Viella Pov:
Nagising ako sa alarm ng cellphone ko.Kinapa ko pa ang cp ko sa side table 7:30am na.
"Viella Aire its time to get up.Trabaho na naman.."-bulong ko pa sa sarili ko.Nag inat inat pa ako.Bigla kong naalala na andito si Zion kagabi at minasahe pa ang binti ko pero ang tanda ko nasa sala kami kagabi.So kinarga nya ako at hiniga sa kama.
"May puso pa din pala ang gago.."-natatawa ko pang kausap sa sarili ko.
Bumangon na ako at dumiretso sa banyo at nagumpisa na maligo.8:15 kumatok na si Lau para icheck kung nakaayos na ako at ibigay ang breakfast ko.Pumasok naman na kami at dumiretso sa kitchen.
"Good morning Viella.Here's your breakfast.
"Okay thanks..
"Hmm Viella ano yun paperbag na nasa sala?"-nakita ko pa sya nilapitan ang paperbag at tinignan yun laman.
"Dinala ni Mr.Villareal.."-sagot ko naman habang kinakain ang breakfast na dala ni Lau sa akin.
"Huh? Pinuntahan ka nya dito kagabi?
"Yeah dinala yan..
"Buti naman di mo kinain.Nako pag nalaman ni Kim to mapapagalitan ka.Itatapon ko na to ah.
"Okay bahala ka.
"Nanghihinayang ako kaso alam mo naman yun si Kim.
Di na ako kumibo at nakita ko naman tinapon na Lau ang paperbag sa basurahan
Pagdating namin sa studio ng IwantPinoy inasikaso naman agad ako.Nakikilala ko din ang mga host nila at halos lahat sila mababait at winelcome ako.
"Good Morning Ms.Viella.Welcome to IwantPinoy.
"Good Morning guys..
"Dito po tayo sa dressing room.
Pagpasok ko sa dressing room nakaready na ang susuotin ko at andon na din ang makeup artist ko.
"Morning guys..
"Good Morning Ms.Viella.Grabe ang ganda ganda nyo po pala talaga sa personal..
"Hahaha salamat..
Umupo na ako at nagstart na sila ayusan ako.
"Viella eto pala yun mga tatanungin sayo mamaya sa show.
Inabot sa akin ni Kim ang kopya at isa isa kong binasa.Napalingon ako sa nagsalita at may lalaking pumasok sa dressing room ko.
"Morning ready naba si Viella?
"Morning Mr.Villareal, Yes po patapos na po ayusan.
Saka lumapit sa akin at tinignan ako.
"Are you ready for your first tv guesting?
"Yeah.."-tipid ko pang sagot sa kanya.
"Bea anong oras isasalang si Viella. 10:30 po Sir.
"Okay sige.10am na guys.Get ready.
After ko ayusan tinulungan ako ni Laura at Bea magbihis.
"Lau penge water pls.
"Okay wait kunin ko lang tumbler mo.
Lumabas naman si Lau at naiwanan kami ni Bea sa dressing room.Inaayos nya nag pagkakabutones ng dress ko.
"Ms.V pinapatanong ni Sir ano daw po gusto nyong lunch.
"Tell him dont bother si Laura at Kim na bahala don.
"Grabe Ms.V pano kayo nabubusog sa dahon dahon lang..
"Sanayan lang yun."-nakangiti ko pang sagot sa kanya.
After ko maayusan may sumilip sa dressing room.
"Ms.Viella are you ready in 5mins po kayo na ang isasalang.Labas na po tayo."-sabi pa sa akin non babae at inaassist kami papunta sa studio.
"Ms.V pagpasok mo manonood kami sa gilid ng studio ahh.Antayin kapo namin dito after.
"Okay.Thanks.
Nakatayo naman na ako sa likod ng studio at nagaantay nalang matawag.Nadinig ko pa ang host na nagsasalita.Inabutan naman ako ng mic.
"Madlang pipol ready na ba kayo sa susunod natin guest.Grabe punong puno ang studio natin hanggang labas para lang masilayan ang nag iisang Super model and actres Ms.Viella Aire Adriano."-Dinig ko pang sabi ng host saka bumukas ang pinto hudyat na papasok na ako sa stage.
"Hello hello Madlang Pipol..
"Hi Viella.Welcome to Magpasikat."-bati pa nila sa akin at isa isa bumeso.
"Grabe ang babaeng to apakaganda.Nakita ko sya kanina non dumating walang kamake up makeup pero napaganda muka syang manika.
"Oo nga eh grabe ang ganda at apakasexy.
"Hahaha salamat po.
"So Viella ano ang aabangan namin sa pagbabalik mo sa bansa.
"Hmm i have upcoming movie and im gonna be the model of the first summer collection ng isang Pinay designer kaya pls suportahan po natin ang lokal brands.
"Wow exciting..Ano kayang brand yun aabangan natin?
"Ohhh so Viella nagpost kami sa F. B page namin para magtanong sa madlang pipol ng mga gustong itanong sayo at ang isa sa pinakamadaming nagtanong ay..
"Is Viella Aire Adriano single or taken?
"Im single..
"Ehem ehem ehem."-sabi pa ng isang guwapong host.
"Oh mukang may isang nagpaparamdam Viella.Si Kevin nga pala.
