"Ayan tapos na! Tama ba?" ngiti ko sa kanya. Napaawang ang labi ni Diego kasama na si Ace. Namaywang akong nakangiti. Sa mukha pa lang ng dalawang ito ay tiyak makakausap ko na si Linus ko. "What the hell, Saraid," tugon ni Diego. Humakbang siya palapit sa akin at kinuha ang baril na natapos ko. Sinubukan niyang magpaputok pero hindi gumana ito. Napangiwi ako dahil may nagawa yata akong mali. Kumunot ang noo ko at tinitigan ko ng mabuti ang kamay ni Diego. Nagkukunwari lang naman pala siya dahil hindi naka-tyempo ang kamay niya sa kalabit ng baril. "Hmmm, impressive. Isang beses lang iyon ah," ngiti niya. Mas lumawak ang ngiti ko at naghihintay ng susunod na sasabihin niya. "Okay, let's try this one," pilyong ngiti niya at kinuha ang K47 na baril. Namilog ang mga mata ko, para yata

