kuya kaya tumango ako. “Bawal pera?” Taka kong tanong. “Pwede naman. Tatanungin ka nila kung pay for credit or pay for cash. pero mag pay for credit ka na lang para cool hahahaha” Kahit kailan wala talagang kwenta kausap. Sumusunod lang ako sa kaniya dahil tinuturuan niya ako kung paano makibagay sa mga tao rito. Onti-onti rin ay natututo na ako. mahalaga pala dito ang SC dahil para siyang I.D sa public na kapag no i.d no entry. Nang matapos kaming kumain ay dumeretso kami sa isang malaking tambayan. maganda rito umupo-upo dahil hindi mainit. “Dito sa school na ito, may leisure time kung tawagin. ayun iyong may time kayo para makapaglibot-libot o tumambay dito sa tambayan” explain niya sa akin. “Magkaiba ba ang leisure time sa break time?” tanong ko habang naglalakad kami sa tambayan. “Magkaiba” maiksi niyang sagot. Tumango na lang ako at hindi na nagtanong pa dahil na-eexplain naman niya ng maayos. Si chelsea naman ay puro reklamo na sumasakit na raw ang paa niya kakasunod sa amin. kaya napagdesisyonan naming umuwi na dahil may maarte kaming kasama. Diretso kwarto ako ng makarating sa bahay. Ayokong magpakita kay mamita dahil bubulyawan na naman ako noon kaya kailangan kong umiwas lalo na sa nangyare kanina. Nagpakuha na lang ako ng pagkain at dito na lang ako sa kwarto kumain at madalian ko lang na ibinaba sa hugasan at tumakbo na ulit pabalik sa kwarto. Agad na akong humiga at naalala kung anong strand ang kinuha ko. Hindi ko alam kung ano iyon pero ayon ang pinili ko dahil ayon ang bagay sa mga katulad kong undecided. GAS ang kinuha ko. STEM pa naman ang gusto ni mamita pero hindi ko kinuha iyon dahil gisto niya. Hindi na ako bata para kontrolin. meron na akong isip at nakakagawa na ako ng desisyon sa buhay. gabay ang kailangan ko, hindi iyong para akong robot na kinokontrol. ???

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.3K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook