Viella POV:
Nakarinig ako ng katok napalalim na naman ang pagiisip ko habang nagsshower.Kaya di ko namalayan kanina pa pala ako andito.
"Aeri okay ka lang ba jan?
"Yeah matatapos na ako.
Kaya nagmadali na ako.Pinatay ko na ang shower at kinuha ang towel at pinunasan ko na ang katawan ko.After humarap ako sa salamin at tinitigan ang sarili ko at napangiti ako.
"Kaya mo yan Aire.Anim na buwan lang.
After ko magayos lumabas na ako at nandon pa din si Zion sa kuwarto nakaupo sa may dining at inaantay ako.
"Kumain ka muna.
"Its fine mamaya nlang.
"Kumain ka muna 230 na.
"Okay thanks"-kaya umupo na ako sa may dining at nagstart kumain.Salad lang naman ang lunch na binili ni Laura sa akin at isang banana.
"Iyan lan talaga ang kinakain mo.
"Yeah strict sa diet ang MGI..
"Pano ka mabubusog jan?
"Sanay na ako.
Nakita ko naman sya tahimik lang ako pinagmamasdan kumain.After ko kumain nagtoothbrush lang ako at lumabas na ulit.
"Im good na san ako pupunta next?
"Samahan na kita.
Nakita ko naman kinuha nya pa ang bag ko at binitbit at pinagbuksan ako ng pinto.Isip isip ko ano kayang trip nito at feeling PA ko.Bahala ka nga jan.Tahimik lang akong nakasunod sa kanya.Wala naman akong balak kausapin sya.Kundi sya magsasalita di din ako magsasalita.
"Bukas pala may tv guesting ka sa Magpasikat ah.Kaya maaga ang call time mo 10am.After that may meeting ka with James para idiscuss yun gagawin nyong movie together.
"Okay.
"Ingat lang kay James.Flirty yun and maboka sa babae.
"Okay.
"Busy ka buong week Sunday lang ang free day mo.
"Okay.
"Yun lang ang sasabihin mo sa lahat ng sinabi ko?
'Yeah"-sagot ko pa sa kanya.
Pagdating namin sa Studio sinalubong agad ako ni Laura at binigay ang cp ko.
"V tumawag si Noah.
"Bakit daw?
"May concert daw sila sa Manila nextweek..Kung puwede ka daw manood nicheck ko naman sked mo free ka non.Magkita daw kayo.Bibisitahin ka daw nya.
"Okay sige ako na bahala magreply.Thanks.
Kinuha ko naman ang cp ko at nagcheck ako ng viber ko.Nakita ko nagmsg din si Brent at Noah.Umupo na ako at aayusan na ako.Tahimik naman akong nagcp habang sila busy sa pagaayos sa akin.
Nireplyan ko si Brent nangangamusta if nasa Manila na ako.Sya kasi paalis na tonight pabalik ng Paris.
Si Noah naman naginvite andito pala sila nextweek at may concert sila.Sikat ang banda nila Noah worldwide.Nakilala ko sya sa isang event ng VS non sya ang kumanta para sa catwalk namin.Tas non afterparty nilapitan nya ako at nakipagkilala sa akin.Ilan beses na din kaming nagdate.Mabait din si Noah kaso kagaya ko busy sa trabaho same priority namin ang career kaya di din kami nagclick.Pero ilan beses na kami lumabas.He's nice, caring, may sense of humor, fun to be with and sweet.Kaya nageenjoy din akong kasama sya.Kaya nagreply ako sa kanya.Ipappadala nya daw yun ticket ko sa condo ko para makanood ako ng concert at nagyaya kung puwede akong umattend ng afterparty nila.Sabi naman ni Lau wala akong sked non kaya pumayag ako..Nangingiti pa ako sa reply sa akin ni Noah.Pagkatapos ko magreply napatingin ako sa salamin at nakita ko sa likod ko kanina pa pala nakatingin si Zion sa akin habang inaayusan ako.Nakasimangot na naman sya.Problema nito.
"Matagal pa ba yan?"-tanong nya pa sa makeup artist ko.
"15mins po Sir.
"Okay sige.Ken ready kana?-tanong nya pa sa photographer.
"Yea Sir Zion.
"Okay good.
After ko ayusan tinulungan naman ako ni Laura at ni Bea na magbihis..
Swimsuit ang imomodel ko may isang sumisikat na Pinoy fashion designer at kinuha akong model ng first swimsuit collection nya.Trial photoshoot palang to kasi dito pipiliin ng client ang mga ipapasuot sa akin sa fashion show nya at sa photoshoot na nakasked namin kasi pupunta kami sa Bora sa Thursday para magshoot para sa ilalabas nya para sa first summer collection.