"Hi Kevin.."-nakangiti ko pang sabi sa isang host.
"Grabe nakakastarstruck ang ganda mo sa personal.
"Hahaha salamat.
"Are you dating someone Viella?
"Hahaha basta im single..
"Hahaha oh Guys sa mga gustong pumila start po dito ang pila ahh.
"Hahaha nako im sure madaming pipila niyan makamit lang ang matamis mong oo Viella.
"Hahahaha.
"Viella are you staying here for good?
"For that im still thinking about it.Maybe yes maybe no.But sure thing is madalas nyo po akong makikita ngayon dito..Tv guesting and may movie akong gagawin.
"Wow excited na kami.Sino kaya ang masuwerteng leading man ni Viella.
"Well for that its a surprise po.Pls support my upcoming movie.Babalik kami dito to promote our movie.Kaya sana magkikita kita tayo ulit dito.
"Salamat Ms.Viella sa pagpapaunlak na mag guest ka sa Magpasikat.Aasahan namin ang pagbabalik mo Ms.Viella.
"Thank you din po..Salamat Madlang Pipol.Kita kits po tayo nxt week we have a fashion show at Megamall for Massima first swimsuit collection.Pls support our local designer.I will be there for autograph signing sa lahat ng magaavail ng swimsuit.See you guys.
After ng tv guesting ko.Bumiyahe na agad kami papunta sa Star Agency don na daw kami maglunch at after lunch ang meeting namin para sa upcoming movie namin.
"V pagdating sa agency ihatid lang kita tas bibili lang ako ng lunch mo ah.."-paalam pa sa akin ni Lau.
"Okay.Thanks Lau.Maglunch ka na din ah.Si Kim ba asan?
"Nauna na umalis sa atin.Inaasikaso yun mga gagamitin mo para bukas may shot ka sa Boracay diba.Pero andon sya mamaya sa agency pag nakaharap na natin yun leading man mo.
"Okay.
"May gusto ka bang lunch?
"Puwede cheat day?
"Gusto mong pareho tayong mapagalitan ni Kim.Kilala mo naman yun.Naalala mo non nahuli nya tayo.
Napasimangot tuloy ako.
"Hmp 6mons nlang makakain ko na din lahat ng gusto ko.
"Mukang di na magbabago isip mo V.
"Alam mo naman matagal ko na din napagisipan to diba?
"Sabagay di kita masisi.Sikat ka nga kaso halos wala ka naman pahinga.Nakakulong ka sa kontrata.
"Pero kahit naman di nako magmodel sa akin ka pa din magwowork diba?
"Oo naman di ko naman kailangan ng malaking kita V.Sapat na din naipon ko saka wala naman na din akong pamilya uuwian kaya sasama pa din ako sayo.Kahit si Kim naman diba.
"Yeah pagtulungan natin yun mga naipundar ko.
Pagdating namin sa Agency pinapasok na agad kami at ready na daw ang lunch.Kami nalang pala ang iniintay.
"Ms.Viella nasa loob na po sila pasok na po kayo.."-salubong pa sa amin ng sekretarya ni Zion.
"Okay salamat.."-sagot ko naman sa kanya.
Napalingon naman ako kay Lau ng hinawakan ako sa braso.
"Mauna kana pumasok V.Bababa lang ako dumating na yun inorder kong food mo.Kukunin ko lang..
"Okay..Sumunod ka agad para makakain kana din okay?
"Yes i will.
Pagpasok ko sinalubong naman agad ako ni Kim.
"V buti naman dumating kana.Kamusta ang tv guesting mo?
"Okay naman buti andito kana.
"Yeah inayos ko lang yun gagamitin sa shot mo bukas.Maaga ang flight natin kasi.Tara na andito na si James kanina pa sila nagaantay sayo.
Sabay pa kami ni Kim pumasok at napansin ko madami ng tao at busy na ang iba sa pagkain.Paglapit naman namin sa mesa napansin ko may kasama sila Zion na isang guwapong lalaki mukang may lahi.Nakatingin naman sila sa akin.
"Ohh andito na pala si Viella eh.."-nadinig kong sabi ni Ms.Tan.
"Good afternoon everyone.Sorry kung ngayon lang ako.Galing pa kasi ako sa tv guesting.."-sagot ko naman sa kanila.
"Grabe Viella napanood namin yun tv guesting mo andaming tao.Mainit ang pagtanggap sayo ng mga fans mo..
"Kaya nga po nakakatuwa..
"Tara na join us here.But before that bago namin makalimutan.Viella this James Peterson ang magiging leading man mo sa gagawin mong movie..James this is Viella Aire Adriano..
Nakita ko naman tumayo ang lalaking pinakilala ni Ms.Tan sa akin saka lumapit ng nakangiti.
"Hi Viella.Nice to finally meet you..
"Likewise..
"Grabe ang ganda mo talaga sa personal.
Ngumiti lang ako sa kanya.
"Tara na maupo na kayo para makakain na tayo..
Inalalayan naman ako ni James na umupo sa tabi nya nakita ko naman si Zion na seryoso nakatingin sa amin..
"Thanks.
"Bagay na bagay pala kayo ni Viella James e..
"Oo nga may chemistry sila noh?
Nakangiti lang ako nakikinig sa kanila.