Paglabas ko andon na ang client photographer at sila Kim kasama Ms Carpio at Ms.Tan.Pero nagtataka ako bakit pati si Zion andito pa.Di ba to busy? Ganito ba talaga to ka hands on sa mga model nya.Di ko nlang sya pinansin at pumunta na ako sa gitna.
"Hi Ms.Viella Im Ken Fernandez your photographer for today.
"Hi Ken you can call me V.Hi everyone.
Nakita ko naman lumapit sila sa akin at pinakilala ang client.
"Ms.Viella this is Monica Lhuilleer the fashion designer.."- pakilala ni Ms.Carpio sa amin.
"Hi Ms.Monica saw your design ang gaganda po.Thank you for choosing me.
"Hi V thank you for accepting the offer alam ko di pa ako ganon kasikat pero you still accept the project.Ikaw talaga ang gusto kong magmodel ng first swimsuit collection ko.Grabe ang ganda ganda mo pala talaga sa personal.Di talaga ako nagkamali sa pagpili sayo."-nakangiti naman sabi ni Monica sa akin.
"Salamat po..
Nagsimula na ang pictorial.Di naman na ako nahirapan kasi sanay na ako sa trabaho ko.Si Zion tahimik lang na nanonood sa akin di ko naman na sya pinansin kahit kanina pa sya nakasimangot.Gusto ko ng matapos ang trabaho ko at gusto ko ng humiga.
Inabot ang shoot ng 8pm at nagpaorder pa si Zion ng dinner.After ng shoot nagpalit lang ako ng damit at lumabas na para sumabay na magdinner sa kanila.Paglabas ko andon na sila sa lamesa.Siraulo talaga puro mga paborito ko talaga ang inorder.May Chicken inasal, sisig, Crispy pata, Tapsilog, Bulalo, Kare kare leche flan at halo halo.
Tinignan ko naman sya ng masama.Narinig ko naman tumunog ang cp ko.Kaya nicheck ko kung sino ang nagtxt.
Unknown number: Eat i know you missed it.
Tinignan ko naman sya at sinimangutan saka ako nagreply sa kanya.
Aire: Thank you sa pagpapatakam sa akin.
Unknown Number: Eat sa Star ka naman na nakakontrta.No more diet.
Binasa ko lang ang reply nya at di ko na nireplyan.Pagod na pagod ako sa maghapon actually gusto ko ng mahiga pero nagugutom na ako nagiisip ako kung kakain ako papagalitan ako ni Kim.Maya maya lang nilapitan ako ni Laura at inabot ang paper sa akin.Pagtingin ko pagkain ang laman.Salad apple at juice.
Kaya nilabas ko nlang at laman ng paperbag at nagumpisa na din kumain at sumabay sa kanila.
"Ms.V yan lan kakainin mo masarap tong Sisig at Kare kare oh.Tikman mo.."-yaya pa sa akin nila Ms.Tan.
"Sorry naka strict diet kasi sya she's not allowed to eat that."-sagot naman ni Kim.
"Sa Star Agency na sya nakakontrata? Its fine puwede na sya di magdiet.-sagot pa ni Zion.
"Nakakontrata pa din sya sa MGI.."-sagot naman ni Kim.
"Its fine guys ill eat this sanay na ako.Kain na tayo para makapagpahinga na din.."-sagot ko pa sa kanila.
Nagstart naman na kami kumain.Naiinggit man ako sa kinakain nila pero tama si Kim nakastrict diet ako.After 6mons magagawa ko na din lahat ng gusto ko.6mons nalang Aire..
"Ms.V grabe dream come true maging photographer mo..Totoo nga ang nababasa ko.Magaling ka nga talaga..-sabi pa ni Ken.
"Salamat.Magaling ka din Ken.Saw the raw photos galing ng mga kuha mo.Saka wag na Ms.V V lang okay na.
"Okay thanks V..
"V totoo ba yun kumakalat sa socmed ngayon?-Tanong naman ni Ms.Tan
"About what po?Di pa kasi ako nagoonline..
"Yun about kay Brent..
"Ahh he's a friend of mine..Nakadate ko na sya before lumalabas talaga kami pag nagtatagpo yun sked namin dalawa.Saka sanay na ko sa mga paparazzi.Lahat nlang nilink sa akin.Parang makita lang may kausap akong lalaki.Bf ko na..
Natawa naman sila.
"So wala kang bf V?
"I dont do bf.Sakit sa ulo.Sa linya ng trabaho ko na busy lagi di ko kakayanin magbf.Kawawa lang yun magiging bf ko pag nagkataon.Sa sarili ko nga wala na ko oras sa ibang tao pa kaya.
"Bakit naman V? Sa dami ng nalink sayo wala ka talagang naging bf sa kanila?
"Hahaha pag bf kasi for me seryoso bagay yun tipong magiinvest ka talaga ng time,love and effort..Ayoko sumugal sa ganon bagay habang nakakontrata ako sa MGI.After my contract magaasawa na ako.So after 6mons pag nabalitaan nyo akong nakipagdate at nagkabf yun na yun.Now yun mga nalilink wag nyo paniwalaan tsismis lang.
"Sabagay sa linya ng trabaho mo lagi kang busy.
"Sobra busy nya ilan buwan na yan puro work halos walang pahinga.Walang matino tulog.Like non nakaraan after ng VS fashion show umidlip lang saglit tas bumiyahe na papunta HK after photoshoot sa HK dumiretso na sa airport para dito.
"Di kaba napapagod V?
"Napapagod sobra kaso kailangan gawin e nakakontrata ako eh.
"So totoo ba ang tsismis na di kana magrerenew sa MGI V?Baka gusto mo sa amin nlang sa Star ka magrenew dont worry puwede naman natin pagusapan ang terms mo.
"Still thinking bout it.Im planning to settle down na kasi.Nakakapagod na din kasi puro trabaho.But malay natin im not closing my doors
"Sa dami ng nakaline up na project sayo im sure pagiisipan mo ulit pumirma kaso sana sa Star Agency na..
Nakangiti lang ako sa kanila.Nagkukuwentuhan naman na sila minsan nakikisali ako.After namin kumain nagpaalam na si Kim sa kanila.
"Guys una na kami.Pagod na si Viella kailangan na nya magpahinga.
"Thanks V.See you tom.Goodluck sa yv guesting mo.
"Thanks guys.Ingat and goodnight everyone.
Sinuotan lang ako ni Lau ng jacket alam nila ni Kim na pagod na pagod na ako at kanina ko pa gusto magpahinga.After namin magpaalam bumaba na kami sa parking.Iisang bldg lang ang tutuluyan namin pero nakahiwalay ang unit ko sa kanila.Isa yan sa terms ko gusto ko nakabukod ako.Pagdating namin sa condo hinatid pa ako nila Lau at Kim.
"Viella naayos na yun mga gamit mo.If you need anything tawagan mo nlang kami ni Lau.
"Okay Thanks pahinga na din kayo.
"Gigisingin kita ng 8am ah..
"No need magaalarm nlang ako.
"Okay sige basta 830 dapat nakapagayos kana ah susunduin tayo dito ng 8:30 at ihahatid sa studio.
"Okay thanks..
Pagalis nila Lau dumiretso na ako sa bathroom at naligo.Pagod na pagod ako buti nlang atleast maaga aga kami nakauwi ngayon.After ko naligo nagcheck ako ng closet buti nlang nakaayos na ang mga gamit ko.Kumuha lang ako ng lingerie at robe.Saka ako nagblower ng buhok.Pahiga na sana ako non nadinig ko na may nagdoorbell.Kaya napilitan akong lumabas ng kuwarto.Pagbukas ko ng pinto nagulat ako si Zion nakatayo sa harap ko may hawak hawak na paper bag.
"Yes Mr.Villareal?
"Di mo ba ako papasukin muna?
Kaya napilitan akong papasukin sya.At pumasok na din ako.
"What you need?
"Pinagtakeout kita ng pagkain.Alam kong gutom kapa."-sagot naman nya sa akin
Dumiretso naman ako sa sofa at umupo.Pagod na pagod ako sa maghapon ko.Kaya minasahe ko ang binti ko.Nakita ko naman sya umupo din sa tabi ko.
"Alam mo naman bawal.Diko din makakain yan..
"Lemme.."-Kuha nya pa sa binti ko at inumpisahan masahihin ito.Nakatingin naman ako sa kanya seryoso nagmamasahe sa binti ko.
"Im good na Zion.Di kapa ba uuwi?
"Rest i know your tired..
"Sobra..
"Rest..Kinuha nya pa ang throw pillow at nilagay sa likod ko.
Pinabayaan ko naman sya sa ginagawa nya.Wala na kong lakas na makipagtalo kay Zion.Kilala ko sya di naman yan makikinig gagawin pa din ang gusto.
Sa pagod ko di ko na napansin nakatulog na ako.
"